Chapter 7

4991 Words
(Duchess’s POV) "Okay so bago natin gawin ang initiation may pinagagawa kami sa mga nakapasa doon sa mga nakapasa sa screening. Dito ay tinitingnan namin ang mga kakayahan ng lahat when working with a team. So now form a group with three members," ate Aila said again. Agad din naman kaming pumwesto nina Abi at Abs at ganoon din ang iba pa, kahit iyong tatlong bugok ay nasa iisang team din. "Matapos niyong mag-grupo ay pipili kami ng makakalaban niyong grupo. At dahil sinimulan na ng mga ito kanina, sila na ang mauuna sa listahan. Abi’s group at kayong tatlong maiingay na kulugo, get in," pagpapatuloy ni ate Aila saka kami pumasok sa loob ng ring na kinaroroonan namin. Sa magkabilang entrance rin kami dumaan habang nasa labas ang lahat para marahil ay kitang-kita nila kami dito sa loob at para wala na ring madamay sa kanila. "Show us your teamwork, and win. That’s your only goal," ate Aila said again kaya nagkatinginan na lang din kami nina Abi at Abs. “Alam niyo na ang gagawin niyo,” bulong ko sa kanila na agad din naman nilang ikinatango. Agad din silang tumakbo palapit sa tatlong ‘yon and I also run following them. Sa gulat naman nila ay hindi na sila naka-kilos lalo na ng tumigil sa harapan nila ang dalawa to do their position. Agad din akong tumuntong sa magkapatong nilang kamay saka ako tumalon at tumambling sa ere nang ihagis nila ako, papunta sa likod noong nasa gitna nilang tatlo saka ko siya siniko sa batok. Hinawakan ko rin agad ang kamay ng dalawa pa na sumuntok sa akin matapos nilang makabawi sa pagkagulat saka sila sinuntok ni Abi at Abs. Bumagsak din silang tatlo na walang malay na agad na ikinatuwa ng dalawang kasama ko. Napangisi na lang din ako ng magyakapan silang dalawa bago nila ako yakapin, kaya niyakap ko na lang din sila. I actually find it weird dahil feeling ko nasa Japan pa rin kami, at pakiramdam ko ay ang saya ko dahil doon. "What the hell?" mayamaya ay reklamo noong tatlo na agad din namang bumalik ang ulirat kaya lalo kaming natawa. Nauna na rin kaming lumabas sa kanila saka kami naupo sa bleachers habang hinihintay silang matapos. Nakita ko pa nga na malawak din ang ngiti nina Kuya para sa akin, and even my cousins, at pati ang mga kaibigan nila ay ganoon din kaya kaya mahina akong natawa. Nag-thumbs up pa nga si kuya Duce at Duke sa amin kaya nag-thumbs up din kaming tatlo sa kanila. Hindi naman nagtagal ay natapos na ang test for teamwork. Tinapos rin muna nila ang lahat bago nila kami muling kausapin. Lumipat din kaming muli nang lugar whichs is an open field, and this time they announce na initiation na. At matapos ang announcement na ‘yon ay biglang naglabasan ang mga estudyante ng academy, at lahat sila ay nakapalibot sa amin. "This time it's an all-out war, we don’t care if you did it on teamwork or alone but you need to avoid being hit by them, and fight them if you want sa loob ng thirty minutes," ate Aila announce saka sila lumayo sa field. Dahil doon lahat ng mga kasama namin nagbubulungan na, kaya nagkatinginan na lang din kaming tatlo nina Abs at Abi. “Sumalag ka lang, kami na ang bahalang lumaban sa kanila,” Abi said to me kaya tinanguan ko na lang din siya. "Kung gusto niyo namang maka-iwas sa kanila patulugin niyo na lang ang lahat ng lalapit. Hayaan niyo na ako kaya kong mag-isa basta huwag na huwag kayong magpapatama sa kanila,” I said na agad din nilang