Chapter Twenty-one -Camille- Walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha habang nasa kotse ni Albert. Narito na kami ngayon sa harap ng bahay ko pero ayaw ko pang bumababa dahil gusto ko pang kahit paano ay matahimik ang aking utak sa pag-iisip ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Albert sa kamay ko kaya napatingin naman ako dito. Nakangiti ito kaya mas lalo akong napaluha at niyakap ako nito habang pinatatahan. Masasabi ko pa ring masuwerte ako dahil kahit papaano ay may isang taong laging nasa tabi ko at hindi ako iniiwan kahit na ano pa ang ginawa kong katangahan. “Tahan na baka magalit na ang kambal sa akin niyan kapag nakita ka nilang umiiyak, sige ka baka hindi sila pumayag na maging sugar Daddy nila.” Natatawa niyang sambit sakin, sinamaan ko nama

