NATALIE "Hija, ano ba ang pinagkakaabalahan mo at bakit palagi ka na lang lumalabas?" Kung malaman nilang hanggang ngayon ay hinahabol ko pa rin si Dominic ay baka ikulong nila ako sa aking silid gaya ng ginagawa nila sa akin noon. "May inaasikaso lang kami ng mga kaibigan ko. We missed each other kaya naisipan naming mag-bonding araw-araw." Sana naman ay paniwalaan niya ang alibi ko at kailangan ko nang umalis dahil magiging secret agent ako ngayon. Mom, please not now. Next time mo na lang ako tanungin. Ayokong mapurnada ang plano ko dahil ang dami kong pinagdaanan para lang malaman ko ang buong schedule ni Dominic sa araw na ito. "Bonding nga ba o baka naman lihim kang pumupunta sa kumpanya ng ex-boyfriend mo? Natalie, kung wala ka na talagang pag-asa ay kalimutan mo na lang siy

