MAXIMILLIAN "Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang ginawa ninyong dalawa sa hotel?" Kanina pa ako tinatanong ng kapatid ko kung bakit magkasama kaming dalawa ni Serenity kagabi. Malakas kong pinalo ang ibabaw ng desk ko dahil naririndi na ako sa boses niya. Sa wakas, tumahimik rin siya. "Ano ba ang gusto mong malaman, kuya?" nagtitimpi na tanong ko sa kaniya. "Brother, may nangyari ba sa inyo ni Serenity? Mapapatay ka talaga ni Lucas kapag nalaman niyang pinagsamantalahan mo ang kapatid niya." "Wala," bagot kong sagot sa kaniya. "Kung nasagot ko na ang tanong mo ay umalis ka na sa aking opisina dahil marami pa akong gagawin ngayon." Alam kong concerned siya sa akin at ayaw niyang madawit ulit ako sa isang eskandalo. I feel sorry for Serenity because she is really hurt.

