(Humfrey's POV)
"Humfey? Angel, I guess we will stay here for awhile," lolo Haven said to us dahilan para mapatingin lang din ako kay Angel na agad na tumango bago siya umalis dala ang mga gamit niya.
"Aren't you planning to go back to them?" I ask him na agad niya ring ikinatingin sa akin. "It's not the right time Khill," he answered.
"Hindi magtatagal malalaman din nila at ni Duchess ang totoo, ganoon din naman ‘yon," I said again. "Then let them, saka tayo kikilos kapag alam na nila. Basta hindi pa pwede sa ngayon," lolo Haven said again.
"Hindi ko kayo maintindihan," I said to him.
Napailing na lang din ako saka ako lumabas ng black house saka ako naglibot-libot sa cemetery na ito. Panibagong adjustment na naman, pero siguro hindi naman kami mahihirapan dahil malapit lang naman ito sa dati naming tirahan. Ang kaibahan lang dito ay mayroon kaming maayos na tutuluyan, pagkain, inumin at kuryente.
Sanay rin naman kami na nababawasan ng mga kasamahan, pero siguro ito na ang pinaka-mahirap sa lahat. Sa isang iglap nawala iyong mga bata at iyong apat na kasamahan ko. Maging ang apat na matanda, na kasama namin ay nawala na lang din ng walang kalaban-laban. Kahapon ko lang din napagtanto na masiyado na talaga silang agresibo, alam nila na malalaban kami kaya nakikipag-laban na rin sila. Kung wala ang apo ng mga elders siguradong wala rin kaming ibang mapupuntahan kahapon. Baka mahirapan din kaming makalabas ng sama-sama at baka nawalan na ako ng choice kung hindi ang sumama na lang din sa kanila.
"Where are they?" napatunghay ako sa nagsalita sa harapan ko saka ko lang napansin na papalapit na pala ang sasakyan ni Duchess sa akin. "Nasa loob," I simply answered.
“Go back baka may makakitang ibang tao sa’yo,” she said again pero hindi ako kumilos. “I need to go back, kaylangan kong ilibing ang mga kasamahan namin,” I said pero nakita kong bumuntunghininga lang din siya.
“No, ang mga tauhan na lang namin ang uutusan ko. Hindi ka pwedeng bumalik, makikilala ka nila,” she said again.
Hindi na rin naman ako nakasagot at sinalo ko na lang din ang inihagis niyang paper bags sa akin saka niya idiniretso ang kotse niya ng walang ibang sinasabi. Tiningnan ko na lang din ang ibinigay niya sa akin saka ako napailing, I can buy my own things, hindi niya na kaylangang gawin ‘to. Napailing na lang din ako saka ako bumalik sa loob, kasunod niya. Pagpasok ko ay saka ko lang din nakita ang lahat ng mga dala niyang pagkain at mga gamit para sa mga elders, maging kay angel.
"Hindi ka ba pinagalitan?" lola Xyrene ask her at agad din naman siyang umiling. "No, nag-paalam naman ako ng maayos. I also told them that I can’t stay on our house for awhile," she answered.
"You will stay with us?" lolo Kennard also ask pero umiling lang siyang muli. "No! I need do something, magiging abala ako and I need you to stay here. Isasama ko na lang din itong kasama niyo para makahanap na rin kayo agad ng gusto niyong lipatan," she said again.
"That's good!" sabay-sabay na sabi ng mga elders saka nila ako tiningnan. "I can find us a place alone," I said dahil ayoko siyang kasama.
"Sure you can, pero mas mabilis kung makikinig ka sa akin," muli niyang kontra kaya muli rin akong napatingin sa mga elders.
"She's right Khill, let her do some things for you and you’ll do the rest," dagdag ni lola Sheena.
Hindi na lang din naman ako nagsalita dahil wala naman akong choice. Natural makikinig sila sa apo nila, tuwang-tuwa nga sila sa isang yan. Sa lahat ng apo nila siya lang ang hindi nila nakikita ng madalas kahit panakaw na tingin.
