(Duchess's POV)
"Bumangon ka na dyan!" malakas na hiyaw ng kung sinong nagmamay-ari ng baritonong tinig na malapit sa akin. "Bakit ba?" hiyaw ko sa kanya pero tiningnan niya lang din ako ng masama.
"Magsisimula na tayong mag-training, kaya bumangon ka na dyan. Ginagawan na kita ng pabor," he said dahilan para agad na mapakunot ang noo ko pero bumangon din agad ako.
Agad din naman siyang lumabas sa kwarto ko and I just get some of my clothes saka ako naligo at nagbihis kahit na alas-tres pa lang ng madaling araw. Nababaliw na siguro ang isang ‘yon, hindi man lang niya ako sinabihan na magsisimula na kami ngayon. Siguro nananadya siya, iwinaglit ko na lang din ang inis ko sa kanya saka ko mas binilisan ang pagkilos. Pagdating ko sa baba ay agad din akong lumabas ng rest house at sa labas ko na rin siya nakita. Hinagisan niya rin agad ako ng bola ng tennis na iniwasan ko naman agad bago ako tumingin sa kanya.
"Since you knew basics ay ibang training na ang gagawin ko sa’yo. Kaya bilisan mo ng tumakbo ang bagal-bagal mo," he said to me saka niya ako muling binato ng bola na muli kong nailagan.
He then run behind me at agad ding napakunot ang noo ko sa balak niyang gawin. Binabalak niya ba na batuhin ako ng bola habang tumatakbo?
"Aray! Bakit ba nambabato ka?" reklamo ko sa kanya ng muli niya akong batuhin na hindi ko naiwasan. "Reklamo ka ng reklamo ha, tumakbo ka na nga lang," he just answered.
Tumakbo na lang din ako at hindi ko na siya pinansin pa. Pinakiramdaman ko lang ding muli kung babatuhin niya ulit ako at hindi nga ako nagkamali. Binato niya na naman ako at ng maramdaman ko na palapit na sa akin ang bola ay iniwasan ko lang agad ‘yon pero natapid ako at agad na bumagsak.
"Tumayo ka," he said again kaya tumayo na lang din agad ako saka ako muling tumakbo.
"Pakiramdaman mo ng mabuti ang bola, kapag ibabato ko na ito sa’yo ay iwasan mo lang ito at huwag kang tumigil sa pagtakbo o lumingon sa akin naiintindihan mo ba? At kung kaya mong saluhin, ay saluhin mo na lang din ang bola," he then explained. "Yes sir!" agad kong sagot sa kanya.
Nagpatuloy lang din kami sa pagtakbo hanggang mayamaya ay naramdaman kong may sumapo sa akin.
"What the hell?" hiyaw ko sa kanya saka ko siya agad na nilingon. "Hindi ka nakikinig sa akin Duchess! Ang sabi ko sa’yo iwasan mo o kaya saluhin mo," he said again.
"Pero ang bola lang ang sinabi mo!” muli kong hiyaw sa kanya. "So hindi mo na iiwasan ang taong kalaban mo mismo? Iyong weapon lang niya?" he sarcastcally ask me.
Sa inis ko ay hindi na ako sumagot at tumakbo na lang din akong muli. Hindi ako nagsalita at bumuntunghininga lang din ako habang tumatakbo ako, kaylangan kong magtiis because I want this, ginusto ko ito. Habang tumatakbo kami ay natamaan na naman ako ng ibinato niyang bola pero hindi ko na ‘yon pinansin. Ang ikalawang bato niya naman ang agad kong naiwasan, pati na ang ikatlo, at ‘yong ika-apat niyang bato ay naiwasan ko pero hindi ang pagsipa niya sa akin.
"Tumayo ka, Duchess. You can’t stay like that, hindi pwedeng mahina ka lang, if you really want revenge,” he said to me kaya tumayo agad ako.
Tumakbo rin akong muli at paulit-ulit kong iniwasan ang bawat bato niya ng bola sa akin. I can also manage to catch a ball saka ko ‘yon ibinalik sa kanya. I then manage to catch all the balls na ibinabato niya sa akin na sinasalo niya rin naman, at nagawa ko ring iwasan ang kamao niya ng tangkain niya akong suntukin. Pero agad niya lang din akong pinitik ng mahina sa noo.
"Run," he said again kaya muli akong tumakbo habang ginagawa ko ang ipinagagawa niya sa akin. "You’re doing it right now, just run," he added.
Ilang ulit din kaming ganoon hanggang sa nasasalo at naiilagan ko na ang lahat ng bola at atake niya.
