"Sabi ko sayo ayoko ng drama e, ikaw naman palagi na lang akong naiiyak sayo." reklamo ni Trina. "Sorry na girl, hindi lang kasi ako sanay na nakikituloy sayo. Pero, tama ka nga wala kasing tiwa ang matandang 'yon sa akin kaya dapat nga lang na magdusa siya sa kakahanap sa akin." sang-ayon ko sa sinabi ni Trina. "Ayon naman pala girl, sige na kumain ka lang dyan at mag-aasikaso na ako para makabalik rin ako kaagad. Siya nga pala baka pumunta sila Dom dito at Brix." saad niya na ikina gulat ko at kinalaki ng mga mata ko. "Ano? Bakit naman hindi ba nag-usap na tayo na ayokong may makaalam kong nasaan ako. Bakit mo pinaalam sa kanila?" nakasimangot na tanong ko sabay tigil sa pagsubo ng pagkain. "Girl, hindi ba sinabi ko sayo na tutulungan ka naming lahat kaya may alam rin sila sa plano.

