(Duchess's POV)
Binilisan ko pa lalo ang pagpapa-takbo sa kotse ko kasabay ng matindi kong kaba. Kanina pa rin ang pagtunog ng cellphone ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. My mind was occupied, it was too occupied of Abi. At alam kong may dahilan ang pagtawag niya at ang kaba ko ngayon.
Maaaring maloko si Abi, maaaring puro sila kalokohan ng kapatid niya but they will never joke about life and death. Kahit kaylan hinding-hindi nila gagawin ‘yon because they knew how I hated it. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay nina Tita at pagkarating ko ay bumaba agad ako at nagulat na lang din ako sa nakita kong hitsura ng bahay nila.
“No! No! Abi? Abs?” I yelled and I run towards their house na ngayon ay hindi na makilala. Wasak na wasak ang bahay nila at makikita mo pa ang mangilan-ngilang usok at apoy doon.
I can also see that its not simple fire, pinasabog ang bahay nila at halos wala nang matira dito. Tumakbo rin agad ako papasok sa mismong bahay nila kahit na kinakabahan ako sa anumang makikita ko.
"Abi? Abs? Tito? Tita Abby?" muling hiyaw ko sa loob ng bahay nila na para akong nawawala kahit ang totoo alam ko ang kinaroroonan ko.
Hindi ko na rin mapigilang mapahiyaw sa nakikita ko at napanghinaan na rin ako ng loob, dahil alam ko na hinding-hindi mabubuhay ang sinuman sa ganito kalakas na pagsabog. Wasak na wasak ang bahay nila at bakas na bakas pa ang napakalakas na pagsabog. Sino nga bang mabubuhay sa ganito? Halos hindi na rin makikilala ang bahay nila, at hindi mo na iisiping may mabubuhay pa.
"Abi? Abs?" muling sigaw ko sa kawalan dahil umaasa pa rin ako na may maisasalba ako sa kanila kahit nakakapanlumo ang sinapit nila.
Nagsimula na rin akong maghukay matapos kong pahirin ang sarili kong luha at kahit mapaso at magka-sugat-sugat ako ay wala na akong pakialam pa.
"Abi? Abs? Please don't do this!” I yelled again kasabay ng pagsigaw ng kung sino man ng pangalan ko.
"Duchess?" Bigla ring may yumakap sa akin at hinila ako paalis sa kinatatayuan ko pero sumigaw lang ako at hindi nagpatinag habang nakikita kong naghahanap din ang mga dumating na katulad ko.
"Bitawan mo ko! No! Hindi! Hindi totoo to! Bitawan mo ko!" sigaw ko at mul akong nagpupumiglas pero mahigpit ang pagkakayakap sa akin ng kung sinoman.
Hanggang sa tuluyang mapatigil ang mundo ko ng may nahukay sila, at sa kagustuhan kong makita kung sino ‘yon ay mabilis akong pumiglas saka ako tumakbo para lapitan ang nakuha nila.
"Abi? Abi? Wake up! Abi wake up dadalhin ka namin sa hospital! Abi!" I yelled again habang paulit-ulit ko siyang ginigising pero kahit anong gawin ko ay hindi siya gumagalaw.
"Duchess? Stop it!" pigil sa akin ni Mom pero mabilis kong hinawi ang mga kamay niya. "Don't fvcking hold me!" I yelled at her saka ko muling binalingan si Abi.
Saka ko lang napansin ang kwintas niya na magkakapareho kami nina Abs. And this time I shouted again kahit na kanina pa akong sigaw ng sigaw at wala akong pakialam kahit halos mahiga na ako sa batuhan.
"No! Abi? Abi? Don't do this to me, wake up! don’t leave me, no! don’t leave me yet!" sigaw ko ng paulit-ulit at wala akong pakialam kahit pa mamaos ako.
Umiyak na lang din ako ng umiyak at hindi na ako nakapag-salita pa lalo na ng muli ay may inilapit silang isa pang bangkay kay Abi, at mayamaya ay may dalawa pa silang inilapit na dahilan para lalong gumuho ang mundo ko.
"Abs? No! Don't do this to me! Tita Abby? Tito? No! Come back! Come back to me! Let’s go back! Bumalik na tayo sa Japan! Please!" Iyak ko saka ko sila niyakap at wala na akong pakialam kung tama ba o mali na yakapin ko pa sila.
