Alexandrite's Pov "I said it's a gift but if you really want to pay me, love me back... that's the payment I want." Unti-unti nang napawi ang masayang ngiti sa 'king labi dahil sa narinig. "Masiyado kang uto-uto," bulong ni Risque saka siya humagalpak ng tawa. Napangiwi na lang ako saka mahinang piningot ito. "Siraulo ka!" I growled. Kahit na nasa loob na kami ng van na dalawa ay patuloy pa rin si Risque sa pagtawa niya dahilan para bigyan siya ni Ms. Alissa ng mapangkastigong tingin. Hinarang na ni Ms. Alissa ang kurtina sa pangalawang hilera at pangatlong hilera ng upuan sa van. Tinted naman ang salamin kaya hindi na ako nag-alangan pa na magbihis dito. "Anong nangyari kay Risque?" she asked me curiously. Nilingon ko s'ya habang isinusuot ko ang kwintas na accessory ng white