"Iiwan muna namin kayo sandali dito. Ligtas kayo dito, hindi niyo na kaylangang mag-alala pa. At ikaw --," Duchess said again. "Humfrey.” Sagot ko sa kanya.
“Khill.” Sabay-sabay ring sagot ng mga elders. "Ano ba talaga? Ang dami naman niyang pangalan. Basta maghanda ka na at aalis agad tayo," reklamo niya saka niya ako inutusan na parang siya ang boss namin kaya agad akong napatingin ng masama sa kanya.
Tila hindi naman niya iyon napansin at tinawanan lang din naman ako ng mga elders maging ni Angel kaya umalis na lang din ako doon para makapag-bihis. Kung hindi ko lang gusto na maka-alis na agad sa lugar niya ay hindi ko siya susundin. Napaka-bossy niya, kahit na may ibubuga siya sa labanan ay ayoko pa rin na pinakikialaman at inuutusan ako ano.
(Duchess's POV)
Agad na nagluto ang mga elders pagkarating ko habang nagha-handa si Humfrey. Naupo lang din naman ako sa sala kasama ni Angel habang hinahayaan ko sila dahil may alam na akong lugar na pwede nilang lipatan in case na walang mahanap si Humfrey.
Hindi nagtagal ay bumaba na siya at mabilis lang din namang naluto ang mga pagkain. Agad din kaming kumain ng sabay-sabay para maka-alis kami agad and the guards joined us also. Ayon sa kanila ay nasanay na rin kasi sila na nandito ang mga elders, pero ito raw ang unang beses na nakasama nila ang lahat.
After we eat nag-paalam na rin agad kami sa kanila para maka-alis na. Ibang sasakyan na lang din ang dinala ko para hindi agaw pansin sa kung saan kami pupunta. Siniguro ko rin naman na hindi ako masusundan nina Mom at hindi nila ako mababantayan dahil tinatanggal ko ang bawat tracker nila.
Ako na rin ang nag-drive ng kotse at sa tabi ko naman naupo si Humfrey. Bago pa man kami maka-labas ng cemetery ay muli akong dumaan sa puntod noong kambal pero hindi na ako bumaba. Tinanaw ko lang sila ng ilang minuto habang tahimik ang kasama ko bago kami tuluyang umalis. Alam naman nila na para sa kanila ang ginagawa ko, at alam kong alam nila na gagawa ako ng paraan para mahanap kung sino man ang pumatay sa kanila.
"Sino ang dalawang ‘yon?" mayamaya ay tanong ni Humfrey habang papalabas na kami ng cemetery. Marahil hindi na rin siya nakatiis. "Mga kaibigan ko," I answered.
"Ano nga palang plano mo? may plano ka na ba at bigla-bigla mo na lang akong isinasama sa mga lakad mo?" he ask again. "Ikaw ang mag-plano, mag-isip ka kung saan natin sila pwedeng dalahin dahil mayroon na akong pagdadalhan da kanila kung wala kang mahahanap," I answered.
"Saang lugar mo ba kami dadalhin? Alam mo ba na kaya kami nagtago sa bundok dahil iyon lang ang alam kong lugar na walang koneksyon sa magaling na humahabol sa amin? They are powerful, kaylangan naming magtago sa kasulok-sulukan ng bundok para lang pagtaguan sila, ganoon ka-tindi ang mga ‘yon," he said again kaya naitigil ko agad ang kotse ko sa tabi ng kalsada dahil sa sinabi niya.
"Tapos maghahanap ka ulit ng lugar na hindi mo naman alam kung saan ka maghahanap?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na ikinatingin niya lang din naman sa akin. "Kaya ko ‘yon," he just answered.
"Yes, maybe you can. And then what? Magtatago na naman kayo sa bundok para mahirapan na naman kayong isalba ang sarili niyo kapag natunton na naman nila kayo?" I ask him na hindi naman agad niya nasagot.
