SERENITY Akala ko ay kaya kong unahin ang kaligayahan ko pero hindi pala. Mas gusto ko pang magdusa kaysa sirain ang kinabukasan ng batang nasa sinapupunan ni Tita Rose. Alam kong tama ang desisyon kong hindi pakasalan si Dominic. I don't want to suffer until I die. Dahil kahit pa mawala ang alaala ko ay hindi pa rin mawawala ang kirot sa aking puso. Akala ko kasi kagabi ay kaya ko pang magtiis subalit ngayong umaga ay napagtanto kong kahit konting pride man lang ay wala ng natira sa akin. Ubos na ubos na ako kaya ang sarili ko naman ang pipiliin ko. Ako na lang ang magpapalaya. Total kahit anong gawin ko, wala ng magbabago pa. Kilala ko si Dominic, balang araw ay matatanggap niya rin ang batang iyon at ayokong ipagkait sa kaniya ang kumpletong pamilya na hindi ko naranasan buong buhay

