Alexandrite's Pov "2:30 ang tapos ng klase ko." "I know." I unfastened my seatbelt and gazes at him with enough amusement. Hindi ko na lang isinasalita pa ang pagkamangha ko dahil sa narinig. Edi s'ya na talaga. Alam na alam niya ang lahat. "Hindi mo na ako kailangang ihatid." Pigil ko nang lalabas din sana 'to mula sa kaniyang sasakyan. Tinawanan ako ni Primo. Ako lang ba o sadyang nagiging pala-ngiti at pala tawa na talaga ang future husband ko nitong mga nakaraang araw. He didn't listen. He still went out after I closed the door. Bahagya itong lumingon sa ibang direksyon nang masilaw siya sa sikat ng araw. "Hindi naman kita ihahatid sa building niyo. Just so you know I still don't have plans to baby you so much," he uttered. Nauna na itong lumakad paalis ng parking lot. Kung g