"Bilisan mo ang takbo," he said again kaya tumakbo na lang din ako ng mas mabilis pa. "Pinaka-mabilis mo na yan? Takbo!" he yelled to me kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
Nagulat na lang din ako ng makita ko siya sa harapan ko kaya napatigil akong bigla, pero hindi ko na rin na-kontrol ang sarili ko at dumulas din ang paa ko. At namalayan ko na lang din na hawak-hawak niya na ako at napakalapit niya sa akin. He did catch me from falling.
"Ngayon ang pag-aralan mo naman ay ang sumalo ng mabilis na atake o kaya ang umiwas doon," he said again. “Now, run.”
Tumango na lang din ako sa kanya saka ako tumakbo ng mas mabilis kagaya kanina, and this time ay dumadalas na ang pagbato niya ng bola sa akin, maging ang pagatake niya at madalas ay natatamaan ako ng mga iyon.
"Whats happening? Do better!” hiyaw niya sa akin.
Lalo ko namang binilisan ang pagtakbo at hindi na ako nag-salita and I just keep my focus. Mayamaya ay natatamaan na naman ako ng bola niya pero dumiretso lang ako, at naisip kong bigla na posible kayang natatamaan niya ako kasi iisang direksyon lang ang takbo ko?
Alam ko na ang gagawin ko, mas binilisan kopa ang pagtakbo at sumunod din naman agad siya sa akin. At noong naramdaman ko na ang bola ay lumipat na lang din ako sa kabilang parte ng dinadaanan ko, ganoon lang ang ginagawa ko hanggang sa makita ko na naman siya sa harapan ko, kaya iniwasan ko na lang din siya pero mabilis niya akong nasundan, so I punch him pero sinalo niya lang din agad iyon.
"Nice strategy, now run again," puri niya sa akin saka niya ako muling pinatakbo.
Tumakbo na lang din ulit ako at paulit-ulit na naming ginagawa ang ipinagagawa niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nagulat na lang din ako ng buhatin niya ako na parang sako ng bigas saka niya ako inihagis sa dagat malapit sa kinaroroonan namin.
"What?" hiyaw ko sa kanya sa inis ko pero tiningnan niya lang din naman ako. "Lulubog ka o ilulubog kita?" he ask me.
Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang humigop ng hangin at sumisid sa dagat. Nababaliw na ba siya? Pagod na pagod kami sa pagtakbo tapos gagawin niyo ‘to? Nang maubusan ako ng hangin ay umahon agad ako pero hinawakan niya ako sa ulo at inilubog niya akong muli kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumubog na lang.
Pero noong hindi ko na makayanan ay muli akong umahon and he just look at me. At alam ko sa way pa lang ng pagtingin niya sa akin ay hindi na siya natutuwa kaya nagkusa na akong lumubog. I look at my wristwatch na waterproof and I concentrated. At umahon ako matapos ang two minutes.
"Tagalan mo pa," he said again.
I then gasp for air at saka ako muling lumubog lumangoy ako at kumapit sa mga bato na malapit sa amin saka ko inorasan ang sarili ko. Maybe five minutes is enough? Kaya ko ba? No I need to, this is my test I need to do this. I concentrated and focus again on my goal pero mayamaya ay may biglang humawak sa bewang ko at agad niya akong tinulungan na umahon.
"Ang sabi ko tagalan mo pa hindi ko sinabing magpakamatay ka,” he said to me pero hindi ko na siya pinansin.
Bumangon na lang din ako mula sa pagkakahiga ko and I face him.
"Anong susunod?" I ask him. Sinipa niya akong bigla na hindi ko naman naiwasan, kaya agad akong napabaluktot sa sakit ng ginagawa niya. "Ano? Ganyan ka na lang?"
I breathe deep and I compose myself saka ako humanda sa pag-atake sa kanya at sa pagsalo ng atake niya. We started doing some sparing fight and this time palagi kaming draw.
"Duchess, are you just invested to this training dahil lang sa paghihiganti mo?" mayamaya ay tanong niya sa akin dahilan para pareho kaming matigilan. "This is the purpose of this training," I answered.
"No, you can’t do that. It will destroy you forever Duchess. Invest in yourself hindi dahil sa kaylangan mo lang gumanti, invest in yourself because you have someone to take care too at hindi lang sila ‘yon. May parents ka pa right? May mga kapatid ka ba? Ang sarili mo? Paano ang sarili mo? This should be for survival at para hindi na maulit ang pagkawala ng mga taong mahalaga sa’yo," sermon niya sa akin.
Dahil doon ay napatitig ako sa kanya habang nakatitig lang din siya sa akin. He then simply smile and he pat my head kaya tumango na lang din ako sa kanya.
"Lets eat first? Tapos saka ulit tayo mag-training bago tayo umakyat sa bundok. Mas maganda doon magsanay,” he said again kaya tumango na lang akong muli. “Takbo," he said again.
Tumakbo na lang din naman agad ako dahil sa sinabi niya and he also run with me hanggang sa makarating na agad kami sa restshouse.
"Simula na pala ng training niyo? Kumain muna kayo," agad na salubong sa amin ni lola Xyrene.
Ikinuha rin agad kami nina lola Sheena ng towel na agad din naman naming tinanggap dahil pareho kaming basa.
"Sasali rin ako kuya Humfrey!" Angel also said. "Huwag na muna," he answered.
"Sasali ako, sa ayaw mo man at sa gusto," Angel ended the conversation na tinawanan na lang din ng mga elders.
Hindi na lang din naman ako nakialam sa usapan nila at umakyat na lang ako sa kwarto ko dito sa resthouse. Naligo lang din agad ako at nagbihis dahil nga basa kami bago ako bumaba at kumain. Sabay-sabay lang din kaming kumain at pagkatapos ay kanya-kanya na muling buhay ang mga elders, maging si Angel at Humfrey kaya nagpahinga lang din ako sandali para sa pagsasanay mamaya.
Pagkatapos kong magpahinga ay saka ako lumabas para ihanda na rin ang sarili ko. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko rin agad ang isang bagay na mabilis na papalapit sa akin kaya sinalo ko rin agad ‘yon. I then look to what is it saka ko lang nakita ang bola ni Humfrey so I hurriedly find him and I saw him with Angel.
"Ang bagal mo," he said to me. "Angel? Let's go!" he called Angel.
Agad din namang sumunod sa kanya ang tinawag niya saka sila sabay na tumakbo, kaya sinundan ko na lang din agad sila. Pinagmasdan ko rin agad si Angel habang tumatakbo siya at pakiramdam ko ay parang mas sanay na sanay pa siya sa akin.
"Angel? Lead the way. You? Follow her," Humfrey said again.
Tumakbo na lang din ako saka ko siya nilampasan and I followed Angel. Ginagaya ko siya pero pakiramdam ko ay mabagal pa rin ako at mas mabilis akong mapagod dito.
"Run!" Humfrey yelled again, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Ngunit bigla na lang din akong nabitin sa kadahilanang hindi ko man namalayan, habang nakatingin lang sa akin si Humfrey na iiling-iling pa. I close my eyes and rest for a while saka ko kinalman ang sarili. I then tried swaying myself and reach for the rope para maputol ko siya, and I did. Its really a good thing that I brought knife with me.
Pagbagsak ko sa ground ay hindi ko na siya pinansin, tumakbo na lang akong muli but not on the way Angel was taking. Iniba ko ang daan ko and I follow the track that I, Abi and Abs always take kapag nagha-hike kami dito. I run like how I usually run, ginagawa ko rin ang mga bagay na ginagawa namin nina Abi noon at hindi ko na inalala ang mga kasama ko. I needed to do this kasi naiinis ako, dahil pakiramdam ko ang hina-hina ko pa rin.
Walang pagkakaiba, tumigil ako pagkarating ko sa peak kung saan madalas din kami noon. This was on the top of the mountain and we use to camp in here before, I can also spend my night here, at alam ko na kaya namang umuwi noong dalawa kahit wala ako. Mas sanay naman sila sa gubat kaysa sa akin.
"Why the hell you diverted your way?" agad akong napalingon sa kumausap sa akin habang nakatanaw ako sa kalawakan ng dagat mula rito. "I know this way," I simply answered.
"What happened to my way of training?” he ask kaya muli akong napatingin sa kanya. “I knew you know this way dahil nabanggit mo na na nagpunta na kayo dito noon. That is why I am diverting the way we were taking,” he added.
“Let me just breathe!” hiyaw ko sa kanya na ikinatigil niya rin kaagad. “Then let’s stop,” he also yelled in frustration.
“Walang sense ‘to Duchess. Wala!” he yelled again. “This is what you wanted pero gusto mo lang, ginusto mo lang kaya walang sense,” he said again.
"This is not the life I wanted Humfrey!” hiyaw ko rin sa kanya and this time ay muli akong napaiyak. “This will never be the life I wanted! Hindi ito, hindi ko ito gusto! Ayokong pumatay, ayokong manakit, ayokong makipag-laban!”
