ELIZABETH "Ate, sure ka bang hindi magagalit si Serenity?" nag-aalala na tanong ni Rose. Papunta kami ngayon sa bahay ni Serenity dahil gusto niya kaming makita ng kapatid ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya at kung ano ang balak nito. "Oo, kaya mag-relax ka lang diyan sa kinauupuan mo." "Miss ko na rin ang aking pamangkin," emosyonal siyang napatingin sa labas ng bintana at mukhang iniisip niya ang mga happy moments nilang dalawa. "Sana makausap ko siya ng matagal ngayon at sana magbati na kami." "Sana nga," dahil mukhang masaya na siya ngayon at parang hindi siya galing sa masakit na hiwalayan. Mahirap kasing basahin ang emosyon ni Serenity dahil magaling siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman. Sana naman ay hindi siya nagpapanggap na okay lang siya. Pero nakita ko kung

