Chapter Thiry-two -Camille- Sa buong buhay ko wala akong ibang hinanngad kung di ang magkaroon ng masaya at maayos na pamilya, simpleng buhay lang pinangarap ko pero hindi ko alam kung bakit palagi na lang ako nahihirapan kahit na ginagawa ko naman ang lahat para maging masaya sa buhay na gusto ko. Nang panahong nakilala ko si Khen ay inisip kong hindi na kami magkikita pa dahil sa alam kong mayaman ito at walang dahilan para muli kaming magkita. Pero tulad nga ng sabi ko sadyang malikot ang aking tadhana dahil nagawa nitong magkita kami at sa pagtatagpong yun at may binigay pang dalawang angel na naging lakas at nagbibigay sa akin ng tapang para lalong maging matatag sa buhay. Pero masakit mang sabihin at isipin ay umaasa ako dito na maririnig ang salitang kasal na pangarap din ng i

