(Duchess's POV)
Pinasakay ko na si Lola sa kotse ko na gagamitin namin papunta sa kanila bago ako nag-text kay Mom na mamaya na ako uuwi. Pinatay ko rin agad ang cellphone ko saka ako napabuntunghininga, hindi ko alam ang ginagawa ko pero bahala na.
"Lola, ano nga po palang pangalan niyo?" tanong ko sa matandang kasama ko pagsakay ko sa kotse ko. "Xyrene," she simply answered.
"Ang ganda naman ng pangalan niyo Lola," hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya na tinawanan niya lang din naman. "Ikaw anong pangalan mo?" she also ask.
"Duchess po," I also answered. "Mas maganda ang pangalan mo," she said again na nakangiti sa akin.
Sa pagngiti niya ay saka ko lang din natitigan ang buong muka niya, and then I suddenly realize na may kamuka siya.
"Malapit lang ho ba dito ang lugar niyo?" I ask again para hindi naman awkward habang nagmamaneho ako. "Oo," she answered again.
"Buti ho nakakapasok kayo sa Elites cemetery? Private ho ang lugar na ‘yon hindi ba?" I ask again na tinawanan niya lang din. "Hindi ko rin alam, siguro nasanay na rin sila sa akin, madalas rin kasi ako dito. Minsan nga kasama ko rin ang mga kasama ko sa bahay," she answered.
"May mabibilihan ho kaya tayo ng pagkain bago pumunta sa inyo?" I ask her again. "Naku! Huwag na, okay lang."
"Bumili na ho tayo Lola, okay lang naman ho sa akin ‘yon. Saka gusto ko ho talagang magdala ng pagkain," I insist. "Siya sige, dahil mapilit ka bumuli na tayo. May madadaanan naman tayo riyan na tindahan," she answered.
Ngumiti siyang muli, kaya ngumiti na lang din ako at mayamaya lang ay may itinuro na siya sa akin na tindahan. Bumili siya doon ng mga pagkain at ako ang nagbayad, napansin ko rin agad na magkakilala si Lola at iyong nagbabantay sa tindahan. At hindi nga ako nagkamali kaya ipinakilala niya ako roon.
Pagkatapos naming bumili ay sumakay na ulit kami sa sasakyan para tumuloy na. Bago kami umalis ay nakita ko na nakatingin sa amin ang bantay sa tindahan, nakikita ko ‘yon sa side mirror ng kotse ko pero hindi ko na lang din ‘yon pinansin. Mali, hindi siya sa amin nakatingin, nakatingin siya sa akin habang nakikipag-usap siya sa cellphone niya.
"Bakit ang tahimik mo yata?" lola Xyrene ask kaya sinulyapan ko na lang siya sandali. "Wala ho ito," I answered at ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho.
This time medyo liblib na ang lugar pero maayos naman ang daan kahit hindi sementado. Buti na lang din at ibang sasakyan ang dala ko, iniwan kasi ni kuya Duce ang luma niyang kotse sa akin dahil kasabay ako ni Dad at Mom kanina sa kotse nila. Dire-diretso lang din kami kahit pa medyo liblib na ang lugar, pero hindi naman ako nagtagal dahil katulad din ito noong lugar na pinagtayuan ng elites cemetery. Hindi naman nagtagal ay napadaaan kami sa isang bahay na malapit sa daan.
"Tumigil muna tayo dito maaari ba?" mayamaya ay sabi ni lola Xyrene sa akin. "Sige ho," I answered at sinunod ko ang sinabi niya.
Bumaba rin agad si lola Xyrene sa sasakyan ko kaya bumaba na lang din ako, pero biglang may nagdatingan at nagtutok sa akin ng baril, knife at katana kaya agad din akong napatigil. Hindi na rin naman ako nagulat at inaasahan ko na rin naman sila dahil nararamdam ko na sila kanina pa. Tiningnan ko na lang din ang lalaking kaharap ko na mas inilapit sa akin ang katana niya na nasa leeg ko.
"You seem to be expecting this," he said kaya nginisian ko na lang din siya. "Should I not expect that? Then you should be more careful," I answered.
Mas inilapit pa noong lalaking kaharap ko ang katana sa leeg ko, habang matatalim ang mga tingin niya sa akin. At alam kong kaunting galaw lang ay masusugatan na ako ngayon.
"Don't point a gun to someone if you cant pull the trigger, or a sword if you cant s***h it. Do it, or I’ll do it. You choose,” banta ko sa kanya at pakiramdam ko lahat sila ay natigilan din.
"How did you know our password?" mayamaya ay tanong ni lola Xyrene sa akin. "Is that a password? Nah! I didn’t know that my parent’s motto is the password here," I answered.
Hindi naman na sila nagsalita pa at ganoon din ako bago muling lumapit si lola Xyrene sa amin na nanggaling sa bahay na tinigilan namin.
"Stop that, lets go Duchess?" lola Xyrene said to them saka niya ako nginitian at marahang hinila palapit sa kanya.
Dahil doon ay natawa na lang din ako lalo na ng tanggalin na nila ang pagkakatutok ng mga baril at katana nila sa akin. Hindi naman ako na-inform na ganito para ang mga nakatira sa likod ng elites cemetery, kapag pala may sumugod sa kanila at pinaalis sila dito ay hindi na makakalabas ng buhay ang sinoman.
At ang weird nila ha? Ang higpit nilang lahat, at kung nandito sila Mom at Dad noong tutukan nila ako ng mga armas nila? Naku! Patay na siguro sila ngayon pa lang. Napailing na lang din ako at hindi na nagsalita bago ko itago ang sasakyan ko sa likod bahay noong pinagtigilan namin bago kami naglakad papasok sa kakahuyan.
Dito ay hindi na rin kami nilulubayan noong mga sira-ulong may balak na laslasin ang leeg ko kaya hindi ko na lang din sila pinakialaman. Ano bang akala nila sa akin? Mamamatay tao? Okay lang ba sila? Mas muka pa nga silang hindi katiwa-tiwala kaysa sa akin.
"Ganito ba talaga sa village niyo Lola? May warm welcome ng mga katana, knife at baril? Ang nice ha? Randam na ramdam ko ho ang init ng pagtanggap niyo," I said sa matanda na kasabay ko na agad din niyang tinawanan. "Ganyan talaga sila Duchess, pagpasensyahan mo na lang sila ha?” she answered na muli kong ikinatawa.
“Siya nga pala Duchess, paano mo nalaman na nandyan sila?” lola Xyrene ask kaya binalingan ko rin ang mga kasama namin. “You know what? Staring to someone lalo na kapag may binabalak kang masama ay hindi maganda, sa tindahan pa lang naramdaman ko na,” I answered.
"My bad," lola Xyrene said na ikinatawa kong muli. “I can feel it, I was not trained like them but I was raised to be more careful,” I added.
"Magaling ka apo," she said again saka niya hinaplos ang likod ko na para bang proud na proud siya sa akin. "Pero bakit ho ba parang masiyado namang napakahigpit dito sa inyo?"
"Alam mo kasi apo, hindi na sakop ng sementeryo itong lupain na ito, at madalas ay may napaparaan ditong mga NPA kaya palagi kaming handa," she answered. “Ikaw, hindi ba ito ang unang beses na nakakita ka ng ganoong mga armas?” she ask.
Nagkatinginan kami ni Lola saka ako marahang ngumiti sa kanya.
"Malapit kayo sa elites cemetery, alam niyo kung sino ang nagma-may-ari niyan," I said na muli ay ikinangiti niya.
Hindi na lang din naman kami muling nagsalita at itinuloy na lang din naman namin ang paglalakad.
"Go back to your stations," mayamaya ay sabi noong lalaki na kausap ko kanina kaya nagsipag-alisan na iyong mga kasama namin.
Lahat sila ay nagsipag-akyatan sa puno na nadaanan namin so I look up, at nakita ko rin ang mga tree houses sa itaas ng nagtataasang puno na ito. At mula dito sa baba ay makikita mo ang kamangha-manghang ganda ng mga tree house sa taas na pinag-dugtong-dugtong ng mga kawayan na tulay at lubid.
"That's their station," Lola said to me dahilan para mapatingin din ako sa kanya. "Ang ganda naman ng station nila lola," manghang-mangha kong sabi sa kanya na tinawanan niya lang din naman.
"Halika na, malayo-layo pa ang lalakarin natin," she said again kaya dumiretso na lang din naman kami kasabay ang ilang bata at ang lalaking nagtutok sa akin ng katana.