ikinatango. Pagkasabi ko noon ay saktong-sakto naman na sumenyas na ang Dean sa mga mag-aaral ng Academy na kumilos na sila. Lahat sila nagsugudan na at with weapons pa ‘yong iba, handang-handa sila. Some of them are aggressive and some of them are casual at hindi ito maganda dahil mukang lahat sila gusto akong gawing target. Maybe they knew that I am a Steinckert, may ilang umiiwas sa akin pero may ilan sa kanila na sinusugod pa ako. Masama ito, kapag nagpatuloy ang ganito wala akong choice kung hindi ang labanan na talaga sila. And that will surely ruin our plan at mabubunyag ang mga bagay na hindi dapat mabunyag. "Alam mo ‘yong one shot Abs? One shot, come on? Mapapagod ka agad!" naiinis na hiyaw ni Abi kay Abs habang abala sila sa pakikipag-laban sa harapan ko at panay naman ang ilag at salag ko sa likuran nila. Ngayon pa naman talaga nila naisipan na mag-away para talaga silang sira kung minsan. Pasaway rin naman kasi si Abs, kapag sinabi kasi ni Abi na one shot dapat isang tira lang ay tulog na ang kalaban, but obviously Abs is not listening. “This wont work, I need to fvcking move,” I said to them. Agad din akong umabante sa kanila para lumaban na lang dahil mas dumarami pa ang sumusugod sa amin. Iniwasan ko rin agad iyong unang sumugod sa akin sabay tadyak sa tuhod niya and I heard his bone c***k. Saka ko sinikmuraan ng buong lakas iyong isa pa na nagtangkang sumuntok sa akin. Tinadyakan ko rin naman agad sa sikmura iyong isa habang umaabante ako, habang kasunod iyong dalawa. Tumakbo rin agad ako papunta kay Abs saka ako tumalon at pinagsisipa ang mga nasa likod niya when they attack him altogether. I then look at him, at natawa na lang din ako dahil natawa siyang bigla bago kami nagdikit-dikit nina Abi. "Attack!" Abi yelled and we started punching and kicking habang umiikot kami sa kaliwa o sa kanan and this is also effective to them. “malapit nang matapos ang thirty minutes, bilisan na natin!" Abi said again. Tumango lang din kami ni Abs sa kanya saka kami naghiwa-hiwalay. Inikot din naman ang gym na para kaming naglalaro, at ginamit namin ang mga naririto kasama namin para makaiwas sa mga kalaban. We’re also doing that habang nagpapatulog ng mga kalaban para mabawasan ang bilang nila hanggang matapos namin ang thirty minutes. Pagkatapos ng thirty minutes ay may tumunog na alarm dahilan para mapatigil ang lahat. Saka lang din namin nakita na maraming tulog sa mga kasamahan namin at maging sa mga kalaban. Dahil doon ay agad din namang tinulungan noong ibang estudyante ‘yong mga may sugat at ‘yong mga tulog na kasamahan nila. Ang mga enrollees naman na katulad namin ay ang mga guard ang tumulong. They cleared the field for us at ang natira na lang ay kaming enrollees na pumasa, but they check us first para masiguro nila na hindi kami tinamaan. Ang ibang tinamaan sa amin ay hinayaan na nila pero ibinukod sila sa aming mga walang tama talaga, iyon namang malala ang tama ay disqualified na talaga. "Do you think that its done already? No, you’re wrong!" nakangising sabi sa amin ng Dean matapos nila kaming I-check. Natahimik din agad ang lahat dahil pagod na ang karamihan sa amin at iilan na lang yata kaming hindi. Mayamaya ay sumenyas na rin ang Dean sa kung sino at pagkatapos ay lumapit na sila Kuya sa amin. Lahat sila, as in lahat sila and this time I knew I’m over. “Whatever it takes don’t tell them that I did pratice before,” bulong ko sa kambal na kasama ko na agad din namang napatango at napalunok. “You want this right? Pwes kalimutan niyo na kasamahan natin sila. Lumaban kayong dalawa,” I said again na muli nilang ikinatango. "Bumalik kayo sa grupo niyo kanina, that's exactly the purpose kaya pinag-grupo namin kayo kanina sa screening. And obviously they are a group so lalabanan niyo rin sila as a group. Lalabanan niyo rin sila sa loob ng thirty minutes, same rules kagaya kanina, easy lang hindi ba? Iiwasan niyo lang din ang bawat atake nila pero aatake rin naman kayo, huwag kayong mag-alala. At kapag natamaan niyo ang kahit isa sa kanila, kahit hindi pa tapos ang thirty minutes ay pasok na kayo, iyon ay kung kaya niyo," ate Aila said to us na lalong ikinatahimik ng mga kasabay namin. She make it sound like so easy pero alam naman naming lahat na hindi totoo ‘yon. They rule this Academy, Abi and Abs say that at alam nila ‘yon dahil dream school nila ito. This will never be easy for the three of us at lalong hindi magiging madali ang mga bagay na ito sa iba naming mga kasama. "At kagaya kanina ang grupo nina Abi ang mauuna since kayo ang unang nanalo kanina," ate Aila said again smiling to us na para bang pinapatay niya na rin kami sa mga ngiti niya. Siguradong pinarurusahan niya na kami sa ngayon. Napailing na lang ako saka kami lumakad na tatlo. Tumabi rin naman agad ang lahat ng mga kasabayan naming enrollees pero sina Kuya ay agad na pumwesto sa gitna. I then ponytailed my long curly black hair saka ko tiningnan sina Abi at Abs na tumingin lang din naman sa akin. “Screw it,” bulong ko sa kanila saka ko sinalubong ang tingin ng mga kapatid ko. "Remember its for the car sweety!" nakangising sabi sa akin ni kuya Duke. Nginisian ko lang din naman siya saka ko binago ang expression ng muka ko na bigla rin nilang ikina-seryoso. "Lock on," I said kasabay ng pagsabi ni ate Aila ng “Start!” Bigla rin silang nawala na parang hangin, and the next thing I knew is their running to us in full speed. I just stand there and wait for them and I hurriedly dodge their attacks at ganoon din ang ginawa nina Abi at Abs bago sila umatake. Napatigil naman ako sa ginagawa kong pagiwas ng tumigil din ang mga umaatake sa akin habang abala sa pakikipaglaban sina Abi at Abs sa iba pa. “Ms. Dean, tell everyone to look away!” malakas kong hiyaw habang ini-strect ko ang leeg ko. “Why?” agad na tanong sa akin ni ate Aila kaya tiningnan ko lang muli sina Kuya. “I want to save some faces here!” hiyaw ko na ikinatulala lang din sa akin ni ate Aila pero agad din siyang sumenyas para gawin ng lahat ang sinabi ko. “Abi? Abs? Destroy!” I said again. Agad namang tumango ang dalawa sa akin and this time ako na ang sumugod sa kanila. Inuna ko nang sikmuraan si kuya Dan na unang sumugod sa akin, agad din siyang namaluktot at napaubo sa ginawa ko kaya itinuloy ko na ang paglaban sa mga sumunod pa. Siniguro ko rin na bawat pagdaan ko ay may babagsak sa kanila and Abi and Abs do the same also hanggang sa matira na lang sina kuya Duce at Duke. “You pass!” ate Aila said to us kaya hindi na kami nagabala na dampian ng kamay sina kuya Duce at kuya Duke. Agad din namang tumayo ang iba naming mga kasama at inayos rin agad nila ang sarili nila bago muling paharapin ni ate Aila ang mga kasamahan namin. "Next group," ate Aila said again kaya tumabi na rin agad kami pero hindi na napigilan