Napailing na lang din ako saka ako nag-drive muli, hindi na rin naman siya nagsalita at marahil ay naisip niya rin ang sinabi ko. Alam niya rin marahil sa sarili niya na hindi maganda ang plano niya, at alam niya na kahit anong gawin niya tama ang sinabi ko.
Nag-desisyon na ako, nakaisip na ako ng lugar kung saan ko sila pwedeng dalahin. Doon sila pwedeng manatili, it don't have any connection on my family pero may connection ito kila Abi kaya madali ko lang magagawan ng paraan ang bagay na ‘to. At sigurado naman akong walang koneksyon sa humahabol sa kanila ang lugar na ‘yon.
"Sino nga ba ang mga ‘yon?" mayamaya ay tanong ko sa kanya dahil hindi na ako naka-tiis. Kahapon ko pa talaga iniisip kung sino ang humahabol sa kanila.
"Who?" he ask. "Iyong gustong pumatay sa inyo,” I answered.
"It cost a life, its better that you don't know them for now," he answered also na nakapagpa-tahimik muli sa amin dalawa.
Siguro kaylangan ko na talagang mag-imbestiga tungkol sa kanila, pero kaylangan ko munang unahin ang paglilipat sa kanila. Dahil kung totoo ang hinala ko dapat ay protektahan ko sila. Kaylangan ko na ring alamin kung sino ang lalaking ito na kasama nila. Sa hitsura kasi niya ay muka namang hindi siya mahirap. Mas muka pa nga siyang mayaman kaysa sa akin. Saka ang mga humahabol sa amin, they are targetting him, tila ba gusto nila siyang kuhanin and they are too careful for him.
Muli akong napaisip habang nasa kahabaan kami ng biyahe. Sigurado ako na ang dami ko nang kaylangang gawin ngayon bukod sa pagi-imbestiga sa pagkamatay nina Abi at Abs. Wala na kasing gagawa noon para sa akin. Buti pa nga itong mokong na kasama ko patulog-tulog lang. Gwapo nga siya kagaya ng sabi ni Angel pero mas gwapo pa rin ang mga kapatid at Daddy ko ano. Teka nga? Ano ba ‘tong sinasabi ko?
"Malapit na ba tayo at nakatitig ka sa akin?" mayamaya ay tanong sa akin ng mokong dahilan para agad na mapakunot ang noo ko.
Wait? Nagsalita siya ng tulog? Bigla siyang bumangon sa pagkakasandal niya kaya agad akong napa-iwas ng tingin. Bullshit, gising na pala siya.
"Oo malapit na tayo at hindi ako nakatitig sa’yo. Nakatingin ako sa bintana dahil iniisip ko kung gigisingin pa ba kita o ihuhulog na lang kita dyan pagdating natin," I answered.
He then glared at me and I just roll my eyes on him saka ako muling nag-focus sa pagmamaneho ko. Hindi na rin naman siya natulog pa at ilang minuto pa ang nakalipas ay narating na namin ang pakay namin.
"Beach rest house? Kanino ang rest house na ito?" nagtataka niyang tanong sa akin. Bumaba na lang din naman agad ako pagkaparada ko ng kotse ko and he followed.
"My friend own this, hindi ko kayo pwedeng dalahin sa lugar na may koneksyon sa amin kaya ito na lang ang naisip ko. Sigurado rin naman ako na wala itong connection sa humahabol sa inyo. Pwede na kayo dito, and you can also investigate kung gusto mong masiguro na walang koneksyon sa humahabol sa inyo ang lugar na ito," mahaba kong paliwanag sa kanya.
Nakasunod lang din naman siya sa akin habang papasok kami sa loob, binuksan ko na lang din agad ang lugar para makita niya ang kabuuan ng rest house. Hindi ito kalakihan pero sigurado naman ako na kasya na sila dito.
"What do you think about this place?" I ask him. "Pwede na," he answered.
