(Duchess's POV)
Nagising ako sa banayad na simoy ng hangin at sa katamtamang init ng araw na tumatama sa muka ko. Pagbangon ko ay wala na si Angel kaya agad akong napatanaw sa baba saka ko lang nakita ng mas maayos ang kabuuan ng kinaroroonan namin. Mas maganda pala talaga ang lugar na ito kapag umaga at kapag kitang-kita mo ang lahat.
Napansin ko rin agad ang mga batang nagsasanay sa baba kaya agad din akong bumaba. Pinanood ko lang din sila habang abala sila sa ginagawa nila and I’m sure their ages are ranging from eight years old and above. Habang nanonood ako sa kanila ay kumaway si Angel pagkakita sa akin so I just nod at her.
She then go back focusing to what she’s doing, kaya nanatili na lang din ako sa panonood sa kanila. Tahimik lang din akong nakamasid sa kanila pero mayamaya ay naramdaman ko agad na may mabilis na paparating sa akin, kaya agad ko iyong sinalo saka ko lang nakita na dagger iyon. Nilingon ko rin agad ang pinanggalingan noon saka ko iyon ibinalik sa apat na kasamahan nina Angel, na kanina pa naghaharutan doon.
"You four, stop that s**t!" agad ding saway ni Humfrey sa kanila habang tulala ang apat na iyon sa akin.
Tiningnan ko na lang din sila ng masama pero hindi na ako nagsalita saka naupo ako sa isang bato at muli kong pinanood lang sila Angel
"Duchess?" mayamaya ay napalingon ako sa tumawag sa akin saka ako napangiti. "Bakit po?" I hurriedly ask.
"Nakatulog ka ba ng mahimbing apo ko?" lola Xyrene ask again kaya agad akong tumango sa kanya. "Opo," agad kong sagot sa kanya.
Mayamaya naman ay niyakap ako ni lola Sheena kasunod ang iba pang matatanda kaya niyakap ko na lang din sila, saka ko kinuha ang inabot na tasa ng gatas ni lolo Kennard sa akin.
"Ikaw Duchess, gusto mo bang magsanay? Pwede kang sumama sa kanila," mayamaya ay tanong sa akin ni lolo Haven. "I'm not into that kind po," I hurriedly answered.
Ngumiti lang din naman sila sa akin saka sila naupo sa mga naka-tumbang kahoy na malapit sa kinauupuan ko.
"Babalik na nga po pala ako sa bahay namin. Sigurado po kasi ako na nag-aalala na sila sa akin," pagpapaalam ko sa kanila.
They all look at me, saka sila ngumiti sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Niyakap din nila akong lahat kaya niyakap ko na lang
din sila.
"Duchess apo, ganyan talaga ang buhay, people comes and go. So, you just need to continue your life and keep on living, dahil habang may buhay tayong mga naiwan ay may dahilan pa tayo upang mabuhay at magpatuloy," lola Xyrene said to me.
Hindi ako nagsalita pero ngumiti na lang ako sa kanya saka ko inubos ang gatas ko. Pagkatapos ay saka ako tumayo kasabay nila, agad din silang naghanda dahil ihahatid daw ako nila lola Xyrene, lola Sheena, lolo Kennard at lolo Haven sa sasakyan ko.
"Ate Duchess?" agad kong nilingon si Angel ng tawagin niya ako at natahimik na lang din ako ng bigla niya akong yakapin. "Uuwi ka na Ate?" she ask.
"Oo, kaylangan ko ng umuwi hinahanap na nila ako," I answered. "Babalik ka pa ba?" she ask again.
"Pwede pa ba? Baka naman next time iba na ang password dito at hindi ko na mahulaan," I said again na agad din niyang tinawanan. "Pwedeng-pwede kang bumalik dito Duchess, anytime. Hindi kami nagpapalit ng password," tatay Chad said to me kaya natawa na lang din ako.
"Babalik ka Ate ha?" Angel said again. "Babalik ako, pangako." I answered.
Niyakap niya akong muli at natawa na lang din ako ng yakapin din ako ng iba pang bata na nakasama ko rin kagabi katulad ni Angel.
"Alam niyo pakiramdam ko ang dami kong kapatid sa inyo," I said to them na tinawanan lang din nila.
"Sige na Duchess apo, malayo pa ang biyahe mo," lola Xyrene said again kaya tumango na lang ako sa kanila saka ako ngumiti sa mga bata.
Kumaway na lang din ako sa mga bata saka ako lumakad kasama ang mga elders. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay kung saan ko iniwan ang sasakyan ko, pagdating namin doon ay hinihintay na rin kami ng mag-asawa na nakatira doon. Nag-paalam din sila sa akin kaya nag-paalam na lang din ako sa kanila.