nang dalawa ang excitement nila habang palayo pa lang kami sa field. Nag-apir na agad sila at nagyakapan kaya natawa na lang din ako bago kami naupo sa bleachers at nanood. (Duke's POV) Sa sobrang pagod ni Duchess kahapon, pagka-announce pa lang noong mga nakapasok ay nagyaya na siyang umuwi kahit na nagkakasiyahan na ang lahat. Pagod na raw kasi siya na kitang-kita naman talaga namin sa kanya habang tuwang-tuwa naman sina Abi at Abs kabaligtaran niya. Sa pagod nga ay nakatulog na siya sa byahe and Dad have to carry her in her room habang tila hindi naman napapagod ang kambal na kasama niya. Pero kaninang umaga kakaiba sila, especially Duchess its just unusual na masayang-masaya siya sa isang bagay. And its really unusual na kahit kaharap ang mga kaibigan namin, sina Tito at Tita at ang mga pinsan namin ay masaya at madaldal siya. I didn't expect that, she hates showing emotions to them. She hates interacting to us and showing stuffs to us lalo na kapag nandyan sila. At hindi ko rin akalain na sobrang mapapahanga niya ako, sila ni Abi at Abs dahil sa ginawa nila kahapon. Ang galing nila at wala talaga akong masabi. Duce and the other said they got scared at her, and Dan also said her punch is so so strong na para bang sinuntok siya ng malaking lalaki na may kamaong bakal. At sa isang iglap kahapon ay napabagsak nila ang mga kasamahan namin ni Duce na walang kalaban-laban, at kung hindi sila naawat ni ate Aila malamang kasama kami doon. Sa ngayon naipon na naman lahat sa bahay namin, malamang nag-kwento na rin iyong iba sa parents nila. Nagku-kwentuhan na rin kasi sina Tita tungkol doon ay kagaya namin ay nagtataka na rin sila kung paano natuto si Duchess na lumaban. But Mom, cut them off immediately, marahil nahalata niyang iba ang aura ni Duchess ngayon and asking her might not help. Nahalata na rin marahil ni Mom na maraming tinatago si Duchess sa amin ngayon, nahalata namin iyon noong naguusap-usap kami tungkol sa sasakyan. Hindi namin alam na bata pa lang siya ay mahilig na siya sa sasakyan at alam namin ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi. Nahalata namin iyon sa kilos niya, hindi niya sinabi dahil alam niyang hindi siya papayagan ni Mom. "Jion? Faster, lets buy things for school!" mayamaya ay malakas na hiyaw ni Abi dahilan para lalo kaming matahimik. Ito na naman ang kambal kaninang breakfast lang ay nandito sila at ito na naman sila ngayon. At hanggang ngayon ay hyper na hyper pa rin sila at masayang-masaya. "Abi? I just want to ask something. Can you tell me whats with the one shot, lock on and destryo kahapon?" Samara ask her na tila ba hindi niya na rin natiis ang curiousity niya na tinawanan lang din naman agad ni Abi. "Iyon ba? Alam niyo kasi guys kapag sinabi kasing one shot, dapat isang atake lang ay tulog o bagsak na ang kalaban. Iyong lock on is referring to our targets and the destroy is what were saying kapag simula na ang laban. Naksanayan na rin ni Duchess ‘yon sa amin kaya huwag na kayong magtaka kung alam niya," she answered. "Ang cool niyo talaga grabe. Nadali niyo kami kahapon ha," Aero also said na tinawanan lang ding muli noong kambal. "Wait where's Jion?" mayamaya ay tanong muli ni Abi sa amin. "What? Inaantok pa ako alam mo ba ‘yon? Ang ingay mo talaga," mayamaya ay reklamo ni Duchess dahilan para mapalingon kami sa hagdan habang pababa siya. Balik na rin ang usual aura at tono niya kaya mas lalong dapat kaming magingat sa mga sasabihin namin ngayon. Natulog lang din siya ulit after breakfast pero parang wala na naman siya sa mood. "Wait ano nga palang nangyari doon sa tatlong bugok na pinadaplisan mo ng arrow, Duchess?" mayamaya ay tanong ni Duce sa kanya na dahilan para agad akong mapatingin sa kanya saka ko siya pinandilatan ng mata. "Nako kuya Duce, ayon bumagsak sila. Alam niyo mga sira ulo kasi ang mga ‘yon eh. Ang yayabang, good luck daw sa amin," himutok ni Abi sa amin. “Right! Kaya ayon na-goodluck din sila ni Duchess,” sang-ayon ni Abs saka sila sabay na tumawa. "Lunch is ready!" mayamaya ay hiyaw nila Mom mula sa kusina kaya napatigil na lang din kami sa kwentuhan namin. “Let’s eat!” yaya rin ni ate Aila sa amin and she then called our fathers sa may study room. "Okay ka lang Duchess? Ang tahimik mo at mas balot na balot ka yata ngayon?" Dan ask Duchess na ikinalingon ko rin sa kanila. "Ang dami ko kasing pasa kuya Dan, at ang sakit ng katawan ko. Kasalanan talaga ito nitong kambal na ‘to eh," Duchess answered saka niya tiningnan ng masama ang mga kaibigan niya. "Bakit kami?" hiyaw naman noong kambal saka sila agad na tumakbo ng habulin sila ni Duchess. Dahil doon ay natawa na lang din kami sa kanila habang pinanonood namin sila. "Stop! Kakain na!” pigil ni ate Aila sa kanila pero hindi nakinig si Duchess sa kanya. “Duchess, come here?" I called her na agad din niyang ikinatigil. Bumuntunghininga ring bigla iyong kambal pagtigil ni Duchess sa paghabol sa kanila saka siya lumapit sa akin. "Patingin ako." I said at agad din naman niyang ipinakita iyong mga pasa niya sa braso. At sigurado akong sa kakasalag niya ‘yon kahapon. "What is that?" Dad also ask saka niya tiningnan ang mga braso ni Duchess. "I can help her reduce the swelling and bruises later Tito," ate Aila also said. "Okay, let’s eat first. Does it hurt, baby?" Dad answered saka niya muling binalingan si Duchess. She then nod at him pero parang wala lang naman talaga sa kanya ang mga pasa niya. "Lets eat first para magamot na yan agad," tito Shawn also said. Tumango na lang din si Duchess sa kanila pero mayamaya ay natawa na lang din kami nang magtakbuhan silang muli nina Abi at Abs papasok sa kusina. Duchess always say she’s not a baby anymore, pero mas madalas naman siyang umasta na parang baby pa rin. Kaya naman Dad and Mom at kahit pa kami ay baby ang turing sa kanya. "You know what? I can’t still believe it. Oh my gee, we pass!" mayamaya ay muling sabi ni Abi habang kumakain kami. Natawa n alang din naman kami sa kanya dahil sanay na rin naman kami sa kanila. "Oh sige Abi. Baka naman mamaya niyan, hindi ka na naman makatulog tapos ako na naman ang bubulabugin mo,” agad na reklamo ni Abs sa kanya. "Jion bumili na kaya tayo ng gamit natin? Wait? aling dorm kaya ang gagamitin natin? Sana sa iisang dorm lang tayo," Abi said again na hindi pinansin ang anumang sinabi ni Abs. "Busy ako, kaya tumahimik ka na at kumain," Duchess said to her pero parang wala na naman siyang narinig “Pero sana tayong dalawa lang ang magkasama sa dorm tapos itong si Abs sa basurahan na lang ‘to,” Abi said again saka niya binalingan si Abs at tiningnan ng masama. “Lock on!” mayamaya ay sabi ni Duchess in her coldest tone na mas matindi pa kahapon dahilan para agad kaming matahimik at kahit si Abi at Abs ay agad na napataas ng kamay dahil kay Duchess. “Okay! I’ll