Yayakapin ko sila kasi ito na ang huli, yayakapin ko sila dahil hindi ko na sila makikitang muli. Masayang-masaya pa kami kanina, we were so happy back then at sa isang iglap ay nawala na lang sila na parang bula sa akin. Bakit naman ngayon pa? Bakit sila pa? Bakit kaylangang mangyari pa ang mga bagay na to? Bakit?
(Aila's POV)
Wala na kaming nagawa kung hindi ang umiyak na lang din kasabay ni Duchess. Bagay na dumudurog din sa amin ngayon, kahit kaylan hindi namin to matatanggap. Kahit kaylan alam kong hindi rin ito matatanggap ni Duchess. Kasabay rin ng pagiyak niya ang biglaang paglakas ng hangin, ang sigaw at iyak niya pakiramdam ko ay ume-echo sa pandinig. Nararamdaman ko rin ang dahan-dahang pagyanig ng mga pader, habang lahat kami nakatingin sa kanya na nagluluksa sa pagpanaw ng mga kaibigan niya.
"Duchess? Anak? Halika na! Kaylangan na natin silang alisin dito, halika na anak!" tita Xion said to her pero tiningnan lang siya ni Duchess ng pagkasama-sama.
Nanlilisik ang mga mata niya habang umiiyak si tita Xion habang katabi niya si tito Ouji. Kahit sina Duke ay hindi na rin nakagalaw at kahit isa sa amin ay walang magawa, dahil pakiramdam ko at alam kong nararamdaman nila na isang maling galaw lang ay papatayin kami ni Duchess.
"Stay away from us!" sigaw niya na pakiramdam ko ay matinis pero malalim na nakapagpatindig din sa mga balahibo ko sa katawan. “You! Its all your fault! Kung hindi mo kami pinilit na umuwi buhay pa sana sila ngayon! I hate you! I fvcking hate you! Masama kang tao! You killed them!” muling sigaw ni Duchess na alam kong dahilan para mawasak lalo ang puso ni Tita sa mga oras na ito.
"Sweety? We need to bury them, come on baby?” tita Xion said again at akma na siyang lalapit kay Duchess pero niyakap lang siya ni tito Ouji. "Mommy? Wake them up, please!" mayamaya ay iyak ni Duchess and her tone was not like awhile ago.
Its pleading at kasabay noon ay bigla ring kumalma ang hangin. Tumakbo na rin naman agad si tita Xion at niyakap niya agad si Duchess. Dahil doon ay lumapit na rin kami sa kanila, tita Xion also get her away from us at tinulungan na lang din namin sina Tito.
(Duchess's POV)
Matapos ang lahat ay wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang ibigay ang labi ng apat kina Dad para mabigyan sila ng maayos na libing. Sa ngayon ay dito rin sa hideout ibinurol ang labi nilang apat, at dito rin kami nagsama-sama. Naririto na rin ang lahat ng mga kasamahan ni tita Abby na gangster noon na nabubuhay pa para magbigay pugay sa kanya.
Kasabay rin nila nang pagpunta dito ang mga kasamahan nina tito Shonen na assassin kung saang branch kabilang ang asawa ni Tita. Dumadalaw na sila, at mananatili sila rito hanggang sa huling araw kung saan gaganapin ang pagpupugay. At mayamaya ay naririto na rin iyong mga kasamahan nina Abs at Abi sa gang nila sa Japan.
Handa na ang lahat, parang tanggap na rin nila na wala na iyong apat. Ako na nga lang yata ang nagluluksa at hindi pa maka-move on sa nangyari. Ako na lang yata ang hindi pa nakakatanggap na wala na nga talaga sila. Paano ko nga ba matatanggap ‘yon ng ganoong kadali eh mas madalas ko pa nga silang kasama kaysa sa sarili kong pamilya.
Paano ko nga ba matatangap ang lahat kung sa isang iglap lang ay nawala sila sa akin na parang bigla. Sa isang iglap ay kinuha sila sa akin, nawala sila na parang bula sa mga kamay ko, at biglaan ang lahat. Sa totoo lang ay hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko, I felt bad dahil sinisisi ko si Mom sa pagpilit sa akin na umuwi dito, pero mas nagsisisi ako dahil niyaya ko sila.
Hindi dapat sila uuwi kung hindi ko sila niyaya, dapat talaga hindi ko na sila isinama dito ‘di sana buhay pa sila. Dapat talaga sa Japan na lang kami nanatili, baka sana hanggang ngayon buhay pa sila. Sa totoo lang hanggang ngayon ay gabi-gabi silang nasa panaginip ko kaya hindi ako makatulog.
Napapanaginipan ko ang lahat mula noong matanggap ko ang huling tawag ni Abi hanggang sa makita ko silang wala nang buhay. At hanggang ngayon pinakikinggan ko pa rin ang recorded call ni Abi sa akin na huli na pala. Huling kita ko na pala sa kanila sana sinulit ko na, sana hindi ko muna sila pinayagang umuwi.
Maraming sana, maraming what if, pero sa huli wala namang nangyari. Hindi naman noon nabago ang katotohanan na patay na sila at last day na ng burol nila ngayon. Pero kahit last day na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakasilip ni nakalalapit man lang sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi ko pa rin kaya, pakiramdam ko nga ngayon ay naputulan ako ng dalawang paa. At hindi ko pa rin alam kung bakit ba kaylangan na mangyari ‘to.
"Parating na ang mga kasamahan noong kambal," mayamaya ay malumanay na sabi nang pumasok sa kwarto ko kasabay ng pagbukas at sara ng pinto. "I know," I simply answered.
Naramdaman ko rin agad na naupo si Mom sa kama ko habang nakaupo rin ako doon at yakap-yakap ko ang mga binti ko.
"You knw what? Katulad mo, ganyan din ang nararamdaman ko noong mga panahong, akalain kong patay na ang pamilya Perez na umampo sa akin. At doble ang sakit noong namatay si Grace, tapos sina Roberto at Arturo pati na ang kasamahan ni tito Gray mo sa magic ten. And then years have passed, akala ko okay na lang lahat and then Ulysses died then our parents," Mom said to me dahilan para agad akong mapatingin sa kanya. “I knew that hurts a lot, big time. I also blames everyone and everything and then myself,” Mom added.
“At hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang lahat ng ‘yon. Hanggang ngayon paulit-ulit pa rin akong nagtatanong kung bakit? Kung bakit sila at bakit hindi ako? Pero wala, wala namang sumagot. Walang sagot kahit paulit-ulit kang magtanong. Sobrang sakit malaman na iyong mga taong hindi mo inaasahang mawala ay bigla na lang mawawala sa kamay mo na parang bula. Pero alam mo anak kung anong mas masakit doon? That is when you cant do anything. Masakit kasi wala ka nang magawa. At sa totoo lang sinisisi ko talaga ang sarili ko ng paulit-ulit noon, kagaya nang kung paano mo sisihin ang sarili mo anak. Paulit-ulit kong iniisip kung bakit ba kasi wala akong nagawa para tulungan sila? Para iligtas sila? And I even ask why people need to come and go? Pero ganoon talaga eh."
Mom look at me and she fake a smile kahit na visible ang lungkot sa mga mata niya.
"Lahat naman ng tao mamamatay, lahat tayo doon ang punta. Pero tayong mga naiwan may pagkakaton pa tayo na mabuhay kagaya ng palagi nilang gustong mangyari. Iyon na lang ang kaya nating gawin, bukod sa ipaghiganti sila ay dapat tayong mabuhay para sa kahila at doo tayo babawi. Kung wala tayong magawa, sa ganung paraan tayo kikilos, its not over here sweety. Keep that in mind." Mom added.
"Mom, anong gagawin ko kung buong buhay ko sila ang kasama ko tapos babawiin lang sila sa akin ng ganoon na lang?" iyak ko sa kanya at hindi ko na naman napigilang umiyak na lang ng umiyak. "Maging malakas ka anak, iyon lang ang paraan. Magpalakas ka at kung anong gusto mong gawin ay susuportahan kita. Sasamahan ka namin, hindi matatapos ang lahat dito, ipinapangako ko sa’yo yan anak,” Mom said again.
Niyakap ako lalo ni Mommy ng napaka-higpit at hindi na lang din ako nagsalita pa. Umiyak na lang din ako sa mga bisig niya hanggang sa mapagod ako. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko hindi na ako nakatadhanang mabuhay ng normal. Because I knew to my heart that I want revenge, and revenge means being one in our organization. Mukang ito na yata talaga ang mundo ko, at dahil sa letseng ‘to marami na ang nawala sa akin. And I am certain na hindi ako papayag na maging amsaya ang pumatay sa mga kaibigan ko.
