Alexandrite's Pov "Ano ba kasi ang drama mo ngayon sa buhay, Alexandrite Mersiles?" Renzo growled as I was entering the passcode of my condo unit. Hindi na 'ko nag-abala pang pansinin s'ya at dumiretso na kaagad ako sa loob. Mabilis na napatakip ako sa 'king ilong nang maamoy ang matapang na amoy ng pintura na nakulob sa loob. Katulad nga nang sinabi sa 'kin ni Lolo ay halos patapos na 'to, iyong mga pintura at wallpaper na lang ang kailangang ikabit at p'wede nang magsimula ang furniture company na ideliver dito ang mga gamit na inorder namin. "Ay, Ms. Alex, magandang umaga po," nakangiti at magiliw na bati sa 'kin ng trabahador. Kaswal na nginitian ko lang 'to bago ako dumiretso sa pintong nasa kanang bahagi ng sala, iyon ang pinto papunta sa 'king kwarto. I am excited about th

