Chapter 59

2004 Words

SERENITY "Ano ba ang meron sa taas at bakit kanina ka pa nakatingin diyan?" Hindi ko rin alam kung bakit natulala na lang ako bigla nang mabasa ko ang pangalan ng hotel na ito. Hindi naman siguro si Maximillian ang may-ari nito. "Ang ganda kasi ng pangalan ng hotel na ito kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa taas." "Balita ko ay hot bachelor daw ang may-ari nito," malanding bulong ni Shane sa akin. Lahat naman ng lalaki ay gwapo at hot sa paningin niya. Parang walang boyfriend dahil nakikipaglandian pa siya sa iba. Kanina pa kami naghihintay kay Madam Bea at hindi rin siya nag-re-reply sa text ko. Ang sabi niya kasi ay susunod siya sa amin subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Hindi ako nakatiis at hinila ko si Shane papunta sa tabing-daga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD