Alexandrite's Pov "Renzo?" Gulat at mahinang tawag ko sa lalaking naka-upo sa may leather couch sa gilid ng lobby nitong building. Kaagad na kumislap ang panglalaking ngiti nito sa kaniyang labi saka tumayo. Hindi ko na naawat pa ang sarili ko at kahit na ilang ulit ng ipinaalala sa 'kin nina Miss. Alissa maging ni Miss. Storm na hindi raw dapat ako tumatakbo ay nawala na 'yon sa isip ko. With a five inch pumps on, I run toward him as if I'm in a marathon aiming to win it. "Bakit hindi mo muna ako tinawagan bago ka lumuwas ng Manila tsaka paano mo nalaman na nandito ako?" Pang-uusisa ko sa kaniya. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at ang malapad na ngiti na ngayon na lamang ulit gumihit sa 'king labi ay parang impossible na atang mawala ngayon. Mag-iisang buwan na rin kami

