DOMINIC Nagpa-practice ako ng sasabihin ko kay Serenity dahil may hinanda akong mahabang speech. It's our seventh anniversary today and I want it to be memorable for us. Ayaw kong makalimutan niya ang araw na ito. I invited our family and close friends to witness my marriage proposal. Tutuparin ko na ang pangarap naming dalawa, ang bumuo ng kumpleto at masayang pamilya. Soon we will tie the knot and she will be no longer Serenity Hope Chavez. Misis ko na rin ang itatawag ko sa kaniya at hindi na babe. "Congratulations brother, mabuti naman at naisipan mo nang alukin ng kasal si Serenity." "Thank you, Otso. Kahit naman noon ay gusto ko ng mag-propose sa kaniya," pero hindi lang ako makahanap ng magandang timing. Inayos niya ang suot kong long sleeve polo at sinuklay niya rin ang magul

