Alexandrite's Pov "Alex, mauuna na kami," sabi nina Precious at Eliu nang makita nila si Primo na naghihintay sa 'kin pagkalabas namin ng nursing department. Napako na ang mga mata ko sa kaniya kaya naman hindi ko na nagawa pang tingnan ulit sina Eliu at basta-basta na lamang akong kumaway. Suot ang isang plain na t-shirt at jeans na pinaresan ng isang khaki na trench coat naalala ko bigla na ngayon nga pala ang araw nang pag-alis niya papuntang London. Bakit ang bilis natapos ng apat na buwan? "Dapat talaga hindi na ako dumaan dito. Iiyakan mo lang ako e," pabiro niyang sinabi. Joke na ba 'yon? Ang corny at kahit na paulit-ulit ko pang iplay 'yon sa 'king utak ay hindi talaga nakakatawa. Primitivo offered his hands. I stare at it for a moment. I'll miss the warmth of it. I still

