SERENITY Tinawagan ko agad si Dominic nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ni Maximillian. Hindi ako mapakali sa aking pwesto dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sana naman ay huwag niyang paniwalaan ang balitang kumakalat ngayon tungkol sa akin. Kapag magiging Mrs. Suarez na ako ay magreretiro na ako sa career ko. Gusto ko kasing mag-focus na sa new journey ko as a wife and to be a mother soon. "Nakita kitang dinumog ng media kaya bumaba na ako sa sasakyan ko para tulungan kang makaalis sa parking lot." Binasag niya ang katahimikan na namayani sa aming dalawa. "Salamat," dahil kung wala siya ay baka nahimatay na ako kanina. "Ano bang meron at bakit gano'n ang mga tanong nila sa akin?" May ideya naman ako kung ano ang tinutukoy nila pero gusto kong malaman ang full details. N