Bago ako umalis ay pinagyayakap ko na lang din ang mga elder bago ako sumakay sa kotse ko, muli rin akong kumaway sa kanila bago ako umalis and they just waved back bago ko sinimulan ang byahe ko pabalik sa cemetery. Iyon lang naman kasi ang alam kong daan papasok at palabas dito.
Habang palayo ako ay saka ko lang din naramdaman ang mga paparating sa kinaroroonan ko. May mga paparating at hindi maganda ang kutob ko doon, mayamaya ay nakita ko na rin ‘yong mag-asawa na may-ari ng tindahan na nasa bungad ng daan papunta dito. Tumatakbo sila palapit sa akin kaya agad kong ibinalik ang kotse ko saka ko sila kinawayan.
"Umalis ka na Duchess!" hiyaw nila sa akin habang papalapit na sila sa akin pero hindi ako umalis. “Hindi ako aalis, sumakay na kayo kaylangan na nating bumalik," sigaw ko rin sa kanila.
Agad din naman silang sumakay sa kotse ko kaya agad din kaming bumalik sa pinanggalingan namin. Hindi nagtagal ay nakita na rin namin ang mga matatanda na tumatakbo na rin pabalik, malapit na sila sa mismong camp kaya doon na lang din kami bumaba. Nauna na ring bumaba ang mga sakay ko pero kinuha ko muna ang baril ko sa kotse bago ako sumunod sa kanila. Habang tumatakbo sila ay nakita ko rin na may binato si Tatay na kampana na biglang tumunog ng malakas, hudyat marahil iyon na may naka-ambang panganib. Sinabayan ko na lang din sila sa pagtakbo at hindi na rin nila ako tinanong pa.
"Halika dito Duchess," yaya sa akin ni lolo Haven saka niya ako isinama sa isang liblib na daan. Saka ko lang din nakita na nauuna na sa amin ang mga mga bata at nasa likod iyong sina Humfrey.
"Takbo bilis!" hiyaw ko ng maramdaman kong malapit na sila sa amin saka ko mabilis na inilagan ang dumamba sa akin mula sa taas ng puno saka ko siya tinarakan ng knife sa leeg.
Agad ko ring kinuha ang baril niya saka ako tumakbo ng mabilis kasunod nila, nauna na rin ako sa kanila habang bumabaril ako dahil wala silang guard sa unahan. Hindi ko alam kung sino ang mga ito, pero sigurado akong hindi sila basta-bastang tao. Hindi sila mga NPA sigurado na ako doon. Mayamaya ay sinabayan na rin ako ni Humfrey kaya napatingin na lang din ako sa kanya.
"Guard them until you reach the cave," he said to me. "Copy," tanging sagot ko sa kanya saka ko tinanaw ang malapit na kweba sa amin.
Kumalat na rin sina Humfrey para bigyan kami ng daan and I guided the elders at ang mga bata. Ako ang nag-cover sa mga kasama ko na dire-diretso lang din ang pagtakbo papunta sa kweba.
"Ate sa itaas!" Sarah yelled kaya agad ko ring binaril iyong nasa itaas namin. At habang palapit kami sa kweba ay napapansin ko na rin na parami ng parami ang mga kalaban.
"Hindi tayo pwede sa kweba, nadiskubre na nila ang lugar na ‘yon. Saan tayo pwedeng pumunta?" agad kong tanong sa mga elders habang tumatakbo kami.
Agad din silang napatigil sa pagtakbo kaya tumigil na rin ang mga bata. Marahil nagiisip sila dahil wala na kaming choice ngayon.
"May sasakyan ba kayo dito?" I ask them again. "Meron, kaya lang ay kaylangan nating bumalik," lolo Kennard answered.
"Kunin natin ang sasakyan," I said agad din naman nila akong tinanguan and lolo Kennard lead the way.
Inakay na rin nina lola ang mga bata at humawak na rin ng armas sina lolo, and I am guiding them also. Mayamaya naman ay sumulpot na rin sina Humfrey, dala ang ilang sasakyan marahil nahalata na rin nila na nadiskubre na ng mga kalaban ang kweba.
Agad din namang isinakay nina Lola ang mga bata sa isang malaking sasakyan magkakasama sila doon at dalawa sa kasamahan ni Humfrey ang kasama nila. Sa ibang sasakyan naman sumakay ang mga elders kasama si Humfrey, at sa ibang sasakyan ang dalawa pa niyang kasamahan maging ang ibang bata.
