TREVOR Nagising ako ng marinig kong umuungol ang asawa. At parang nanaginip ito kaya dahan dahan ko itong ginising hanggang sa magising ito. "Sweety, nanaginip ka." wika ko ng magising ang asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang napanaginipan niya at bakit ganon na lang ang pagyakap nito sa akin. "S..Sweety." usal niya. Sabay yakap sa akin na parang takot na takot na 'di maintindihan. "Okay ka lang ba sweety?" tanong ko habang hinahaplos ko ang likod nito. "O...Okay na ako sweety, salamat naman na panaginip lang ang lahat. " ani niya. "Bakit ano bang napanaginipan mo sweety?" tanong ko ulit dito. "S...Si D..Denver." tugon niya. Napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng anak ko. Marahil malaki ang takot ng asawa ko dito. At hanggang sa panaginip nito ay nakakapasok. "Ssssh!