Nagumpisa na rin siyang maglinis kaya tinulungan ko na lang din siya. Nag-lista na lang din ako ng ilang gamit na kakaylanganin pa nila habang abala ang kasama ko. May ilang kwarto rin kasi dito saktong-sakto iyon sa kanila pero kulang ang beddings kaya kaylangan kong um-order para sa kanila. Cash na lang din ang ibabayad ko dahil mate-trace nina Dad kapag card ang ginamit ko.
"Paano nga pala kayo nakaka-survive sa bundok? Umaasa lang ba talaga kayo sa mga tanim?" I ask him again habang kapwa kami abala. "I have money," he simply answered.
Napakunot ang noo ko sa sagot niya pero dinedma ko na lang din siya habang abala siya sa pagluluto ng pagkain naming dalawa. Buti na lang may stocks pa dito, nandito rin naman kasi madalas ang caretaker ng rest house.
"Nasaan nga pala ang parents mo?" I ask him again habang abala ako sa paglilinis dito sa kusina. "Patay na," he simply answered again.
"So the elders raise you?" I ask and he just nod at me kaya muli akong natahimik.
Ngayon ay nasagot na rin ang tanong ko kung bakit hindi niya maiwan ang mga elders. Napansin ko na rin naman kasi na wala sa kanila ang parents niya, at sabi nga ni Angel lahat sila ay ulilang lubos at palaboy.
"Train me, just like how you train them," mayamaya ay muling sabi ko na hindi ko na rin napigilan. Agad din naman siyang napatingin sa akin saka niya bumalik ng tingin sa niluluto niya.
"Bata ang sinasanay ko, Duchess. Hindi isip bata na katulad mo," he answered pero hindi ko pinansin ang sinabi niya. "I’m seventeen. Bata pa naman ako, saka hindi ka na mahihirapan sa akin. May alam na ako sa basics, at kaylangan ko na lang din na mas maging malakas. I just need to know who the fvck killed my friends," I insist.
"Maghanap ka na lang ng ibang magsasanay sa’yo," he said again. "I want to train with you. I wanted to train without any special treatment," I also said.
"Still no," he said again pero hindi ko tinanggap ang sinabi niya. "Wala akong pakialam, I wont accept no. Isipin mo na lang na sa amin ni Angel magsisimula ang bagong batch ng mga bagong estudyante mo," I said again.
Natahimik na lang din siya sa sinabi ko kaya tumalikod na ako sa kanya para kumuha ng gagamitin namin sa pagkain. Inihain ko na rin ang pagkain na niluto niya and I just sat down, mayamaya ay naupo na lang din naman siya saka kami kumain.
"Siya nga pala hindi tayo makaka-alis ngayon, may bagyo at mahihirapan tayong bumiyahe pabalik," I said again.
Muli ay hindi siya sumagot pero kumain na lang din kaming dalawa. Nauna rin akong matapos sa kanya kaya nauna na akong lumabas sa kusina. Nag-masid na lang din ako sa labas ng rest house at sa madilim na kalangitan, talagang nagbabadya nga ang malakas na ulan. At mayamaya ay bumuhos na nga ang malakas na ulan.
"Hindi naman ba mawawalan ng kuryente dito? May signal ba dito?" mayamaya ay tanong sa akin ni Humfrey kaya napalingon ako sa kanya. "Yeah! We've been here before. At saka kung mawawalan ng kuryente ay may generator naman dito," I answered.
We then stay on the living room habang kapwa kami nakamasid sa nagngangalit na alon sa dagat di kalayuan sa amin, nasa veranda ako at nasa sofa naman siya.
"Can’t you just close the door and the curtains?" I look at Humfrey dahil sa tanong niya at umiwas lang din naman agad siya ng tingin sa akin. "Wait? takot ka sa kidlat?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Does it sounds funny?" he ask pero agad din akong napatakbo papasok sa loob dahil biglang umugong ang malakas na kulog.
He then laugh at me pero napatigil din siya dahil kasunod noon ang nagngangalit na kidlat, dahilan para magkatitigan kami sandali. Ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin at ganoon din naman siya.
