SERENITY Nabalitaan ko ang nangyari kay Tita Rose kaya napasugod ako bigla sa ospital. Bubuksan ko na sana ang pintuan subalit natigilan ako nang makita kong sinusubuan siya ni Dominic. Paatras akong humakbang at nilisan ang lugar na ito habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Bakit ba kasi pumunta ako dito? "Hey, are you okay?" "M-max," garalgal ang boses ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. Hindi ko alam kung bakit kusang niyakap ko siya at tinago ko ang aking mukha sa malapad niyang dibdib. "Nag-alala ka ba masyado sa tita mo kaya ka umiiyak ngayon? The baby is safe, Serenity. Hindi siya nakunan," maingat niyang sabi sa akin. Umiiyak ako ngayon dahil labis akong nasaktan sa nakita ko kung paano alagaan ni Dominic si Tita Rose. Mukhang nagkakamabutihan na silang dala

