bc

The Forbidden Governor: ADRIUS VALDERAMA (R18+)

book_age18+
38
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
forbidden
HE
age gap
friends to lovers
powerful
mafia
heir/heiress
drama
bxg
lighthearted
serious
kicking
office/work place
war
musclebear
surrender
assistant
like
intro-logo
Blurb

⚠️ WARNING ⚠️

This is a sensitive story intended for mature readers only. If you are underage, please do not continue reading. You've been warned!

BLURB:

He owns the city. She owns the trigger.

“I was trained to protect lives, but his is the one life I was ordered to take.”— Jhonalenne Bermudez [ TWILIGHT SKY ]

Si Jhonalenne Bermudez ay isang matapang na policewoman na walang kinatatakutan. Nang italaga siya bilang nag-iisang babaeng miyembro ng security detail ni Governor Adrius Valderama, alam niyang hindi magiging ordinaryo ang kanyang misyon.Dahil hindi siya naroon para lamang protektahan ang gobernador, kundi naroon siya para patayin ito.

Si Adrius Valderama ay isang makapangyarihang gobernador na hinahangaan ng publiko, ngunit sa likod ng kanyang pangalan ay nagtatago ang isang lihim na Mafia Boss.

“They call me Governor. Those who know the truth call me Boss.”— Adrius Valderama

Ngunit habang mas lumalapit si Jhonalenne sa lalaking dapat niyang kamuhian, unti-unting nagiging komplikado ang lahat.Dahil paano kung ang lalaking itinakda niyang patayin, ay siya palang lalaking hindi niya kayang mawala? At paano kung sa pagitan ng paghihiganti, panganib, at ipinagbabawal na pag-ibig ay kailangan niyang pumili?Ang misyon niya, o ang pusong unti-unti nang nahuhulog sa kanyang kaaway?