“Isara mo na," mayamaya ay sabi niya kaya isinara ko na lang din agad iyong pinto sa veranda at ang kurtina. Pagkatapos ay isinara ko na lang din ang mga bintana at ang mga kurtina noon sakto namang nawalan ng kuryente.
"Saan ko pwedeng buksan ang generator?" he ask me. Buti na lang at kahit paano ay maaga pa kaya hindi pa ganoon kadilim dito sa loob. “Sa basement,” I answered.
I then get a flashlight at sinamahan ko na lang din siyang bumaba ng basement para buksan ang generator. Wala rin namang problema ang generator kaya mayamaya ay nagka-ilaw na kaya umakyat na lang din ulit kami.
"Siguradong hindi titigil ang ulan hanggang bukas, magpahinga muna tayo,” I said to him.
Nauna na rin akong umakyat sa taas saka ako pumasok sa isang kwarto at doon ako nahiga.
"Doon ka sa kabila kwarto ko ‘to," reklamo ko kay Humfrey ng maramdaman kong dito rin siya pumasok. "Marami namang kwarto dyan, doon ka na muna," reklamo niya rin.
Hindi ko naman na siya pinansin dahil inaantok na talaga ako.
"Doon ka na," muli niyang reklamo. Marahil ayaw niya sa ibang kwarto dahil wala pang malinis na beddings doon. "Ayoko!" inis kong sagot sa kanya.
Umikot na lang din ako sabay dapa noong tinulak niya ako pero hindi ako bumangon. Ako pa ba ang mag-a-adjust sa kanya? Ako ang babae dito ano, siya dapat ang umalis.
(Humfrey's POV)
Abat nakatulog na talaga agad siya ng ganoon ka-bilis ha? Ganoon ka ba siya ka-antukin o talagang pagod lang siya? Nahiga na lang din ako sa tabi niya dahil malaki naman ang bed, dito lang din kasi may maayos na beddings kaya dito ako pumasok pero nandito rin pala siya.
I sigh and just look at the ceiling. Sa totoo lang ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya ng paulit-ulit, but in my case I'm escaping on the hands of my father habang siya ay ang realidad na ang tinatakasan. Muka namang alam na rin sa kanila na ayaw niya sa ganitong buhay, ang kaibahan lang namin ay tanggap na sa kanila na ganoon siya at ako ay hindi.
Pareho rin kami na iba ang tinatahak, kaiba sa karaniwan at inaasahan na. Pareho kami na malaking bagay ang tinakasan, pareho kami na lumalaban para sa daan na gusto naming tahakin. Either way parehong masalimuot ang pinagdadaanan namin, pero ayaw ko pa rin na tulungan siya. I don’t want her to look up for me, I don’t want her to know na pareho kami. And I don’t want to disappoint her in the end.
"Aray! Bakit ba?" napatayo ako sabay hawak sa likuran ko pagkatapos kong mahulog sa kama. "Bakit ka dito natulog?" Duchess yelled at me.
Nawala rin naman agad ang inis ko sa sigaw niya dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Kwarto ko kasi ‘to," reklamo ko sa kanya dahil wala akong ibang masabi. "Kwarto ko to, okay? Saka may pa-yakap yakap ka pa talaga ha?" singhal niya sa akin.
"Hoy ikaw ang yumakap sa akin! Ayaw mo akong pakawalan dahil tulog na tulog ka na kaya nakatulog na lang din ako," muli kong reklamo sa kanya. "Sinungaling ka!" singhal niya sa akin.
Binato niya rin ako ng unan na hindi ko nailagan saka siya bumaba sa kama pero natawa na lang din ako sa inasal niya. Pulang-pula rin kasi ang muka niya marahil sa hiya pero kahit na ganoon ay hindi ko aaminin na ako ang may kasalanan. Bumaba na lang din ako sa kama saka ako sumunod sa kanya. Umaga na at ngayon ay wala ng bakas ng bagyo kahapon. Payapa na rin ang mga alon sa dagat.