Napasandal ako sa malapit na puno sa akin saka ako napaupo habang patuloy ako sa pagiyak at habang nalulunod ako sa emosyon ko ngayon.
“But I don’t have a choice! And I cant even sleep at night dahil sa panaginip ko hinahabol ako nina Abi at Abs maging ng parents nila. Nandoon na ako Humfrey, handa na ako, pero kapag nakikita kita, pakiramdam ko ang hina-hina ko. Pakiramdam ko I'm not able to get the revenge I wanted, and I hate it, but I really really wanted it so bad," I cried again.
"Duchess you need to want it first, set aside the other things and want it full. Tanggapin mo na ng buo ang lahat, iyon lang ang tanging paraan," he said again.
Tinalikuran niya na ako at handa na sana siyang umalis, pero napansin ko agad ang bitag sa dadaanan niya. Agad akong napatayo at hinila ko agad siya palayo doon but it was too late at pareho kaming nalambat at nabitin sa ere. I cant even move, at magkadikit kaming dalawa ng sobra at pakiramdam ko ay pinagkasya lang kaming dalawa sa isang maliit na box sa pwesto namin.
"I don't wanna stay here with you, use the knife, cut it," utos niya sa akin dahilan para agad akong mapalingon sa kanya. "Feeling mo naman gusto kong katabi ka rito? Hoy Humfrey, manigas ka!" hiyaw ko sa kanya.
Ang kaninang mga luha ko ay napalitan na naman ng inis sa kanya and I just get my knife na nasa boots ko and I tried cutting the net.
"Ang bagal mo naman ako na nga,” he said to me saka niya agad na inagaw ang knife sa akin na nabitawan ko na lang din. “s**t! Malas talaga!" hiyaw niya habang nanlalaki ang mga mata ko dahil nalaglag ang knife.
"Paano na tayo niyan?" bulyaw ko sa kanya at hindi naman na siya nakasagot dahil alam naman niya na kasalanan niya ang lahat.
Tumahimik na lang din ko and I rest myself here dahil wala naman akong choice. Wala na akong knife na gagamitin at walang ibang paraan para makalabas kami dito. Mabuti na lang din at malambot naman dahil nakasandal ako kay Humfrey.
"Don't move, sumisikip lalo," reklamo ko sa kanya dahilan para agad siyang mapalingon sa akin. "Lumalayo ako sa’yo gets mo?" inis niyang sagot sa akin.
"Stay here!" bulyaw ko sa kanya na alam kong ikinagulat niya rin. "Nasasaktan na ako sa kakaisod mo alam mo ba ‘yon?" I added.
Natahimik naman agad siya dahil sa sinabi ko and he didn’t move after that. Napabuntunghininga na lang din ako and I look away, tinanaw ko na lang din ang papalubog na araw na kitang-kita dito sa kinaroroonan namin.
"Should we stop the training now?" mayamaya ay tanong niya sa akin. "Training without you is not a training, hindi ko kayang I-push ang sarili ko katulad ng ginagawa mo," I answered.
"Then why did you suddenly get annoyed to my face? Anong dahilan?" he ask again. "You prove what I thought so, that's why I'm annoyed. It's hard, and it's so hard being your trainee," I answered again.
"I said I will be strict," he said again. "Humfrey you look like them when you’re like that. Naaalala ko sila dahil sa’yo, you know they are scared to me pero kapag training namin nagiging iba sila, and that’s what I miss about them," I said at hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko.
“They’re gone! My friends are gone, and I can’t get over it. I think I will never get over it, Humfrey,” I cried again.
Naramdaman ko na lang din na mas kinabig niya ako palapit sa kanya habang naka-akbay siya sa akin.
"Are you sick?" he ask saka niya sinalat ang noo ko. Naramdam ko na lang rin na inihilig niya ang ulo ko sa braso niya at iniakbay niya ang kamay niya sa balikat ko.
"I will be extra nice for now, I wont annoy you for just this moment. Rest, wala akong mahinang estudyante," he said to me. “Saka alam mo ba na hindi naman masamang hindi maka-move on agad sa pagkamatay ng kaibigan o mahal mo sa buhay. You just need to continue living, okay na ‘yon. Hanggang sa makayanan mo na rin na tanggapin ang lahat, because acceptance is moving on,” he said again.
I didn’t talk but I rest my head in his arms na pakiramdam ko ay bumibigat na rin. I also feel relax and at ease in his shoulders, bagay na ang kambal o kaya ang pamilya ko lang ang nagpaparamdam sa akin. Why does he have this effect on me? Why him? Why on a total stranger?