Habang abala ako sa pagbaril sa mga kalaban ay abala rin ang mga elders sa pagsakay sa military car na dala nila, pero nagulat na lang kaming lahat ng biglang sumabog ang dalawang sasakyan na sakay ang laha ng mga bata kasama ang apat na kasamahan ni Humfrey.
"s**t!" mura ko habang hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Duchess? We need to go!” sigaw ni lola Sheena sa akin.
Napatakbo na lang din ako palapit sa kanila saka ko lang nakita ang isang bata na nakadapa malapit sa sumabog na sasakyan.
"Ate Duchess!" malakas na sigaw ni Angel dahilan para mapatakbo ako sa kinaroroonan niya.
Agad ko rin siyang kinarga at sina lolo na ang nag-cover sa akin. Paglapit ko sa sasakyan ay agad ko rin siyang ibinigay kina Lola. Si lolo Haven naman na ang nag-drive at kasama niya doon si Humfrey na patuloy rin ang pagbaril. Habang si lolo Kennard ang nagbabantay sa likod kasama ang ibang lolo.
"Duchess apo? sumakay ka na," lola Sheena called me. "I’ll see you there, just go!" hiyaw ko sa kanila saka ko itinuro sa kanila ng direction ng cemetery.
Agad din naman nilang sinunod ang sinabi ko saka ako tumakbo ng napakabilis habang bumabaril. Nilapitan ko rin agad iyong lalaking may hawak ng mga bomba, at saka ko siya sinuntok ng malakas saka ko kinuha ang lahat ng kaylangan ko sa kanya. Iniabot ko rin agad ang mga bomba at ang ibang weapon sa mga elder habang patuloy ako sa pagkuha ng mga gamit sa mga nadadaan ko. Nakikita ko na rin na naga-atrasan na ang iba sa mga kalaban but I continued, until I reach my car. Doon ko rin nakita ang mag-asawang may-ari ng tindahan at ang mag-asawang may-ari ng bahay kung saan naka-park ang kotse ko.
"Sumakay na ho kayo, tayo na?” agad kong tawag sa kanila pero umiling lang sila sa akin habang bumabaril din sila.
"Hindi kami sasama," agad na sagot sa akin ng matandang babae sa tindahan. "Dito namatay ang mga anak namin, kaya dito na rin kami ililibing,” sagot nila sa akin.
Wala na rin akong nagawa at napatitig na lang din ako sa kanila lalo na ng bigla silang magtumbahan sa harapan ko. Wala na rin akong nagawa kung hindi sumakay sa kotse ko at idiniretso na rin naman ng mga elders ang sasakyan nila. Dumiretso na rin agad kami sa cemetery at gaya ng inaasahan ko ay hindi na kami sinundan ng mga kalaban. Nauna na rin akong bumaba sa kotse ko at agad din akong sinalubong ng mga bantay ng cemetery.
“Kumalat kayo, may mga humahabol sa amin,” I said to them. “Hinahanap na po kayo sa inyo,” he answered.
"Dont tell them that I’m here now, open the black rest house," I said at hindi ko na pinansin ang sinabi niya.
Tumango na lang din ang guard na kausap ko saka ko pina-diretso ko ang sasakyan ng mga elders sa black rest house and I also lead the way, dumretso rin kami sa dulong parte ng cemetery kung saan naroon ang rest house.
"Walang nakatira dito, you can stay here kung hanggang kelan niyo gusto. Ligtas kayo dito," I said to them.
Isinama ko rin agad sila sa loob at tumulong na ‘rin ‘yong mga nagbabantay sa cemetery sa paggamot ng mga sugat nila. Wala rin naman kasing nakatira dito dahil may guardhouse naman ang lahat ng bantay dito.
"Maghahanap na lang din ako ng ibang lugar na pwede kong pagdalhan sa inyo," I said again. "No, were fine here Duchess. Thank you," agad na sagot sa akin ni lola Xyrene pero hindi ko na siya pinansin.
"Don't tell anyone that I brought them here. Do you understand? Take care of them kapag wala ako, maghanda na rin tayo ng makakain nila at ng mga gamit para sa kanila," I said again na agad namang sinunod ng head guard namin.
Agad din siyang umalis kaya hinayaan ko na lang din siya saka ako kumuha ng ilang towel at naghanap na rin ako ng ilang gamit sa loob para magamit nila.
"Why did you brought us here?" agad akong napalingon sa kumausap sa akin habang abala ako sa ginagawa ko. "That’s because I know that no one will dare to enter this place," I answered.
"Why do you care like that for us? You should just run instead of helping us. You’re not even related to us," Humfrey said again.
