Chapter Thirty-one -Khen- Masaya kong pinagmamasdan ang mga anak ko ngayon dito sa kanilang kuwarto at naglalaro ng kanilang mga laruan. Wala kasi ngayon si Camille at kasama ni Yaya Isabel para mamili sa grocery, ewan ko ba ngayon kay Camille dahil gustong gusto nito ngayon lumunta sa supermarket at namimili roon. Pero hinayaan ko na lang din kasi mukhang naeenjoy naman niya. Kaso tulad parin ng dati ay nagaaway pa rin kami sa tuwing aalis ito na may nakasunod ng mga body guard. Gusto ko lang naman na bantayan ito at nang hindi ito mawala din sa paningin ko. Kaso sa tuwing malalaman nitong may sumusunod dito ay sakin ito nagagalit, at hindi pa ako makakapasok sa kuwarto namin isasarado niya yun. Kaya na papailing lang talaga ako dahil kahit kaylan ay napaka bossi nito lalo na sa