(Aila's POV)
Last day na ng burol nila bago sila ilibing sa elites cemetery bukas, nandito na rin ang lahat at wala nang hinihintay. Nakapag-bigay pugay na rin na sina Tita kila tita Abby at sa asawa nito. At si duchess naman ang inaantay noong mga gangster na kasamahan nina Abi at Abs sa Japan branch ng Black Organization para magbigay pugay sa dalawa. Pero hindi mapipilit ng sinuman si Duchess, kanina pa silang nagusap ni Tita pero hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Mukang wala na yata siyang balak na gawin ang pagpupugay.
Pero mayamaya ay natahimik ang lahat at napalingon sa engrandeng hagdan ng hideout ng dumating na si Duchess. Naka-all black siya at mayroong nakatali na parang laso na itim sa ulo niya, mukang handa na rin siya na gawin ang pagpupugay. Mayamaya ay sinenyasan niya na rin ang mga kasamahan nina Abi at Abs kaya agad silang nagtayuan at kumilos. Just like her ay may mga nakatali rin sa kanila na itim na laso na marahil ay ginagawa na talaga nila eversince. Sa aming lahat ay nangingibabaw rin sila dahil naka-all black talaga sila.
Mayamaya ay humilera na rin sila sa may black carpet at nagtaas ng katana na pinag-cross nila ang mga dulo, gumawa rin sila ng daan sa gitna and Duchess stand in the end of the carpet. Hindi ko alam na ganito pala sila magpugay, at mukang sanay na si Duchess dahil parang natural na sa kanya ang lahat.
Mayamaya ay naglakad na rin si Duchess sa gitna, at habang naglalakad siya ay pinagpapalit-palit nila ng pwesto ang mga katana. Bawat pairs ay nagpapalit din ng pwesto bago dumaan si Duchess, saka sila magpapalit-ulit ng pwesto pagka-lampas niya. Lahat naman kami ay nakatayo at nakamasid sa kanila, lahat ay nagbibigay pugay, mapa-gangsters man o assassin. Paglapit ni Duchess sa kabaong ng dalawa akala ko ay iiwas siya ng tingin kagaya ng palagi niyang ginagawa, pero hindi ganoon ang ginawa niya.
This time ay nakatitig sya sa kabaong ng kambal. Nanatili siya doon ay mayamaya ay lumapit ng nakahilera ang mga kasamahan noong kambal, at inilagay na nila ang itim na laso sa kanilang mga kabaong, pero bago ‘yon ay hinati muna nila ang laso. Saka sila humilerang muli sa likuran ni Duchess, at kagaya nila ay nakita ko rin na tinanggal ni Duchess ang tela na nasa ulo niya, at hinati niya iyon sa dalawa bago niya iyon ilagay sa ibabaw ng kabaong nila.
Iyong ginamit niyang knife na pang hati sa laso ay ipinang-sugat niya rin kalaunan, sa dalawang braso niya nang walang pagaalinalangan. Matapos niyang gawin ‘yon ay itinaas niya ang dalawa niyang braso na naka-cross saka niya pinatulo ang dugo niya sa kabaong ng dalawa. And seeing their pagpupugay makes my body shake dahil pakiramdam ko ay nakakapangilabot ang ginagawa niya.
Pagkatapos noon ay naglagay rin siya ng magka-cross na palaso sa ibabaw ng kabaong nila saka sila sabay-sabay na yumukod. Matagal ‘yon, hindi tumatayo ang lahat hanggang hindi tumatayo si Duchess until the wind blew heavily again at nagkislapan kalaunan ang mga ilaw.
"I Duchess Acexien Jion Henson Steinckert, the heiress of Henson-Stenckert organization will bow to kill the fvckers, who kill you. And I oath to do this from this day until my last breath!" mayamaya ay sigaw ng kung sinong malaki ang boses na para bang galing sa hukay kasabay ng pagtunghay ni Duchess at pag-chant ng mga kasama niya.
Who the fvcking hell is that? Sinong sumigaw? Kanino galing ang boses na ‘yon? Mayamaya ay natahimik ang lahat habang tuloy ang chant nila. Kasabay ng pag-chant nila ay nag-c***k ang mga pader ng hideout at nabasag ang mga salamin. Nagkislapang muli ang mga ilaw habang walang gumagalaw sa aming lahat hanggang sa unti-unti ay kumalma ang paligid.
