SERENITY Nagulat ako nang lagyan ni Denise ng piring ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin ni Shane. Kanina ko pa sila tinatanong kung saan kami pupunta subalit panay sabi nila na secret lang daw muna dahil malalaman ko rin mamaya. Nais ko sanang magpahinga dahil masyado akong napagod kahapon sa mga preparations na ginawa namin. "Huwag n'yo akong bitawan at baka madapa ako." Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Denise dahil natatakot akong mahulog sa hagdanan. "I can't wait na makita ang reaksyon ni Serenity mamaya," excited na sabi ni Shane sa akin. "Ano ba ang trip n'yo at bakit n'yo ako dinukot sa bahay? Bukas na ang kasal namin ni Dominic at kailangan kong mag-beautyrest ngayon." Ayoko namang ikasal na sobrang haggard ko 'no. Unti-unti kong minulat ang a

