SERENITY "Ma'am, pwede po bang huminahon kayo? At isa pa, may proweba ka bang kabit siya ng asawa mo?" tanong ko sa ginang. Kilala ko si Tita Rose, disente siyang babae at hindi niya ugaling manira ng isang relasyon. Saka hindi niya rin kayang lokohin si Kuya Augustine, ang long-time boyfriend niya. "Anong kabit ang pinagsasabi mo," naguguluhan na sabi ng ginang sa akin. "Anak, sino sila at nasaan tayo ngayon?" "Pasensya na po sa inyo kung nabulabog ang pahinga n'yo. May dementia kasi si mama at kung ano-ano na lang minsan ang sinasabi niya. Sana po ay mapatawad n'yo siya at sorry din po sa 'yo, Ma'am Rose." Inalalayan ng dalaga ang kaniyang ina at umalis na silang dalawa sa aking silid. Mabuti na lang at nabitawan niya kanina ang hawak nitong kutsilyo dahil balak niya sanang saksa