"Why would I run? Hindi ako ganoon, Humfrey. If I can help I will help whoever it is even if they're not related to me. I’m doing that because I know how it feels to lose someone and you can't do anything for them,” I answered.
"We will leave here after I find a place for us," he said again kaya napabuntunghininga na lang din ako. "Okay! I need to leave for now also, tell them I’ll be back tomorrow," I answered.
Tumayo na lang din ako at saka ako sumakay sa kotse ko saka ako umalis. Hindi na ako nagpaalam sa mga elders pero nag-paalam ako sa head guard, alam ko naman na si Humfrey na ang magsasabi sa mga elders na umalis ako. Malayo-layo rin kasi ang biyahe mula rito pauwi kaya kaylangan ko nang umuwi agad. Bago naman ako makalabas sa cemetery ay dumaan muna ako sa puntod nina Abi at Abs saka ako dumiretso.
This time pakiramdam ko hindi pa rin totoo ang lahat. Kahit kasi alam ko na ang dadatnan ko dito at sa bahay ay umaasa pa rin ako na baka panaginip lang ang mga nangyari. Na baka buhay talaga sila, pero sa nakikita ko ngayon ay alam ko na wala na talagang pagasa na panaginip lang ‘yon.
"Where have you been?" Mom ask pagpasok na pagpasok ko pa lang sa bahay. "I'm here now," I just answered.
Nakita ko rin na tinapik siya ni Dad sa balikat para marahil pigilan siya and she did. Kaya dumiretso na lang din ako sa kusina saka ako naghilamos at uminom ng tubig.
"Bakit ang dumi mo?" kuya Duce ask pero hindi ko na siya pinansin and I just dialled the number of Viron.
Kasamahan nina Abi at Abs si Viron sa gang, at kaya ko siya tinatawagan ngayon ay dahil alam ko na hinihintay niya ang tawag ko.
"So did you call me to say that you'll take the position?" he immediately ask pagsagot niya ng tawag ko. "Take the position, idiot! I won't go back there, I’ll stay here,” I answered.
"You will find who killed them?" he ask again and this time his tone changed. "Yeah," tipid kong sagot sa kanya.
"We will help, lets find them, kami na ang bahala dito at ikaw na ang bahala dyan," he said. "Yeah, that's good. Balitaan mo na lang din ako," I answered.
"Sige, Duchess." he answered saka ko pinatay ang tawag.
"I still have 3 days before the school opening right?" I ask kuya Duce. "Yes," he answered.
Tamang-tama, sapat na siguro ang tatlong araw na ‘yon para makapag-handa ako. I can still investigate about their death sa tatlong araw na ‘yon.
"Are you okay? Ipapahanda ko na ang bathtub mo, maglinis ka," kuya Duke also ask kaya agad akong napatingin sa kanya. "No, Kuya. I’m not okay, a totoo lang hindi talaga ako okay, hindi pa ako okay. Pabalik pa lang ako dito sa bahay ay bumabalik na rin agad iyong sakit ng pagkawala nila. Kapag nandito ako bumabalik ang lahat, bagay na nakakalimutan ko sa labas. At kapag nandito ako, lalo ko lang silang nami-miss at pakiramdam ko mababaliw ako. Mababaliw na naman ako," I answered at napahawak agad ako sa ulo ko kasabay ng pagiyak ko.
Agad din naman akong niyakap nina Kuya at mayamaya ay dumating na rin sina Mom and Dad and they hug us.
“I’m sorry! Sorry kasi hindi ko kayang mag-move on ng ganoon ka-bilis. Sorry kasi hindi ako ganoon katatag,” I cried again. “No! Okay lang anak, okay lang,” Mom said.
"Saan mo gustong manatili?" Dad ask me kaya agad akong napatingin sa kanya. "You'll let me?" I ask and he just nod and Mom do the same.
"Just promise us you’ll be safe, call us. Ask for help,” Mom said again. "Trust me, I can take care of myself Mom, pangako," I answered.
Muli rin nila akong niyakap kaya niyakap ko na lang din silang apat and Dad wipe my tears.
"Kumain ka muna, saka ka maglinis at magpahinga. Then tell me where do you wanna stay and I’ll get you a house, apartment or condo there," Dad said again kaya agad akong ngumiti sa kanya.
"I love you, Dad. Thank you," I said again. "I love you too sweety, I love you so much. Come back safe," he said.
"Maging masaya ka Duchess, find your peace,” kuya Duke also said. Niyakap ko rin agad sila ni kuya Duce and they hug me again.
Mom then prepare food for me at kumain na lang din ako kasabay nila. I then tell Dad the place where I want to live for now saka ako naligo bago ako magpahinga.