Chapter twenty -Camille- Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na muli akong tumugon sa mga halik sakin ni Khen. Ayaw ko man pero natatalo ng katawan ko ang pag-iisip ko. Iba din ang nararamdaman ng puso ko, pero tulad pa rin noon ay natatakot akong muling sumubok dahil sa bumabalik sakin ang nakaraan. Mabilis lumipas ang araw at buwan palagi na kaming magkasama nito na umuuwi sa apartment ko. Madalas na rin kaming naghahalikan pero hanggang doon lang dahil kahit papaano ay napipigilan ko na may muling mangyari sa amin. Hindi pa ako handa na muling magtiwala dito pero hinayaan ko na lang ito sa gusto nitong gawin sa akin o sa mga anak namin. Mula ng makilala ko ang pamilya nito at nalaman ako ang pinagdaan nito at nagkaroon ako ng konting awa para dito. Pero ewan ko ba hi