stop!” Abi said again saka siya sumenyas na para bang sini-zipper niya ang bibig niya. Dahil doon ay natahimik naman na si Duchess. Sandali lang ding natahimik ang lahat dahil mayamaya ay si Duce na ang nagsimula ng usapan. Nag-kwentuhan din muli ang lahat about sa nangyari kahapon, at nag-enjoy naman ang lahat natatawa rin sila at the same time ay nakikinig sa amin. At ang kasiyahan ay sinabayan pa ng kakulitan noong kambal. Matapos kumain ay tinulungan lang din ni ate Aila si Duchess na gamutin ang mga pasa niya at ang maga sa mga braso niya. Tita Dolly also help her kaya mabilis lang din silang natapos. Naipon din kami sa sala para muling mag-kwentuhan. "So since you pass, I think its time for me to give you our reward?" Mom suddenly said out of nowhere and Duchess look at her unbelieving. "Don't tell me paaasahin mo ako Mom? Huwag kang ganoon okay?" hindi makapaniwalang sagot ni Duchess na agad naming tinawanan. "Hey no! I’m not like that, why would I do that? Mahirap umasa ano? Alam ko na ang pakiramdam noon. I’m not gonna do that, I’m serious baby. Lets buy your things for school too," Mom answered na tinawanan naming muli. "Mom malayo pa ang pasukan. Iyong totoo Mom? Sabihin mo nga sa akin, si Abi ba ang excited o ikaw? Mukang mas excited ka eh, humugot ka pa nga dyan," Daun answered. Nagtawanan naman agad kami sa sinabi in Duchess at maging si Mom ay tawa ng tawa sa kanya. Obvious na obvious rin kasi si Mom, noong nakaraan pa. "Bakit nakaka-excite naman talaga ‘yon hindi ba?” Mom answered her. "Really Mom? Mukang kayo lang naman and excited at hindi kami ni Abs," Duchess said again. "Sus! Si Abs ba Duchess? Sa sobrang excited kaya niyan pati sa panaginip niya Elites Academy ang nakikita niya," sabad ni Abi sa usapan dahilan para tila mahiya si Abs and Duchess glared at her. “Nakakahiya ka! Akala ko pa naman disente ka,” Duchess yelled at him na muli naming tinawanan. Nagtawanan na lang din kami ng nagtawanan habang abala kami sa kwentuhan namin. Pagkatapos noon ay kanya-kanya na rin kami ng mundo. Balik sa dating gawi, umalis na rin kasi sina Mom at si Duchess para kunin ang sasakyan niya at sumabay na sa kanila ‘yong kambal. "Pero alam ko Kuya, iyong ipinakita ni Duchess kahapon, kabaligtaran talaga ng ine-expect ko sa kanya. I was actually expecting na hindi niya kaya o wala siyang gagawin kasi nga ayaw niya hindi ba? Kinakabahan pa nga ako eh," Duce suddenly said out of nowhere. "Ako rin Duce," sang-ayon ko sa kanya saka kami natahimik habang sa amin lang din nakatingin ang mga kasama naming naiwan. "Siguro dahil kasama niya si Abs at Abi ay naturuan nila si Duchess ng mga ganoong bagay? Baka hindi lang talaga natin alam ko baka hindi niya lang din sinasabi," sabad ni Dalle sa amin. "Posible talaga ang sinasabi ni Dalle, iyon ang pinaka-malapit na sagot," tita Shin also said. "Its not that importante kung paano, ang importante ngayon is we don't need to worry too much for Duchess now. Ang importante na lang ay kung paano ie-enhance ang talent niya,” Dad also said. Tama rin si Dad sa sinabi niya, at siguro naman makakampante na rin si Mom kahit paano. Alam naman namin na masyado niya talagang inaalala si Duchess and because of that there’s good and bad outcome, na dahilan kung bakit kami madalas na nahihirapan. (Duchess's POV) Matapos naming mamili ng gamit namin sa school ni Mom kasama sina Abi at Abs ay