"Hindi ba muna tayo kakain?" tanong ko sa kanya dahil dire-diretso lang siya sa labas ng rest house papunta sa kotse niya. "Sa daan na lang tayo maghahanap ng kakainan, tanghali na tayo,” she answered.
Sumakay na lang din ako sa kotse niya at siya na lang din muli ang nag-drive para sa amin.
"Hanggang kaylan ka nga pala mananatili na kasama namin?" I ask her. "Hanggang bukas na lang siguro, may pasok na ako sa susunod na araw," she answered.
"Then, how can I train you?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "You'll come with me," she simply answered na para bang simple lang ang sinasabi niya.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "You have no choice okay?" she said again.
"At bakit?" I ask. "Dahil pasasamahin ka rin ng mga elders sa akin," she answered na para bang confident siyang papayag sila.
"Ayoko!" muli kong tanggi sa kanya. "Okay, madali naman akong kausap," she then said na lalong ikina-kunot ng noo ko. Ang gulo niya kausap.
"May dadaanan lang ako, I’ll tell the address kapag malapit na," I said again at tumango lang naman siya sa akin.
Wala na ring nagsalita sa amin and we have a quiet ride like yesterday. Sa totoo lang curious ako kung bakit ang galing niya mag-drive, akala mo talaga racer siya eh. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa lugar na sinasabi ko sa kanya. Tumigil din agad siya ‘di kalayuan sa apartment ko and I watch our surroundings first.
"I need to get inside that house," I said to her. "Wait? mag-aakyat bahay ka? Iyan ba ang pinagkakakitaan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"That's my house," I answered. "Bahay mo naman pala ‘yan eh, bakit papasukin mo pa ng palihim?" she ask again.
"Nakikita mo ba ang mga bantay na ‘yon? Sila ang humahabol sa amin gets mo ba?" I answered na agad din niyang ikinatitig sa akin. Marahil ay napaisip na rin siya sa ngayon.
"Masyado silang marami, I’ll help you. Bumaba ka na and watch me, hintayin mo na makuha ko ang atensyon nila saka ka pumasok sa loob. Five minutes, lets do this in five minutes," she said.
Tumango na lang din ako sa kanya saka ako agad na bumaba sa sasakyan niya saka ako nagtago sa halaman na malapit sa akin. Pasimple rin akong tumakbo ng mabilis sa kabilang kalsada saka ako nagpalipat-lipat ako at nagpatago-tago sa mga halaman para hindi nila ko mapansin. Noong maka-pwesto naman ako malapit sa bakod ay saka lumapit si Duchess sa mga bantay ng bahay ko.
"Hi sir, pwede po bang pumasok sa loob? I need to pee na po kasi talaga eh," rinig kong sabi niya sa mga ‘yon at nagpa-cute pa siya sa mga bantay. Saka ko lang din napansin na tinanggal niya ang salamin niya at itinali niya pa ang kulot niyang buhok na madalas naka-lugay.
Pinapasok din naman agad siya ng mga mokong na ‘yon at lahat sila sumama pa sa kanya papasok sa loob kaya nakapasok din agad ako sa loob. Nakita ko rin na lahat sila ay nakabantay rin sa comfort room na pinasukan niya habang malaya akong nakapasok at naka-akyat sa kwarto ko. Kumuha na lang din ako ng mga gamit ko at ang ilan sa mga kakailanganin kong papeles.
Isinama ko na rin ‘yong mga cards at ID ko an siguradong kakaylanganin ko rin. Mabilis ko lang ding nailagay sa isang bag ang lahat ng kinuha ko saka ako agad na lumabas, hinihintay ko na lang din na mag-five minutes para sabay kaming makalabas ni Duchess. Hindi ko siya pwedeng iwan ngayon.
"Ang tagal naman niya," bulungan ng mga mokong na nasa pinto ng banyo habang inaabangan nilang lumabas si Duchess.