Patuloy rin ang pagmamasid ko sa paligid habang patuloy ang paglalakad namin, pero mula rito ay may mangilan-ngilan na ring bahay, pero ang sabi ni Lola ay hindi pa raw dito ang pakay namin. Hindi nagtagal ay patuloy ang pagdami ng bahay at mayamaya ay maraming bata ang sumasalubong kay Lola. Mula sa kanila ay nakita ko rin iyong batang nakita kong nagmamasid sa amin kanina.
"Iyong batang ‘yon Lola, pinagmamasdan niya tayo kanina. Taga-rito rin ba siya?" I ask. "Nakita mo pala?" she ask na ikinangiti ko na lang din.
"Hi?" mayamaya ay bati noong bata kaya ngumiti na lang din ako "Hindi nga ako nagkamali ikaw nga iyong kanina," bait ko rin sa kanya.
"Nakita mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin kaya natawa na lang din ako. "Yes," I confidently answered and she pouted kaya natawa akong muli.
"Nandito na tayo," mayamaya ay sabi ni Lola pagkarating namin sa dulo nang maraming bahay kung saan may ilan ding bahay na naka-pormang paikot.
Tumuloy na rin kami ng lakad sa bakuran nila and the kid na sumusunod sa amin kanina ay sumama rin sa amin. Pagpasok namin sa kahoy na bakod na kawayan ay saka ko lang napansin na napapalibutan din ng matataas at pabilog na puno ang bawat kubo na narito at sa gitna ay mayroong balon, malapit sa lugar kung saan pwedeng mag-bonfire. Mayroon ding mga bata sa loob na abala sa kani-kanilang ginagawa pero agad nilang binati si lola Xyrene at ang batang kasama namin bago lumabas sa isang malaking kubong pahingahan ang ilang matatandang narito.
"Nandito ka na," bati kay lola Xyrene ng isang matandang lalaki na sa palagay ko ay ang asawa niya.
"Sino itong magandang dalaga na kasama mo?" agad ding tanong ng isa pang matandang babae. "Ako po si Duchess," pagpapakilala ko sa kanila sabay yukod bilang pagbibigay galang.
"Nakilala ko siya sa elites cemetery, may kaibigan siya roong inilibing. At gusto ko siyang libangin dahil malungkot siya," lola Xyrene said to them saka niya hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti siya sa akin saka sa mga kasamahan niya kaya ngumiti na lang din ako sa kanya at nagkatinginan lang din naman silang lahat.
"Anyway, lulutuin muna namin ito Duchess ha? Maupo ka muna kasama nila, magpahinga ka okay? Siya nga pala ako nga pala ako ang lola Sheena mo," she said saka siya ngumiti sa akin kaya tumango na lang din ako sa kanya.
"Sige na apo maupo ka na muna riyan,” lola Xyrene also said saka siya sumama kay lola Sheena.
“Maupo ka rito ija, ako si Vina ha? Pero dahil matatanda na kami sige lola Vina na lang ang itawag mo sa akin," yaya sa akin ng isa pang matanda saka niya ako pinaupo sa tabi niya.
Agad din naman nilang inayos ang bonfire saka sila naupo palibot doon kasama namin.
"Iyong mga kasama nila Xyrene at Sheena mga asawa nila ‘yon, iyon naman sina lolo Kennard at lolo Haven mo ha?" lola Vina continued.
"At ako naman ang pinaka-gwapong asawa nitong lola Vina mo, call me lolo Mark," pakilala ng lalaking katabi namin na nginitian ko na lang din.
"Sus! dumali ka na naman, nako Duchess apo, huwag kang maniwala dyan ako lang ang pinaka-gwapo dito at tawagin mo akong lolo Chad okay? At asawa ko naman si lola Serena mo," pakilala sa akin ni lolo Chad saka niya ipinakilala sa akin ang asawa niya na nginitian lang din ako.
"At ako naman ang ubod ng gwapo dito apo, huwag mo na lang silang pakinggan para hindi ka na malito. Ako si lolo Dennis mo at ang asawa ko ay si lola Vanessa ha?" pagpapakilala rin ni lolo Dennis.
"Tawagin mo na lang akong tatay Charles, Duchess apo. Ayokong magmukang sobrang tanda ko na kaya tatay na lang ang itawag mo sa akin. At siya naman ang aking asawa, call her nanay Candy ha?" sunod namang nagpakilala si tatay Charles.
"Call me granny Dama na lang apo and my husband grandpa Chess ha? Para may class pa rin," pakilala naman ni lola Dama dahilan para agad kaming magtawanan.
"Call me lolo Alexis and my wife, lola Allisa," nakangiting pakilala sa akin ni lolo Alexis.
