TREVOR Nang nasa loob na kami ng center hinayaan ko silang mag-usap. Nakamasid lang ako at handa kong sakaling may gagawing 'di maganda ang anak ko sa asawa ko, ngunit sa nakikita ko okay naman ang pag-uusap nilang dalawa na tumagal ng kalahating oras, dahil may oras lang rin ang pagdalaw sa bawat pasyente. Nang tumayo ang asawa ko at nagtatakbo palapit sa akin. Nakita ko pang kumaway ang anak ko sa amin bago pumasok sa loob. May tatlong buwan pa bago siya makalabas sa center , pero depende pa 'yon sa kan'ya at sa progress ng katawan niya dito. Nang hawakan ng asawa ko ang kamay ko at inaya ako palabas ng center nakita kong masaya naman siya at hindi na rin ako nag-usisa pa. Pinasakay ko na siya sa kotse at pinaandar papalayo roon. Nang mag ring bigla ang cellphone ko at nang i-check ko