Natapos rin ang chant nila nang tumalikod na si Duchess at naglakas palayo sa kabaong ng kambal pero mayamaya ay sinalo agad ni tito Ouji si Duchess. Tinulungan din agad siya nina Dad saka nila dinala sa taas si Duchess. Naiwan kami na parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Sa dami ng nagbigay pugay ngayon ay sa kanila ako kinabahan at kinilabutan.
"She's hell," mayamaya ay bulong ni Hanz dahilan para mapatingin kami sa kanya saka namin sinundan ang tingin niya. Nakatingin siya ngayon sa hagdan na dinaanan nina Tito noong dalhin nila si Duchess sa taas. Dahil sa nangyayari ay nagsisimula na rin tuloy akong mapaisip kung si Duke ba talaga ang dapat pumalit kay tito Ouji o si Duchess.
(Duchess's POV)
Ngayong araw ay inihatid na namin sila sa huli nilang hantungan, actually kanina pa ‘yon pero nagpaiwan ako dito sa Elites Cemetery dahil gusto kong mapag-isa. Pakiramdam ko kasi iiyak lang naman ako sa bahay kapag umuwi ako, sabagay wala namang pinagkaiba, umiiyak pa rin naman ako dito.
Ang kaibahan lang siguro iiyak ako sa bahay na wala naman sila doon, pero dito kahit umiyak ako ay narito sila. Sila na kahit nakakainis ay gugustuhin ko pa rin na makasama ulit. Nami-miss ko na rin kung paano nila ako tawaging Jion, o Duchess, pero okay lang kahit Jion na lang, basta sila lang ang gagawa noon, pero ngayon wala na sila.
Wala nang tatawag sa akin sa third name ko, wala ng maingay, wala na akong sawayin, wala nang mngungulit sa akin. Ngayon wala na talaga akong kaibigan, wala na akong kaibigan na alam kong sa akin. Muli akong napaiyak at niyakap ko na lang ang libingan ni Abi at Abs kahit na basa pa ang semento sa ibang parte nito.
"Tahan na." napalingon ako sa nagsalita saka ko lang napansin na may matandang babae na nakamasid sa akin sa kinaroroonan ko. Ngumiti rin siya sa akin at inabutan niya ako ng panyo na tinanggap ko na lang din.
"Sino po kayo? Bakit po kayo nandito? Paano po kayo napunta dito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya na muli niyang ikinangiti. "May kakilala akong namatay na dito rin inilibing, halika ipakikita ko siya sa iyo. Pero huwag kang maingay ha? Bawal kasi ako dito," she said to me saka niya ako marahang hinila papunta sa puntod ni tito Ulysses.
Wait kilala niya si tito Ullysses? But he's Mom's friend. Ka-ano-ano niya si tito Ullysses?
"Pumupunta ako ng patago dito para dalawin siya," she said again.
"Lola? Nandito na naman kayo? Mapapagalitan ho ako sa inyo eh, pasensya na ho umuwi na kayo,” mayamaya ay sabi ng guard sa amin kaya tiningnan ko na lang din siya.
"Let her," I said na agad na ikinatango sa akin ng guard at agad din siyang umalis.
"Ka-ano-ano mo iyong namatay?" she ask again kaya tipid akong ngumiti sa kanya. "Mga kaibigan na po sila ng pamilya namin, at iyong dalawa ay kaybigan ko po," I answered.
Mayamaya ay naramdaman ko na lang din na hinimas niya ang likod ko matapos naming maupo sa bench na malapit sa amin.
"Kaybigan din ng anak ko ang batang dinadalaw ko," she then said to me and then she smile at me. "Akala ko ho anak niyo siya," I answered.
"Hindi! Dinadalaw ko siya kasi kaibigan siya ng anak ko," she said again kaya napatango na lang din ako pero napaisip din akong bigla. Sino nga kaya ang anak niya?
"Gusto mo bang sumama sa akin? Ipakikilala kita sa mga kasamahan ko, ipagtitimpla kita ng ma init na gatas para gumaan ang pakiramdam mo. Malapit lang ang tirahan namin dito," she said again. "Ihahatid ko na lang ho kayo hindi ho ako magtatagal,” I said to her.
Agad din naman siyang tumango sa akin saka siya ngumiti saka kami lumakad kaya sumama na lang din ako sa kanya.