chap-preview
Free preview
_THE FIVE FATHER'S
⚠️ WARNING ⚠️ This story contains mature themes, strong language, violence, and adult situations that may not be suitable for young readers. This is purely a work of fiction. All characters, events, places, and situations are products of the author’s imagination. Any resemblance to real persons or events is purely coincidental. For mature readers only. Reader discretion is advised. --------------------- JHONALENNE'S POV: Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa maliit kong pisngi. Kasabay nito ang amoy ng basang lupa, basang damo at mga punong tila walang katapusan sa paligid. Umaga pa lamang noon sa isang malawak at tahimik na lupain sa kabundukan ng Mountain Province. Napapalibutan ito ng matatayog na mga puno at luntiang kabundukan at habang ang malamig na hangin mula sa bundok ay marahang humahaplos sa aking balat. At mula sa malayo ay halos natatakpan ng makakapal na ulap ang mga tuktok ng bundok, na para bang may mga lihim na itinatago sa likod ng makakapal na hamog. Sobrang tahimik sana ng lugar, kung hindi lamang sa paulit-ulit at malalakas na tunog ng mga suntok na umaalingawngaw sa paligid. Napaatras ako nang tamaan ang aking balikat. “Tumayo ka!” Mabigat na utos ni Papa Leo sa akin. Nasaktan man ako ay hindi ako umiyak, dahil hindi pwede. Hindi ako pwedeng magreklamo at hindi ko pwedeng indahin ang mga suntok na aking natatanggap. “Again!” Huminga ako nang malalim bago muling itinaas ang dalawang kamao ko. Maliit pa ang katawan ko para sa ganoong klase ng pagsasanay at napakamura ko pa sa edad ko noon na walo lamang. Masyado pang bata para matutong umiwas sa mga suntok. Pero iyon ang gusto nilang matutunan ko. Kung paano lumaban, kung paano tumayong muli, kung paano hindi matakot, at higit sa lahat ay kung paano pumatay. “Jhonalenne!” Narinig ko ang boses ni Papa John mula sa aming likuran. “Kapag sinuntok ka, huwag mong ipikit ang iyong mga mata. Naiintindihan mo ba?” Tumango-tango ako sa kabila ng kainosentihan ko. “Bakit po?” hinihingal na tanong ko. “Dahil kapag pumikit ka, hindi mo makikita kung saan manggagaling ang susunod na mga suntok.” "Ah?" Saad ko na lamang. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit kailangan kong matutong umiwas sa mga suntok, dahil sa murang edad ko, sanay na akong sumunod sa mga utos ng mga Papa ko. “Again!” Sigaw ni Papa Leo kasabay ng pagsugod niya sa akin kaya naman dali-dali akong napayuko. Hindi niya ako tinamaan dahil dumaan sa ibabaw ng ulo ko ang kanyang kamao, kaya naman mabilis akong gumulong sa lupa at muling tumayo. “Good.” Sa unang pagkakataon nang umagang iyon, bahagyang ngumiti si Papa Leo sa akin. Ngunit hindi pa siya tapos sa akin. “Now fight back!” Napalunok ako ng madiin at humakbang siya palapit upang ako'y kanyang sugurin. Maliit lamang ang kamao ko kumpara sa kanya, ngunit buong lakas kong itinama iyon sa kanyang tagiliran. At dahil doon ay napaatras siya nang bahagya. “That's it!” Tumawa naman si Papa Bobby, na nakasandal sa isang malaking puno habang pinapanood kami. “May suntok na ang batang 'to.” saad niya. “Pero mahina pa,” sagot naman ni Papa Leo. “She's still a child, Leo.” Saad ni Papa Bobby kaya naman napatingin ako sa kanya. Siya ang pinakamadaling kausapin sa kanilang lima. Kapag pagod ako, siya ang madalas na nag-aabot sa akin ng tubig na maiinom at kapag may sugat ako, siya ang naglilinis nito. Pero kapag training na ang pinag-uusapan ay iba siya. “Hindi mahalaga kung bata siya,” sabi ni Papa Bobby. “Kailangan niyang matutong lumaban.” “Papa Bobby?” saad ko sabay tingala ko dito na para bang nagtatanong ang mga tinginan ko sa kanya. Biglang natahimik ang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang may mali. Tumingin sa akin si Papa Bobby at pagkatapos ay tumingin siya kina Papa Leo, Papa John, Papa Sherwin at Papa Logan. “Dahil balang araw,” mahinahon niyang sabi, sabay haplos ng aking maliit na mukha, “kailangan mong harapin ang mga taong pumatay sa Mama mo.” Napahinto na naman ako. Oo, bata pa lamang ako ay iyon na itinatak nila sa isipan ko—na balang araw ay kailangan kong maningil ng pagkakautang. Hindi pera, kundi nang buhay. “Mama ko?” maang na tanong ko noon. Tumango naman si Papa Bobby. “Ang mga Valderama.” Sagot niya. Hindi ko alam kung sino ang mga tinutukoy nila—pero sa tuwing binabanggit ang pangalang iyon, nagbabago ang mga mukha ng lima kong Papa. Nagiging malamig, puno ng galit at parang may mga sugat na hindi pa gumagaling. “Bakit nila pinatay si Mama?” inosenteng tanong ko. Wala na namang sumagot at muli ay nagkatinginan silang lima at pagkatapos ay si Papa Sherwin ang bumasag sa katahimikan na iyon. “Jhonallene anak, makinig ka. Dahil ang mga Valderama ay makapangyarihang mga tao.” “Gaano po sila kalakas?” hindi ko pa lubos nauunawaan ang ibig nilang sabihin. “Mas malakas po sila kaysa sa atin? Mas malakas po ba sila sa limang Papa ko na mga sundalo?” Muli na naman silang nagkatinginan ng makahulugan at pagkatapos ay bahagyang ngumiti si Papa Sherwin. “Hindi natin kailangang maging mas malakas, anak.” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mahaba kong buhok. “Kailangan lang natin ay maging mas matalino.” tumango-tango ako na para bang nauunawaan ko ang bawat salita nila. Mula sa likod namin ay lumabas si Papa Logan na may dalang isang maliit na kahon. Hindi ko alam kung ano iyon at inilapag niya iyon sa damuhan, sa mismong harapan ko. “Enough for today.” saad niya kaya kaagad naman akong napangiti. “Pagod na po ako, Papa John.” reklamo ko. Tumawa naman si Papa John. “That's the first honest thing you've said today, anak.” Lumapit ako kay Papa Logan at binuksan niya ang kahon. May laman iyong pagkain at isang maliit na pulang laso. “Para saan po 'yan?” tanong ko sa pulang laso. “Para sa buhok mo.” sagot naman niya kaya kaagad kong kinuha iyon. “Ang ganda! Salamat po, Papa Logan.” Ngumiti siya sa akin. “Someday, hindi lang kami ang kailangan mong protektahan.” Napakunot-noo ako. “Po?” Hindi siya sumagot, sa halip ay inayos niya ang buhok ko at inilagay ang maliit na pulang laso. At doon ko napansin na nakatingin silang lahat sa akin, hindi na parang mga guro, hindi na parang mga ama, kundi parang may alam silang isang bagay na hindi nila kayang sabihin pa sa akin. “Papa?” “Hmm?” sabay-sabay silang tumingin sa akin. “Bakit po ba kailangang maghiganti?” Katahimikan ang namayani at muli akong tumingin sa kanilang lima at naghihintay ng sagot. “Bakit kailangan ko pong gawin iyon?” muli ay tanong ko. Dahan-dahang lumapit si Papa Leo at yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. “Dahil kailangan nating pagbayarin ang taong pumatay sa iyong Ina.” Napatingin ako sa kanya. “P-pero… pa-paano po?” “Dahil balang araw, ikaw ang tatayong boses ni Daniella.” Bahagya niyang hinawakan ang aking balikat. “Ikaw ang tatapos sa laban na hindi namin nagawang tapusin para sa kanya.” Tahimik na naman silang lima at napansin kong napatingin si Papa John sa malayo. Si Papa Bobby naman ay napayuko. Si Papa Sherwin ay tila may gustong sabihin ngunit pinigilan ang kanyang sarili. At si Papa Logan, siya ang hindi ko maintindihan dahil para bang may takot sa kanyang mga mata. “Jhonalenne,” mahinahon niyang sambit. “Papa Logan?” “May mga bagay na hindi mo kailangang malaman sa ngayon.” “Pero bakit po?” “Dahil darating ang araw na malalaman mo rin ang lahat.” “Kapag malaki na po ako?” tanong ko. Tumango siya. “Kapag handa ka na, anak.” Ngumiti ako, hindi ko alam na ang pangakong iyon ay magiging sumpa sa buong buhay ko. --- Pagkatapos niyon ay isa-isa na silang naghanda. Inimpake ang lahat ng mga gamit namin at inihanda na ang masasakyan namin pababa. Naiwan ako sa gitna ng malawak na lupain, hawak ko ang pulang laso sa buhok ko at tahimik akong nakatingin sa bundok. Hanggang sa makarinig ako ng isang kakaibang tunog. Napalingon ako dahil sa ingay na iyon sa likod ng mga puno. “Papa?” tawag ko ngunit walang sumagot. “Papa Leo?” Wala na namang sumagot at humakbang na ako paatras. May narinig akong mga yabag na parang palapit sa kinaroroonan ko sanhi upang makaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko. “Papa John?” Muli ay tawag ko habang panay na ang ginagawa kong pag-atras at pagkatapos ay may nakita akong lalaki sa pagitan ng mga puno. Nakatayo lamang siya roon, nakasuot ng itim na jacket at hindi ko siya kilala. Pero ang sumunod niyang sinabi ang nagpatigil sa aking paghinga. “Jhonalenne.” sambit niya sa aking pangalan. Nanlaki ang mga mata ko dahil paano niya alam ang pangalan ko? Lumapit pa siya sa akin sabay linga sa paligid. “Hindi ka dapat nandito.” wika niya. Napaatras na naman ako dahil sa takot. “Papa!” sigaw ko at dito biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. BANG! Napahawak ako sa dibdib ko, sumisigaw ako. At pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita kong humandusay ang lalakeng iyon sa harapan ko. At nang makita ko ang dugong kumalat sa damuhan ay muli na naman akong napasigaw. “PAPA!” Ngunit bago pa ako makatakbo, may dalawang malalakas na kamay na ang humawak sa aking balikat. Si Papa Logan na noon ay namumutla na ang mukha. “Jhonalenne, anak…” “P-papa, s-sino po 'yong l-la-laki?” umiiyak na tanong ko. Hindi siya sumagot sa halip ay hinila niya ako palayo. “Tumakbo ka na!” utos niya. “P-pero, Papa—” “ I SAID RUN!” Napalingon ako sa kanya at bago pa kami tuluyang makaalis ay may narinig akong boses mula sa malayo. Isang boses na hindi ko pa kailanman naririnig. Ngunit ang mga salitang iyon ay tumatak ng husto sa aking murang isipan. “Huwag ninyong hahayaang mabuhay ang anak ni young Master!” Nanigas ako dahil sa aking narinig. Anak? Sinong anak? At bakit parang ako ang tinutukoy nila?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT SINGLE DAD: AGENT SERIES 20 (R-18 SPG)

read
104.2K
bc

Love at First Shot [SPG]

read
21.1K
bc

Agent Series 15 : Officially Yours (SPG R-18)

read
152.0K
bc

Wanted: Mafia Lord Series 13 (R-18 SPG)

read
124.2K
bc

LIBERTY: THE WORLD'S MOST WANTED 2 (SPG/R-18+)

read
9.7K
bc

Agent Series 17: Money Or Kiss Me? (R-18 SPG)

read
189.7K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook