BETTINA Sobrang sama ng panaginip ko tungkol kay Denver, parang totoong too. Kaya nang gisingin ako ng asawa ko napayakap ako bigla sa kan'ya at ng tanungin niya ako kong okay ako sinabi kong hindi at natatakot ako. Sinabi ko din na napanaginipan ko si Denver at may masama siyang binabalak sa aming mag-asawa. Hanggang sa tinanong niya ako na; "Kapag ready ka na sasamahan kitang puntahan siya." Sa sobrang takot ko hindi muna ako nakasagot bagkos sumiksik lang ako sa dibdib niya habang nararamdaman kong hinahapos niya ang likod ko. Sabay sabi sa akin na; "Hindi ko hahayaang may gagawin siya sa atin. Nandito ako at proprotektahan ko kayo ni baby Trevvy." Hindi ko alam bakit ganon na lang ang sobrang takot kay Denver, na kaya niyang gawin ang nasa panaginip ko. Hanggang sa nakatulog ako a