"Ako po si Duchess, ikinagagalak ko po kayong makilala. Sana po maalala ko rin agad kung anong pangalan niyo," muli kong pakilala saka ako napakamot sa ulo ko kaya natawa na lang din sila.
“Maglibang ka dito, Duchess. Okay?” mayamaya ay sabi sa akin ni tatay Charles. “Salamat po,” I answered.
"Oh, kanina lang ay tumatawa ka pa ngayon naman ay nakasimangot ka na," bati sa akin ni lolo Dennis kaya tipid akong napangiti. “Hindi ko po alam kung kaya kong maglibang,” tanging sagot ko sa kanya na agad din nilang ikinatahimik.
"May gamot po ba na kapag ininom mo makakalimot ka na? May pain reliever po ba na panghabang-buhay na ang epekto? Habang nararamdaman ko po kasi ang lumilipas na oras, lalo ko pong nararamdam na mag-isa na lang ako, na wala na ang mga kaibigan ko sa akin," I added.
Mayamaya ay naramdaman ko na lang din na niyakap ako ng mga matatandang katabi ko hanggang sa lahat sila ay yumakap na sa akin.
"Wow! Parang ngayon lang may yumakap sa akin ng ganito," I said. "Aba gusto mo lang palang yakapin ka para sumaya ka," mayamaya ay sabi ni nanay Candy kaya muli akong natawa at ganoon din sila.
"Teka lang, hoy? Pasali naman kami!" malakas na reklamo ng mga paparating saka yumakap sa amin sina lola Xyrene, at lola Sheena.
"Kayo talaga, pwede bang kumain muna tayo? Pakainin muna natin ang apo natin. Halika na apo, si lolo na ang bahala sa’yo. Nagugutom ka na ba?" lolo Kennard said to me kaya napatango na lang din ako sa kanya.
"Ako na ang tatawag sa mga bata," prisinta ni lolo Haven saka niya tinawag ang ibang mga bata na kasama namin.
Inayos na lang din namin ang napakahabang kawayang lamesa at nilatagan nila iyon ng maraming dahon ng saging. Pagkatapos ay nagsipag-lapitan na rin iyong ibang bata kaya ako na ang nag-buhat sa kanila para makaupo sila sa mahabang kawayan na upuan.
Napapagtaka lang din talaga na puro bata lang ang naririto at silang labing anim lang ang matatanda, bukod pa doon sa mga matatanda na nasa tindahan na mag-asawa. At iyong dalawang mag-asawa na nasa bungad ng village. The rest ay puro bata na at iilang lang din iyong mga teenager nang katuald ko.
"Dito ka Duchess, apo ko. Naghugas ka na ba ng kamay ha?" mayamaya ay yaya ni lolo kennard sa akin saka niya ako inabutan ng plato at kutsara. "Kaya ko naman pong kumain ng naka-kamay kasabay niyo," I said sabay ngiti sa kanya saka ko ibinalik sa lagayan ang plato at kutsara ang iniabot niya sa akin. Saka ako tumabi sa kanila ni Mama at kumain.
"Kumain ka ng marami Duchess ha? Minsan talaga ganyan ang buhay, pero kaylangan mong maging malakas," lola Xyrene said to me na agad kong ikinatawa. "Bibitayin na po ba ako mamaya pagkatapos kumain?" I ask na agad din nilang tinawanan.
Natawa na lang din naman ako sa reaksyon nila saka namin ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kumain ay saka namin inayos ang pinagkainan namin, pagkatapos ay saka naman inayos ng mga bata ang kani-kanilang tulugan pagkatapos ilang maglinis ng sarili nila. Hinayaan na lang din naman namin sila ni Angel habang nananatili pa rin kami dito sa bonfire namin.
"Angel, bakit nga pala puro bata kayo dito?" I ask Angel na agad din namang napangiti sa akin. "Mga palaboy lang po kami sa lansangan noon ate Duchess, pero tinulungan kami ni kuya Humfrey at dinala niya kami dito kasama nila," she answered.
"Humfrey?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Siya po iyong pogi naming Kuya na nagtutok sa’yo ng katana," nagmamalaking sagot niya.
"Talaga pogi siya? Parang hindi naman," I said na tinawanan na lang din niya kaya natawa na lang din ako.
