Chapter 6

2123 Words
(Duchess's POV) "Hindi pa ako papasok Mom, after this examination and screening ay may initiation pa hindi pa ako pasado," reklamo ko kay Mom habang abalang-abala siya sa pagasikaso sa akin. "Hayaan mo na ang Mommy mo Duchess anak, wala na tayong magagawa dyan," Dad said to me. Hindi na lang din naman ako nagsalita at naupo na lang ako at kumain kasabay nila. Hindi ko kasi gusto ang ginagawa nila, kung umasta kasi si Mom akala mo totoong mag-aaral na ako sa Elites Academy na yan. Pati si Dad, at sina Kuya ay kung ano-ano rin ang ginagawa at pinagsasabi. Ang dami rin nilang bilin na para bang pasado na talaga ako. "Kapag nakapasok ka sa academy, baby. I’ll buy you your own car," mayamaya ay sabi ni Dad sa akin dahilan para agad akong mapatingin sa kanya. "No! Hindi siya magda-drive, love," agad namang kontra ni Mom. "Love? Duke get his first car when he’s fourteen years old, and Duce get his own when he’s fifteen. We should be fair to Duchess, imagine seventeen years old na siya pero wala pa siyang sariling sasakyan," Dad said again. "No! She don't know how to drive, pano kung maaksidente ang anak natin? Naku sinasabi ko sa’yo Ouji ikaw ang malilintikan ka sa akin," Mom said again. "Pwede namang turuan si Duchess, Mom. I agree to Dad also," kuya Duce also said. "Shut up Duce, pagbubuhulin ko kayo ng Ama mo," singhal ni Mom kay kuya Duce. "Dad? Si Mom oh!" agad namang sumbong ni kuya Duce kay Dad kaya napailing na lang din ako sa kanila. "I’ll teach her," mayamaya ay sabad ni kuya Duke dahilan para matahimik sila at mapatingin sa kanya. Kahit ako ay napatingin na lang din sa kanya habang casual lang siya. He loves car racing, sa aming magkakapatid siya ang pinaka-mahilig sa sasakyan na kitang-kita naman talaga sa kanya. Kaya bata pa lang ay tinuruan na siyang mag-drive, at fourteen years old din siya noong niregaluhan siya ni Dad ng sasakyan. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko rin ang sasakyan niya noon kaya lang alam ko naman na hindi sila papayag. Alam ko na hindi nila ako papayagan, because just like awhile ago Mom don’t like that idea. "Wala nang kokontra, okay? Let’s be fair and square to Duchess. So baby? Pass everything you need to, and I’ll teach you," kuya Duke said again. “Can I at least drive your car first? Can you let me experience it Kuya? I really really wanted your car before,” I said to him na agad din naman niyang ikinatitig sa akin. “Baby? Bakit hindi mo sinasabi? You can always use that. Bakit hindi mo sinabi na gusto mo ang sasakyan ko? I can pass it to you as a gift also,” hindi makapaniwalang sabi ni Kuya sa akin pero napatigil lang din siya dahil umiwas na agad ako ng tingin. Hindi ako nagsalita dahil ayokong sabihin na dahil kay Mom kaya ayokong magsabi noon. Ayoko namang sumama na naman ang loob niya at ayoko na malungkot siya. "It's okay, but I want a car just like your latest car Kuya, it's cool. Can I at least have that?" I said again na agad niyang ikinangiti sa akin. “My matte black Aventador? Really baby? You have a good eyes on cars,” hindi makapaniwalang sagot niya. Natawa na lang din ako sa kanya and he smile at me also. "Okay, I’ll buy you three of them to match the number of their car. Just pass the examination and the initiation," Mom suddenly said. "Wow, Mom! Parang kanina ayaw mo pa ha," sabad ni kuy Duce sa usapan. "Shut up Duce, who says that? You really want that honey?" Mom said again and this time we all laugh ate her. Wala na rin naman akong nagawa doon kaya tumango na lang din ako sa kanya. "Then pass and I’ll buy you. Basta masaya ka, I’ll buy whatever it is," Mom added. Muli kaming nagtawanan pero ngumiti na lang din ako kay Mom saka kami muling kumain. Matapos naming kumain ay sandali lang din kaming nagpahinga habang nagaayos ng mga gamit namin saka kami lumakad. Sa kotse na lang din ako ni kuya Duke sumakay and kuya Duce drive his own car. Inihatid pa kami ni Mom and Dad at nagpaalam lang din naman kami sa kanila bago kami umalis. Bumusina pa si kuya Duke pagdaan namin sa magkatapat na bahay nina tito Shawn at tita shin, saktong labas naman ng bahay nila nina ate Aila, kuya Aero, ate Ash, at kuya Hanz. "Duchess? Hi!" ate Ash called me sabay bati sa akin saka niya ako kinawayan kaya kumaway na lang din ako sa kanya. "I thought you won't go," bati rin sa akin ni ate Aila. "It's for the car ate Aila," I answered. Agad din naman siyang natawa saka siya sumakay sa sasakyan niya. Ngumiti lang din naman sa amin si kuya Aero kaya tinanguan ko na lang din siya, bago sila maunang umalis ni ate Aila. Maging si kuya Hanz ay ngumiti na lang din sa akin bago sila umalis ni kuya Aila. "Tara na?" mayamaya ay yaya rin ni kuya Duce kaya dumiretso na si kuya Duke. Tahimik lang din naman akong nakaupo habang nagmamaneho siya at napansin ko lang din na kada dadaanan naming bahay ay bumubusina sila. Palagi talaga silang ganito, mula noon hanggang ngayon. Kumakaway rin naman ang mga nadadaanan namin sa amin, saka sila sumusunod sa amin. Papasok na rin siguro sila sa academy o kaya naman ay sa kanya-kanya nilang trabaho. "Nakakapanibago ka," kuya said to me kaya agad akong napatingin sa kanya. "What do you mean?" I ask na ikinatawa niya na lang din. "Basta," he answered again. Hindi ko na lang din pinansin si Kuya at natawa na lang din ako dahil ang weird niya. Bahala na nga siya, baka naman siya talaga ang weird. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa school, isang oras lang naman ang biyahe papuntang school dahil medyo malapit lang naman kami rito. Mom said na kapag nakapasa ako dito I’ll live on a dorm. That's cool, sanay naman talaga ako na ganoon ako, madalas mag-isa. Pero ngayon makakasama ko sina Abi at Abs o kaya naman ay sina Kuya, kaya parang hindi pa rin naman okay ‘yon. Actually, nagbasa na naman ako ng mga kung ano-ano tungkol sa school saka kinuwentuhan na rin naman ako ni Mom dati about doon. Ganoon din si Dad saka sila Kuya, maging sina tita Abby. Tapos may libro naman sa bahay na all about that school kaya hindi na ako nahirapan pa. Pagdating namin nakita na rin namin agad sina Abi at Abs sa carpark kaya hindi na namin sila hinanap pa. Sinenyasan na lang din kami ni ate Aila na sumunod sa kanila, kaya sumunod lang kami sa kanya at kasama pa rin namin sila Kuya. Iyong iba naming kasama ay naupo sa mga bleachers pagdating namin sa gym, at kaming sasabak sa kung ano-anong kalokohan nila ay naupo sa mismong lapag ng gym. "You’re the second batch for this year's enrollees and those students who will pass here will go directly to the initiation. And if you pass the initiation, you'll be the lucky newbie of this school. We will also do the exams and initiations this day so that in case this batch passer didn't complete all the slots, we still have time to choose from another student who will complete the slots. So? Maybe lets start," mahabang paliwanag ni ate Aila sa amin. Habang abala ang lahat sa pakikinig ay kanina pa naman ako naririndi at naiinis sa katabi naming grupo na kanina pa kaming pinagtatawanan at pinagbubulungan. Hindi ko na rin natiis ang mga bulungan nila kaya napalingon na ako sa kanila at ganoon din si Abi at Abs. "What’s your problem?" Abi ask them na muli nilang tinawanan. "Good luck na lang sa inyong tatlo mamaya," tumatawang sabi noong isa sa kanila na hindi ko na lang din naman pinansin. “Their bunch of idiots, don’t waste your time to them,” paalala ko kay Abi dahil alam kong hindi niya palalampasin ang mga mokong na ‘yon. "What did you say?" mayamaya ay muling tanong ng isa sa kanila na nakatingin sa akin. “Good luck na lang sa inyong tatlo mamaya," sagot ko na mahina ring tinawanan nina Abi at Abs. "Sinong idiot? Ha?" muli niyang tanong kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi ko na siya pinansin pa. “Hoy kinakausap kita!” mayamaya ay hiyaw sa akin nang lalaking kanina pang nagiingay. Agad ding napatingin sa amin ang mga kasama namin kaya tiningnan ko na lang siya ng masama. "Shut up or die? You choose," banta ko sa kanya. "What is that?" agad namang tanong ni ate Aila sa amin na ikinatahimik din agad noong tatlong ‘yon. "I think they’re nervous," I answered na agad na ikinatingin ng masama noong tatlo sa akin habang palihim na natatawa sina Abi at Abs. “Focus!” muling sabi ni ate Aila saka bumalik sa pakikinig ang lahat at nginisian ko lang din naman ang tatlong ‘yon na masamang-masama ang tingin sa akin. "You! I’ll kill you thress, if you pass. Mark my words," banta ko sa kanila bago sila lumayo sa amin. Marahan naman akong siniko ni Abi habang nakamasid ako sa kanila kaya agad din akong napalingon sa kanila. "Easy! Baka mayari tayo ng mga pinsan at kapatid mo," pasimpleng bulong niya sa akin na hindi ko na lang din naman pinansin. Hindi ko na lang din naman pinansin ang sinabi niya at nag-focus na lang din ako kina ate Aila. Iniisa-isa na rin kasi nilang tawagin ang mga nag-apply para ipakita ang kani-kanilang skills. This is the screening, na kasama sa mga gagawin namin ngayong araw dito. Dire-diretso lang din ang screening hanggang sa lumapit na ang tawagan dito sa amin na mga nasa likod. Hanggang sa mayamaya ay tinawag na sina Abi at Abs. Nag-tandem din ang dalawa a pagpapakita ng skills nila dahil mas productive at mas magaling sila kapag magkasama pero okay rin naman sila kung solo. "Duchess Steinckert," mayamaya ay tawag sa akin ni Aila kaya tumayo na ako saka ako lumakad sa unahan. Pakiramdam ko nga lahat ng mga mata nila ay nasa akin at lahat sila ay natahimik. Marahil nagulat sila na marinig ang apelyido ni Dad na kakabit ng pangalan ko. Nagulat marahil sila na ngayon lang din ako nagpakita sa publiko, although hindi naman ito totally in public. Paglapit ko sa unahan ay naka-handa na rin ang ilang weapons na pwede kong gamitin pero ang nilapitan ko ay ang bow and arrow na nasa dulo ng mahabang mesa. Tatlong arrow rin ang kinuha ko saka ko inilagay ng sabay-sabay sa bow ang mga arrow and I pointed it to that three, sabay bitaw ng palaso dahilan para lahat sila ay mapasigaw at mapatayo. "What the hell?" malakas na hiyaw noong tatlo na ikinatawa lang din naman nina Abi at Abs. "Hey? This bow and arrow is amazing, it will choose whoever it wants to be a target. Cool!" I said to ate Aila habang gulat na gulat siya sa ginawa ko. "That's not cool, Duchess!" sita sa akin ni ate Aila na tinawanan ko lang din naman. "You b***h!" agad ding hiyaw noong tatlo na ikinatawa na lang din ng mga kasama namin sa screening. "Oh? I’m a b***h now? Wait? As far as I remember you were saying good luck to us while making fun of us awhile ago," pambabara ko sa kanya na muling tinawanan ng mga kasama namin. "Enough, next!" agad namang hiyaw ni ate Aila para patahimikin kami kaya napangisi na lang din ako sa kanila. Nakipag-apir din sa akin sina Abi at Abs, kaya nakipag-apri na lang din ako sa kanila bago kami bumalik sa pakikinig. Good thing they have bow and arrow, kung hindi ay mapipilitan akong ipakita sa mga pinsan at kapatid ko na kaya kong gumamit ng ibang weapon. Ang alam kasi nila ay bow and arrow lang ang alam ko since that’s my sport. Actually, I really love bow and arrow. Kahit talaga may ibang weapon na ipakita sa akin ay iyon pa rin ang pipiliin ko palagi. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang screening, agad din naman kaming lumipat ng location ayon na rin sa kanila. At kahit na gumawa ako ng kalokohan ay kasama pa rin ako sa mga lumipat, indikasyon na nakapasa ako sa screening. Ayos na ayos naman sa akin iyon dahil nakapasa rin ang tatlong bugok na ‘yon kaya matagal-tagal pa kaming magaasaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD