SERENITY Hindi naman ako ang may birthday ngayon kaya simpleng dress lang ang sinuot ko. Invited rin sina Shane, Denise at Madam Bea kaya hindi ko sila maiiwasan mamaya. Habang naghihintay ako kay Max ay tinignan ko ulit ang aking sarili sa harap ng salamin. "Ate, nandito na ang sundo mo." sigaw ni Leren mula sa labas ng aking silid. "Pakisabi sa kaniya na pababa na ako," kinuha ko na ang sling bag ko at ang regalo na ibibigay ko kay Ivy. Medyo nabibigatan ako sa dala kong human size teddy bear kaya kinuha ito ni Maximillian sa akin. Siya na ang nagbitbit nito patungo sa kan'yang sasakyan. Hindi makapunta si Leren sa kaarawan ni Ivy dahil may business trip siya ngayon sa Bohol. "Ang ganda mo, Serenity." Ang nakakahipnutismong mga mata nito ay nakatitig sa akin. Nahiya ako bigla dah