Hindi ko nakita ang muka niya kaya hindi ko masabi kung pogi ba talaga siya. Pero sabagay, wala naman akong pakialam doon. Hindi na lang din ako nagsalita pa and I look at my wrist watch, alas syete pa lang pero madilim na rito, wala rin silang kuryente at gasera lang ang inaasahan nila kaya marahil pinatutulog din nila ng maaga ang mga bata.
"Bakit nga pala marunong kayong gumamit ng armas?" I ask again. "kaylangan namin ‘yong gawin para lumakas kami at para may laban kami sa mga kalaban namin ate," she answered.
Hindi na ako nagsalitang muli at iniwasan ko nang magtanong na naman. Alam ko na hindi ko dapat sila pinakikialaman. Wala akong alam sa buhay nila, hindi ko alam kung bakit kaylangan nilang magpakahirap dito kaysa mamuhay sa bayan. Basta ang importante na lang ngayon ay mababait naman sila.
"Wala ka pa bang balak matulog? Baka mapagalitan ka," I ask her again na ikinangiti lang niya sa akin. "Ikaw ba Ate wala ka pang balak umuwi?" she ask back.
"Oo nga ano? Mukang wala pa kong balak umuwi," I answered na tinawanan na lang din namin ng sabay. “Kaya naman sasamahan na lang kita, ayos ba ‘yon ate?” she ask dahilan para muli kaming matawa.
Oo nga, hindi pa ako umuuwi at pakiramdam ko parang ayaw ko pang umuwi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kapag umuwi ako iisipin ko na naman sila. Napabuntunghininga na lang din ako pero mayamaya ay natawa ako dahil hinila ako ni Angel patayo sa kinauupuan ko saka siya naglakad.
“Saan tayo pupunta?” I ask her. "Tumingala ka Ate," she just said na sinunod ko na lang din.
Tumingala ako at saka ko lang nakita ang napakalawak na kalangitan, at ang maraming mga bitwin. Napakaganda, pakiramdam ko ay gusto ko na lang mahiga dito sa damuhan at tumitig sa napakagandang tanawin sa itaas na hindi ko natatanaw sa lugar namin. At isa pa ay dumagdag dekorasyon din sa ganda ng langit ang mga bahay sa itaas ng puno na may mga ilaw ng gasera.
"Gusto mong umakyat tayo Ate?" Angel ask me at tumango lang din agad ako.
Umakyat din naman agad kami ni Angel sa isang puno na may malaking tree house katapat sa mga kubo sa ibaba kung saan naroon ang mga matatanda. Mas malaki rin ito kung ikukumpara sa ibang tree house, at tila mas maganda ang mga punong ito at mas mataas kesa sa iba. Pagdating namin sa itaas ay binuksan din ni Angel ang isa pang ilaw doon at naupo lang din naman ako sa ginawang maliit na veranda ng tree house.
"Kaninong tree house ito Angel?" I ask her. "Sa mga elders ang tree house na ito dati Ate, kaya lang ay hindi na nila kayang umakyat dito kaya madalas walang nandito. Pero sa ngayon ay ako na rin ang nagbabantay rito," she answered.
Elders rin pala ang tawag nila sa mga matatandang ‘yon? Ganoon din kasi ang tawag nina Kuya kina Mom.
"Duchess? Angel? Are you okay there?" mayamaya ay hiyaw ni lola Xyrene mula sa baba na rinig na rinig namin dito. "Opo lola Xyrene, dito na kami matutulog!" balik hiyaw ni Angela na tinawanan ko na lang din.
Um-echo pa kasi ang sigawan nila at para bang hindi sila nagtatago kung magsigawan sila. Hindi na lang din naman ako nagsalita at tumanaw na lang akong muli sa napakaliwanag na langit. Ang ganda talaga.
"Matutulog ka na ba Ate?" Angel ask me again. "Sige na matulog ka na dito lang ako, matutulog na rin ako mamaya," I said.
Ngumiti lang din siya sa akin saka siya nag-ayos ng hihigaan niya bago siya matulog. Pinatay niya na rin ang isang ilaw at isa lang ang iniwan niya, tumanaw na lang din ako sa baba. At nakita kong wala na ang bakas na may village dito dahil patay na rin ang mga ilaw nila. Maybe this is how they survive, dahil kapag madilim na ay wala na ang bakas nila. At pati iyong ibang tree house ay wala naring ilaw, kaya parang wala talagang nakatira rito kapag ganitong oras na. Ganito pala sila mamuhay? Bakit kaya pinili nila ang ganitong buhay?