Alexandrite's Pov "Are you cooking or you're burning your kitchen?!" Awtomatik akong gumilid nang lumapit si Primo sa electric stove at pinatay 'yon. Gamit ang potholder ay nilagay nito ang kawali sa lababo saka binuksan ang gripo para matuluan 'yon ng tubig. Inis na humarap ito sa 'kin. Ano ba naman 'yan, hindi naman gan'to iyong iniimagine ko kanina e. Ang gusto ko lang naman gawin ay ipagluto siya ng umagahan ta's kiligin siya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na sumang-ayon talaga si Lolo Vero na hayaan kang mag-isa," anito. I pouted my lips. Kung hindi naman dahil sa kaniya ay wala naman talaga sana akong balak na magluto rito. Napatingin ako sa tasa ng kape na kanina ko pa natimpla para sa kaniya. Umayos ako nang tayo saka 'yon kinuha mula sa gilid ng electric stove at ibiniga

