BETTINA So sobrang pagod nakatulog pala ako at mabuti na lang rin nakatapos ako kahit paunti unti lang. Ilang araw pa lang ako dito, pero nalulungko na ako. Kaya napilitan akong buksan ang cellphone ko at iblocked ang number ng matanda para hindi niya ako matawagan. Nag simula akong mag type ng messages na pinadala ko kay Trina. Kaagad naman itong sumagot sa akin at tinanong niya kong nasaan ba ako. Hindi ko alam kong ituturo ko ba kong nasaan ako at baka mabanggit nito kay Vince at masabi pa sa matandang 'yon kong nasaan ako. Ayoko na munang ipaalam na kahit kanino at gusto kong mapag-isa kaya sinabihan ko si Trina na hwag na hwag mababanggit kay Vince kaso nga lang nang makita kong parating na ang kotse nito at naunang bumaba si Vince nairita ako kay Trina. "Trina, anong sabi ko???" ta

