Alexandrite's Pov "Alexandrite, stop that!" binitawan ko na ang croissants na kinakain. Hindi naman na talaga ako gutom dahil na ka ilang piraso na rin ako non, kumain din naman ako ng pesto para sa umagahan sadyang masiyado lang malinamnam ang croissants dito. Iba ata talaga ang lasa ng isang french bread kapag sa Paris mo siya kinain. Hindi ko alam kung bakit pero baka mayroong kinalaman ang hangin. Pinagpagan ko ang gilid ng aking labi saka mas inilapit ang aking mukha sa kasama naming makeup artist para malagyan niya na ako ng lipstick dahil 'yon na lamang ang kulang at tapos na ako. "Is he done?" Ms. Alissa asked to another staff of ours, pertaining to risque. Inayos ko saglit ang kulay itim na see-through long neck top na nasa loob ng suot kong white lacey longsleeve. I kissed

