DOMINIC Gabi-gabi akong naglalasing at wala na akong pakialam kung mamatay ako ngayon. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung wala na ang taong mahal ko sa aking tabi. I'm losing my mind, and my soul is deeply burned by pain. Does anyone know what I truly feel? Labis ang pagsisi na nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung kailan mawawala ang kirot sa aking dibdib. Ni hindi ko magawang malapitan si Serenity dahil mahigpit ang seguridad sa kanilang bahay. Ang gusto ko lang naman ay pakinggan niya ako subalit hindi niya ako magawang pagbigyan. Para akong kriminal na nagtatago sa gilid ng poste dahil natatakot akong makita ako ng isa sa mga bodyguard ni Serenity. Balak kong pasukin ang loob ng bahay niya dahil nabalitaan kong wala siyang kasama ngayon. Ang papa niya at si Leren ay nasa os