agad din kaming dumiretso sa pinagbilhan ni Mom ng sasakyan. Umuwi na rin kasi sina Abi at Abs dahil may kaylangan pa silang gawin kaya hindi na sila sumama. Pagdating namin sa store ay agad din kaming in-assist ng manager ng store. Dinala nila kami sa garahe nila sa likod ng store at napanganga na lang din ako sa ipinakita niya sa akin na sasakyan. Dahil naman sa reaction ko ay natawa na lang din si Mom sa akin. “No way? Is it really mine Mom? This is so beautiful!” hindi makapaniwalang sabi ko na ikinangiti lang din ni Mom. Kahit ang manager ay natawa na lang din sa akin, madalas kasi ay dito si Mom bumibili ng sasakyan namin, mula sa kanila ni Dad hanggang sa ito ngang sasakyan ko. And now this car is a gray aventador, black kasi mostly ang car ni kuya Duke, kay kuya Duce naman ay red. Kaya sabi sa akin ni Mom na sa akin daw ang gray na kulay. "Do you like it?" Mom ask me paglapit niya sa akin habang nakasakay ako sa kotse ko. "No! I love it, I love you Mom!" I answered saka ako agad na ngumiti sa kanya. She then smile and kiss my cheeks then mouthed I love you too sa akin kaya mas lalo akong napangiti. "Do you wanna try it? I’ll drive," Mom said again. "Can I drive?" I ask her. "Oo naman, kaya mo ba?” Mom ask again habang natatawa siya kaya agad akong tumango sa kanya. “Basta dito lang ha?" Mom said again. Ngumiti na lang akong muli saka ko pinag-aralan ang sasakyan ko before I started the engine of my car. Lalo naman akong na-excite ng marinig ko na ang tunog nito and I started going out mula sa garahe. Pagkalabas sa garahe ay doon na ako nagpaikot-ikot sa mismong runway nila. Here we go lucky, from now on I’ll call you lucky, because your gonna be my lucky charm now. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na rin naiwasang mapahiyaw sa tuwa at kumaway na lang din ako kay Mom dahil nakikita ko na kumakaway siya sa akin. Matapos ang ilang ikot ay bumalik na rin ako malapit kay Mom, agad din akong bumaba sa sasakyan and I hug Mom na natawa lang din sa akin. "Kaya mo palang mag-drive? How did you learn?" Mom ask kaya muli akong natawa. "Watching kuya Duke, watching the twins and playing on arcade?" I answered. Agad din namang natawa si Mom sa akin sabay yakap sa akin. Nag-usap pa ulit sila ng manager, bago kami umuwi ni Mommy. Mom also let me drive lucky and she drive with me hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagdating naman sa residence ay nagpaikot-ikot pa ako sa loob habang pinapanood lang din ako ni Mom. Nakikita ko rin na pinanonood ako ng mga kapitbahay namin at kinakawayan, kaya kinakawayan ko na lang din naman sila. At tumigil na lang din ako sa tapat ng bahay, when Dad and my brothers came out. "Ang galing mag-drive ha? Hindi na kaylangang turuan," kuya Duke said to me na tinawanan ko na lang din. "Kuya, this is so good. Try lucky!" buong pagmamalaki ko kay Kuya. "Lucky?" nagtatakang tanong niya sa akin. "That's this boy’s name," I answered. "Bagay na bagay sa kanya, can I drive him?" kuya said and I just smile at him. "Yeah of course," I answered saka ako bumaba para hayaan siya. Agad din namang sumakay si Kuya kay lucky and he went off immediately na lalong nakapagpasaya sa akin. "I wanna be like kuya Duke, Mom. He’s so good at driving. Dad? You’re a racer right? Teach me," tuwang-tuwang sabi ko kay Mom saka ko sila binalingan ni Dad. Tinawanan lang din naman agad nila ako kaya agad na