Chapter Twenty-two -Khen- Dalawang araw na akong walang ganang pumasok mula ng malaman kong magkasamang umalis sina Camille at Albert at nalaman kong nagfile ng leave ang dalawa. Nakaramdam ako ng takot ng araw na yon, naisip kong baka tuluyan na itong sumama sa kaibigan ko at pinagpalit na rin ako dito. Noong araw na mangyari sa pagitan nila Bernadeth at Camille, ay hindi ko alam kung paano ako kikilos para akong natulos sa kinatatayuan ko ng makita ko ang ayos nito na may cake sa mukha at magulo na rin ang buhok nito. Hindi ko alam kung ano ang nagyari sa akin at hindi ko magawang ipagtangol ang babaeng pinakamamahal ko. Siguro dahil iniisip ko ang misyon na meron ako ngayon. Si bernadeth kasi ang susi para mahanap naming ang nawawalang kapatid ni Zandro na si Mika at ako ang

