(Duchess’s POV)
"Hindi ko alam na may exam pa pala," mayamaya ay reklamo ni Abs. "Just answer it, saan ka naman kasi nakakita ng school na walang entrance exam?" singhal ni Abi sa kanya.
At nakakatawa na lang din isipin na nag-e-exam na sila samantalang ako ay wala pang naisusulat sa registration form ko. What the hell? Ganoon ba sila ka-excited na pumasok sa school na ‘yon? Ako kasi ay hindi. Tsk.
"Come on Duchess? What are you waiting for? Fill that up," mayamaya ay puna sa akin ni Abi and I didn’t even listen to her pero agad din akong nilapitan ni Mom. "What is it? May hindi ka ba maintindihan?" Mom ask saka siya naupo sa tabi ko.
"No Mom, I just don’t wait to," agad kong sagot sa kanya and Abi just look at me also na para bang hindi siya makapaniwala. "No you cant do that. That's our deal, right?" agad niyang kontra.
"Shut up Abigail!" singhal ko sa kanya dahil nakakairita na ang ingay nila. "Don't be unfair okay? Kaylan pa naman hindi tumupad ang isang Jion aber? I mean, Duchess," she answered again at agad niyang binago ang tawag niya sa akin matapos ko siyang tingnan ng masama.
“It's okay baby, do it,” Mom also said and she just watch me fill up my form as I started.
Registration form.
*Personal information
Name : Duchess Acexien Jion Henson Steinckert
Age: 17 years old
Address: Deadly Residences
Birthday: June 8, 2001
Birthplace: Steinckert's Hospital
Mother: Xion Keixin Neo Steinckert
Father: Xin Ace Ouji Steinckert
*Skills
Eating like there's no tomorrow
*Objectives
To satisfy Abigail
*Qualifications
Don't have any choice
I then place my picture in the picture and submit it. Habang ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga kasama namin sa akin.
"What?" tanong ko sa kanila habang hindi ako nakatingin na tinawanan lang din naman ni Mom, pero walang sumagot sa kanila.
Hanggang sa mayamaya ay lumabas na ang examination form and I got a bright idea in my mind. What if I didn't pass this examination? Siguro naman hindi na magre-reklamo si Abi noon ano? Kasi kapag hindi ako nakapasa sa examination ibig sabihin hindi ako pwedeng pumasok sa Elite Academy at wala na silang magagawa doon.
Dahils sa naisip ko ay binasa ko na lang din agad ang instruction ng exam. And it says, don't write the correct answer, write the right one. Tiningnan ko rin ang kabuuan ng exam at nakita kong may mga choices rin silang pino-provide. At bawat tanong ay may dalawang sagot na nasa baba na pwede mong pagpilian. And as per the instruction don't write the correct answer, puro letter b ang inilagay kong sagot dahil iyon ang tamang sagot sa exam, at alam kong iyon ang correct answer.
I then hurriedly submitted my answers at napahampas na lang ako sa mesa matapos kong mag-perfect sa exam. What the hell? The correct answer on the questions is on the letter b right? And you should not write the correct answer for you to pass, at ginawa ko ‘yon para bumagsak ako pero anong mali? Binasa kong muli ang instruction at napamura na lang din ako sa isip ko ng paulit-ulit ng maliwanagan ako. Bullshit! Letter b was on the right side of the paper, literal meaning pala ang ibig nilang sabihin.
Doon sa don't write the correct answer lang kasi ako nag-focus at hindi ko na inintindi yung write the right one, which is wrong. Para bumagsak dapat piliin mo ang letter a, pero dahil nga sinabi na Don’t write the right answer ay iyon ang sinagot ko hoping na babagsak ako. Without realizing na ang letter b ay nasa kanan ko.
"Hey? Why? May problema ba sa system?" malambing ang tono na tanong ni Mom sa akin kaya hindi na ako sumagot. Nilapitan na lang din naman ako nina Abi at Abs habang nakatingin lang din ako sa laptop ko. “Oh my gad you pass! Natuwa lang po yata siya Tita kasi na-perfect niya po ‘yong qualifying exam sa elites,” hindi makapaniwalang sabi ni Abi.
Agad ko siyang tiningnan ng masama na agad din naman niyang ikinatahimik and she then zip her own mouth habang nakatingin lang din ang mga kasama namin sa akin.
"You'll shut up or I'll cut your tongue? You fvcking choose!" asar kong singhal sa kanya na ikinatahimik din lalo ng lahat kaya ibinalik ko na lang din ang tingin ko sa laptop ko at inilayo na lang din ni Abs sa akin si Abi.
"O-okay! A-are you done for the exam?” mayamaya ay tanong ni ate Aila sa amin na hindi ko sinagot. “O-opo,” sabay namang sagot ng kambal.
“Okay let me check the results first,” ate Aila said again saka siya naupo kasama namin hawak ang laptop niya habang nananatili naman akong tahimik. “Okay, well done. Perfect scores and since I'm here already, I’ll also orient you three first, okay? At tutal naman kilala na namin kayo hindi na rin namin kayo padadaanin sa medical at screening, sa orientation na lang at exam tayo didiretso," ate Aila added.
“I don’t need to hear it,” agad kong sabad sa kanila na muli nilang ikinatigil. "Duchess baby? What’s wrong? You look so piss," Mom hurriedly ask.
"Duchess? Come here, we can do this in your room if you want. Relax now," Abs suddenly said saka niya pinandilatan ng mata si Abi. “She can’t stand being surrounded by so many people,” Abs added.
Agad niya ring kinuha ang laptop ko and he help me stood up at hindi niya na binitawan ang kamay ko. This is his most serious state, he’s serious kapag ako at si Abi ang pinaguusapan.
"O-okay. Aila? Pwede bang doon na lang kayo sa library, is it okay? Duchess baby is it okay?" Mom ask pero hindi pa rin ako sumagot. "Mas okay nga po siguro ‘yon Tita, medyo matagal din po talaga ang orientation na ito," ate Aila answered.
“Okay, just go to the library room,” Mom said again. Agad din namang tumango si ate Aila at nauna na si Abs sa amin habang hila niya pa rin ako kaya sumunod na lang din ako sa kanila. “Relax okay? You don’t have to be scared with them Duchess,” he said but I didn’t answer him.
I don’t like being surrounded by so many people. That is the truth, kapag ganoon tense na tense talaga ako, pakiramdam ko everyone was watching me na totoo naman talaga. Lalo na kapag sila ang kasama ko, wala silang ginawa kung hindi ang bantayan ang bawat kilos ko and that sucks.
(Duce's POV)
“She doesnt look comfortable here, Ouji. Anong gagawin natin sa anak natin?” Mom ask Dad pagka-alis na pagka-alis pa lang noong apat. “Samantalang sina Abs at Abi, even Abby alam na alam nila ang gagawin sa kanya. Alam na alam nila ang ugali niya,” Mom added at kitang-kita sa kanya ang pagaalala.
"Relax Xion, you should relax. Let’s relax, okay? You know hindi lang tayo sanay na nagsusungit siya or what kasi hindi naman siya usually na ganoon. Alam naman natin na madalas lang siyang tahimik at walang pakialam, but that doesn't mean na wala na siyang ganoong side, right?" tito Xian calmed Mom. "Tito is right Mom, saka hindi naman bago na maiinitin ang ulo niya right?” pagsangayon ko na ikinatingin lang din nila sa akin.
"We can do that but we should do something also, para naman masanay na siyang makihalubilo sa atin," kuya Duke also said and we all look at him. “Dahil kung hahayaan lang natin siyang ganyan lalayo at lalayo lang siya sa atin," he added.
"Bata pa siya, natural lang ‘yon Duke. Hindi rin nasanay sa amin si Duchess, sa Japan siya nasanay. Kasama sina Abi at Abs, we can’t force her to be comfortable to us that easily. Hindi mahirap sa mga katulad niya na may trust issue sa ibang tao ang ganoon," agad namang sagot ni tita Dolly kay Kuya.
"I knew it tita Dolly, pero hindi niyo man lang ba napapansin? hindi man lang niya kayo pinapansin, hindi niya kayo pinagtutuunan ng pansin. Mas madalas pa nga niyang kausapin sina Abi at Abs kaysa sa inyo. She's like avoiding you and ignoring your presence. Which is not good dahil hindi dapat siya ganoon," kuya Duke answered.
"Then what Kuya? Pipilitin ba natin siya? Kaibigan niya ang mga ‘yon simula noon pa, hindi ka na dapat nagtataka. And we can’t force her," I answrered. “She’ll live here now, as time goes by matututunan niya na rin na makihalubilo sa kanila. We can’t force her, what happened to the fact na sinabi natin sa kanya na susuportahan natin siya no matter what? Do you want her to hate us?” I added.
"I know, but isolating herself from us is not good," he added again. "Tama ka Duke, pero tama rin si Duce. We can’t do it because we want it, Duchess should want it too," tito Kei also said na nakapagpatahimik na naman sa aming lahat.
“We can do it step by step, we can do it. Hindi niya kasalanan ito, kasalanan din natin ito dahil hinayaan natin na mapalayo tayo sa kanya,” tita Shin also said.
Dahil doon ay natahimik na ng tuluyan ang lahat. Sa totoo lang ay dito naman talaga ipinanganak si Duchess, kaya lang ay dinala siya sa Japan noong five years old pa lang siya dahil nga napapansin na rin namin noon na medyo kakaiba siya sa amin ni Kuya at maging sa mga kaibigan namin, maging kina Mom.
Naaalala ko pa nga na noon ay naghi-hysterical pa siya sa baril o sa kung anumang malakas na tunog. At noong dalahin siya sa Japan ay nawili siya doon, dahil sabi nga niya ay tahimik doon. Hindi rin kasi siya sanay sa maraming tao kaya parang nakahanap siya ng safe place niya doon. At nagpatuloy siyang ganoon hanggang high school, at bihira na rin siyang umuwi dito noon.
Kapag may special occassion nga ay mas madalas na kami ang pumupunta doon kaysa sa siya ang umuuwi dito. Mas madalas rin na hindi siya uma-attend sa kung ano-anong event namin. At mas madalas na nakakulong lang talaga sa mansion. Kapag school vacation ay bihira pa rin siyang umuwi, madalas si Mom ang kasama niya doon pero madalas din na palitan si Mom at Dad sa pagpunta sa kanya. Pero madalas ay mag-isa lang siya doon, pero ayos lang ‘yon sa kanya dahil naroon naman daw si tita Abby. Kung tutuusin sa amin ay walang nagbago, mula noong mga bata kami hanggang ngayon ay walang nagbago sa amin at wala kaming gap. Maliban sa iba naming kamag-anak at kaibigan, because she’s avoiding them sa hindi namin malamang dahilan.
(Duchess's POV)
Matapos ang orientation na tumagal din ng halos isang oras ay umuwi na rin sina Abi at Abs dahil hinahanap na rin sila nina tita Abby. Hinayaan ko na lang din naman sila dahil maghahanda pa rin daw sila para sa pagpunta namin sa school bukas. Hindi naman halata na excited sila ano?
Weird, pupunta lang naman kami doon para ituloy ang process. Magpa-final exam lang naman kami doon saka screening bago nila kami isalang sa initiation. Hindi pa naman sigurado na papasa kami, ewan ko ba sa kanila. Hindi na lang din ako nagsalita pa at bumaba na lang din ako dito sa sala kasama si ate Aila. Naupo lang din ako sa usual spot ko malayo sa kanila habang busy naman si Mom and Dad sa pagintindi sa kanila. Nag-salpak na lang din ako ng earphone sa tenga ko para hindi ko na rin marinig pa ang ingay nila.
"Hey?" agad akong napalingon dahil sa tumapik sa akin and I hurriedly wear off my earphone on my left ear. "What is it?" I alo ask.
Naupo rin naman agad siy asa tabi ko and I just let him.
"What’s that scene awhile ago?" he ask kaya napatingin na lang din ako sa kanya. "What about that?" I also ask.
"The scene kanina, why are you so piss?" he answered, kaya napakunot agad ang noo ko. “I am not informed na bawal pala akong mainis,” kunot noong sagot ko sa kanya.
"I didn’t mean it, I just wanna know why," kuya Duce said again. “What? It's nothing, I’m just pissed isn't that enough?” I ask him na ikinatitig na lang din niya sa akin.
"Ayaw mo bang pumasok sa elites?" he ask again kaya agad akong napabuntunghininga. "Kuya isn't it obvious?" I answered him.
"Okay! I knew you don’t want to go to that school pero hindi mo ba naisip na matutulungan ka nila doon na matuto ng kung ano-anong bagay para maipagtanggol mo ang sarili mo? At saka kapag doon ka pumasok siguradong safe ka habang nandito ka sa pilipinas," he said again. "Bakit? Hindi ba safe dito sa bahay o sa ibang school?" I ask him.
"Duchess maaaring safe tyao dito sa bahay pero hindi tayo sigurado kung safe nga ba sa ibang school. Unlike sa Elites Academy na alam natin na hindi kayo mapapahamak. At isa pa hindi ka pwedeng nasa bahay lang palagi, okay?” he answered habang nakatingin lang din ako sa kanya. "At sigurado ako na doon hindi ka masasangkot sa trouble na alam ko naman na ayaw na ayaw mo, at matututo ka pa na maipagtanggol ang sarili mo. It can also help you in case na bigla mo na lang mapagdesisyunan na lumayo," he added.
Napabuntunghininga na lang din ako at hindi ko na siya sinagot pa. Umiwas na lang din ako ng tingin dahil ayaw ko na makita niya na malungkot ako. Hindi niya naman kasi alam na its not about taking care of my self. I can do that, they didn’t know that I can take care of myself. Ipinagbabawal naman noon na sanayin ako kaya hindi ko ipinaalam sa kanila ang totoo, and I don't need to enter that school to enhance my skills and train myself.
"You don’t understand,” I said saka ako muling napabuntunghininga. “Hindi niyo ba naisip? The students and everyone in that school will expect too much from me kapag nalaman nilang Steinckert o Henson ako. And I don't like that, I'm not avoiding anything, but I'm avoiding possible problems," I added.
"I knew it, I knew very well that you’re just pressured," he said again kaya agad akong napalingon sa kanya. “Kuya its not something that you can say as just,” singhal ko sa kanya.
"Hindi naman kasi ako tulad niyo, kaya hindi niyo naiintindihan. Hindi niyo nararamdaman ang ganitong pakiramdam dahil pare-pareho lang naman kayo nila Mom at Dad pero iba ako kuya Duce. At kapag nalaman nila na konektado ako sa inyo, sa tingin mo ba hindi sila madidismaya? Kuya madidismaya sila oras na malaman nilang ganito lang ako, na wala man lang ako sa kalingkingan niyong lahat,” I said again. “And I guess you’re right, pressure was eating me so much. I am pressured dahil ayaw kong dungisan ang pangalan ng pamilyang ito kuya Duce. Pero, paano nga ba magpanggap na gusto mo ang lahat ng ito kahit ayaw mo naman talaga?" I added.
Napatigil na lang din ako dahil bigla niya akong niyakap na para bang wala kaming ibang kasama kaya natulala na lang din ako pero hindi ako gumawa.
"Act like you want this one, do it para makamit mo ang gusto mong buhay sa dulo. Just do it, Duchess," he said saka niya ako binitawan. He then looks at me and smiles so I just look at him. “And if you want this life, stop thinking about other people, and stop thinking about whatever they will think about you,” he added.
"Duchess you’re making you’re own pressure. You’re pressuring yourself. Sa tingin mo ba hindi alam ng mga tao dito na iba ang gusto mong buhay kaysa sa amin? Bata ka pa lang alam na namin ‘yon, and if you’re thinking na against kami doon, baby you’re wrong,” kuya Duce said again na kahit paano ay ikinagulat ko kaya bigla siyang natawa.
“What nagulat ka? Nagulat ka pa eh kami na ang kasama mo mula noong ipinagbu-buntis ka pa lang hanggang sa lumabas ka. We knew you Duchess, and if the time comes that you really want to separate your way then go, walang pumipigil sa’yo. Gusto ka lang talaga naming ihanda, hindi naman kasi pwedeng umalis ka na hindi handa. So just trust us this one, okay? We will help you, Duchess. Pamilya mo kami, nandito naman kami para sa’yo,” he said again.
“Saka hindi mo man lang ba napapansin na sa sobrang pag-ayaw mo sa mundo natin ay lumalayo ka na rin sa amin? Hindi mo rin alam na Mom is crying every night, and Dad, kuya Duke and I was very worried about you, at hindi talaga namin alam ang gagawin namin. Sila Tito at Tita, iyong mga pinsan natin, ang mga kaibigan natin, ganoon din sila. Nagaalala sila, they care so much for you kahit na hindi ka nila maintindihan. They are adjusting too much para sa’yo baby, at sila na dapat mong pinagkakatiwalaan, na dapat mong nilalapitan at tinatakbuhan, sila ang tinataboy mo, sila ang ini-ignore mo. Duchess pamilya mo kami, we wont and will never stop you from whatever you want to be, pamilya mo kami kaya tatanggapin ka namin at paulit-ulit ka naming tatanggapin ng buong-buo,” he added.
Napayakap na lang din ako sa kanya at mayamaya ay bumuntunghininga si Kuya. Niyakap niya na lang din ako and he pat my head, ilang segundo rin kaming ganoon bago niya ako bitawan.
"Sige na matulog ka na, alam ko na pagod ka and yet you’re busy answering the school exam," he said again kaya tumango na lang din ako sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa at umakyat na lang din agad ako sa kwarto ko dahil naguguluhan na naman ako sa nangyayari. Humiga na lang din ako sa kama ko, saka ako tumitig sa kawalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, anong gagawin ko ngayon? Should I really let them help me? Should I listen to them?