Saktong-sakto naman na mayamaya ay lumabas na siya and she hurriedly sprayed bathroom spray to them. Dahil sa ginawa niya ay tumakbo na lang din ako at hinila ko na siya palayo sa kanila.
"Walanghiya ka!" hiyaw ng mga lalaking ‘yon habang papalabas na kami ng bahay. "Takbo!" hiyaw ni Duchess habang sabay kaming tumatakbo.
Agad din naman nila kaming hinabol at nahablot din nila si Duchess sa buhok niya.
“Halika dito!" hiyaw ng lalaking sumabunot sa kanya dahilan para mapatigil din kaming dalawa. “Masakit ‘yon ha? Bakla ka ba?” hiyaw ni Duchess sa kanya.
Agad ko ring tinadyakan ang iba pang nagtangkang lumapit sa amin dahilan para sabay-sabay silang magtalsikan. Hinawakan naman agad ni Duchess ang buhok niya maging ang kamay ng lalaking nanabunot sa kanya, saka niya iniikot ang kamay ng lalaking ‘yon na agad na napahiyaw, saka niya tinadyakan ang lalaki palayo sa kanya na agad ding nabitawan ang buhok niya.
Muli ko namang pinagtatadyakan ang ibapang humahabol sa amin saka kami tumakbong muli diretso sa kotse niya. Binuhat ko na rin siya gamit ang isang kamay ko at inilagay siya sa drivers seat, saka ko kinuha ang baril ko at pinagbabaril sila. She then drive away para makalayo kami and I just jump on her car habang bumabaril ako, hanggang sa unti-unti kaming nakalayo sa kanila.
"Nakuha mo ba ang lahat?" she ask me, "Oo,” I answered.
"Dapat lang, masakit ang sabunot sa akin ng bakla na ‘yon ha," reklamo niya sa akin.
Tinanggal niya na rin ang ipit niya at isinuot niyang muli ang salamin niya.
"Wala ka na bang ibang dadaanan?" she ask again. "Wala na, isasama mo rin naman ako sa pagpasok mo eh, at wala akong choice," I answered.
Hindi naman na siya sumagot at dumiretso na lang din kami sa cemetery kung saan kami hinihintay ng mga elders.
"Okay lang kayo?" agad nilang tanong sa amin and we both nod at them. "May bahay na tayong lilipatan, we should go now," I answered.
"Kumain muna kaya tayo ano?" sabad ni Duchess sa amin.
Hindi na rin naman ako nagsalita dahil bigla rin akong nakaramdam ng gutom. Naalala ko rin na hindi na pala kami nakakain, kaya siguro nagugutom na rin ako. Dahil sa sinabi niya ay tinawag na rin ni Angel ang mga kasama naming guards and then we started eating. Pagkatapos ay saka naman inayos ng mga elders ang mga gamit nila and Duchess find a car for us.
"Sabi ni Duchess, you will train her. Sasama ka rin daw sa kanya, totoo ba ‘yon?" lolo Kennard ask me habang inaayos ko rin ang ilan kong gamit. "Wala naman akong choice. Nag-desisyon na ang apo mo eh," I answered.
Natawa lang din naman si lolo Kennard sa akin at inakbayan naman ako ni lolo Haven.
"Kapag napahamak ang apo namin mananagot ka sa amin Khill," lolo Haven said to me. "Ang daya ha? Apo niyo rin ako,” reklamo ko sa kanila.
"Syempre naman apo biro lang, alam naman namin na poprotektahan mo siya katulad ng kung paano mo kami protektahan," lolo Kennard also said. "Oo naman, utang na loob ko sa inyo ang buhay ko kaya sa apo niyo na lang ako babawi. Pwede ba ‘yon?" I answered.
Agad na ngumiti sa akin ang dalawang matanda saka nila ako tinapik sa balikat ko kaya natawa na lang din ako sa kanila. Maybe its right, maybe I can do this for them. Ito na lang siguro talaga ang pwede kong iganti sa lahat ng kabutihan nila, ang alagaan at tulungan ang apo nila.