napakunot ang noo ko. "Mas magaling ang Mommy mo dyan, baby," Dad answered me. "Sus! Nambola ka na naman. Kinikilig na ako, ano ba? Tigilan mo na yan," Mom answered. "Aba matinde!" agad na sabi ni kuya Duce na sabay-sabay naming tinawanan. "Ayan na naman po sila," I also said na muli naming tinawanan saktong-sakto namaing balik ni kuya Duce. "I love this boy, this is awesome Mom," kuya Duke said to us. “I told you,” I also said. Matapos na subukan ni kuya ang kotse ko ay agad din niyang ipinarada ang sasakyan ko sa garahe. Aalis daw kasi sina Mom and Dad kasama sila ni kuya Duce kaya hinayaan ko na lang din sila, tutal ay maiiwan lang din naman ako dito. Sa totoo lang ay okay lang din naman sa akin ‘yon, sa kwarto lang din naman ako tatambay kahit na nandito sila. "Young lady Duchess nandito po si lady Samara para sa uniform niyo," mayamaya ay dinig kong sabi ng kumatok sa pinto ng kwarto ko habang nagaayos ng gamit ko. "Okay," I answered. Inayos ko lang din agad ang mga gamit ko saka ko sinuot ang salamin ko bago ako bumaba para harapin si ate Samara. Pagbaba ko ay naghihintay na rin naman siya sa akin na nakangiti kaya ngumiti rin ako ng tipid sa kanya. "Duchess, ito na ang uniform mo," she said to me na agad ko rin namang kinuha. "Wait, its different from kuya Duke's and Duce's uniform," I also said. "Yes, that uniform is for newbies. Saka kaya iba ang uniform ng mga Kuya mo ay dahil sa kasali kasi sila sa Dark Royals which is the school’s supreme student council. Pero vest lang din naman ng uniform niyo ang naiiba sa tunay na uniform ng school," she explained. "How about the Royal section? Does that means something like pilot section?" I ask again. "Parang ganoon na nga," she answered again. Ngumiti rin siya habang tiningnan ko naman ang uniform ko at napatango na lang din ako sa kanya. “Wait para saan ito?” I ask again showing her the piece of cloth that I get from the uniform set. "Nahahati kasi sa dalawang grupo ang mga mag-aaral ng Elites Academy, Duchess. They are the Elites and the Magics. Kung alam mo ang history noong time ng mga parents natin, alam mo na sila Dad with your parents ang Elites at si tito Gray naman ang leader ng Magic. Pero ngayon sa atin, Elites Hottie's na ang tawag sa grupo ng mga lalaki sa Academy at Magic Beauties naman ang tawag sa grupo ng mga babae," muli ay mahabang salaysaya ni ate Samara. Napatango na lang din ako sa kanya saka ako napangiti. That’s quite cool, nai-kwento na rin sa akin ‘yon ni Mom pero parang mas naging cool ‘yon sa kwento niya. Magsasalita na sana akong muli para magpa-salamat sa kanya pero biglang tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ko saka ko lang nakita na si Abi ang tumatawag. "Hello? Bakit ka napatawag? Abi?” I ask pero tahimik lang sa kabilang linya. "H-Help u-us J-Jion!" nauutal-utal na sabi ni Abi sa akin na agad na nakapagpatibok ng malakas sa puso ko. "Abi? Okay ka lang ba?" I ask again pero hindi na siya sumagot. Narinig ko na lang din ang pagubo niya at ang paghahabol niya ng hininga na lalong nakapagpakaba sa akin kaya napatayo na ako mula sa kinauupuan ko. s**t! “Abi? What’s happening?” I yelled. “Jion, I-I love you!” she said na lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko na rin alam ang gagawin kaya tumakbo na lang ako sa kwarto ko and I get my car key saka ako agad na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD