SERENITY Parang hindi interesado si Dominic sa sinasabi ng wedding planner sa amin kaya nawalan na rin ako ng ganang makinig. Mas lalo akong nainis nang sabihin niyang ako na daw ang bahala sa lahat. Kung gano'n pala ang gusto niyang mangyari ay sana sinabi niya sa akin noong una pa lang. "Dominic, parang nagbago ata ang isip mo. Punong-puno na ako sa 'yo, hindi lang ako nagsasalita kasi pilit kitang iniintindi." Nagtatanong siyang napatingin sa akin dahil hindi niya gets ang sinabi ko. Saan ba pumunta ang utak niya at bakit naging bobo na lang siya bigla? "I'm sorry, pagod lang talaga ako." "Pagod? Hindi ka pumasok sa trabaho mo kahapon, Dominic. Kaya nagtataka ako kung saan ka napagod," wala rin siyang ginawa ngayon kun'di umupo lang. "I'm mentally exhausted, misis ko. Pasensya

