DENISE Naiinip na ako sa kakahintay kay Ferdinand kaya ako na lang mag-isa ang pupunta sa Home of Love and Hope Orphanage. Gusto ko kasi na bago mag-start ang program ay dapat nandoon na ako. This event is also important to me because when I see the smiles of the children, it makes me happy. Nang makita kong tumatawag si Ferdinand ay sinagot ko agad ito. "Hello, sa bahay ampunan ka na lang dumiretso dahil on the way na ako doon. Ang tagal mo kasi," reklamo ko sa kaniya. "Okay, love. Baka ma-late ako ng konti dahil biglang bumisita ang isa naming investor." "No problem. Sabihan ko na lang si Serenity mamaya," akala niya kasi ay magkasama kami ngayon ng kuya niya. Wow, worth it ang nilaan kong aras sa pagbiyahe para lang makapunta ako sa orphanage na ito. Ang ganda ng paligid at sobra

