Alexandrite's Pov "Ang dami naman nito. Hindi ba't limang araw ka lang naman sa Paris?" Bitbit ang bag na naglalaman ng toiletries ay lumabas na ako ng cr at inilagay na rin 'yon sa 'king maleta. Bitbit ang isang medical book, naupo si Primo sa gilid ng aking kama. Wala siyang duty ngayon at wala rin akong pasok dahil linggo. Sakto, may isang buong araw kami para magharutan este mag-bonding bago ako umalis mamayang madaling araw. Sinarado ko na ang zipper ng maleta saka ibinaba ito sa gilid ng kama. "Wala ka na bang balak umuwi ng Pilipinas? Bawasan mo kaya 'yan." Hinila ko ang maleta palayo sa kaniya nang akmang kukunin niya na 'to sa 'kin. Ang pakialamero naman ng kamay niya kung ano-ano ang binubutingting. I narrowed my eyes on him as I hide my luggage on my back more. "Ang

