SERENITY May pag-uusapan kami ni Leren at nagtataka ako kung bakit gusto niyang sa crowded place kami magkita. Ang ingay kasi dito sa park at maraming batang naglalaro. Paano kami mag-uusap ng maayos kung ganitong environment ang napili niya? O baka naman maling address ang binigay niya sa akin? "Ate Serenity, nandito ka rin?" Niyakap ako ni Ivy at tuwang-tuwa siya na makita ako. Na-miss ko rin ang batang ito. "Hinihintay ko kasi ang kapatid ko dito. Ikaw, sinong kasama mo ngayon?" Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ko ang leeg niya dahil punong-puno ito ng pawis. "My tito," she said. "Tito Max, come here." Akala ko ay puro trabaho lang ang inaatupag niya pero may time din pala siyang pumunta sa ganitong uri ng lugar. I was surprised when I saw his outfit today. Para lang siy

