TREVOR Nang tawagan ako ni Vince at i-text ni Trina kong nasaan raw ang asawa ko mabilis pa sa alas kwatro na pinuntahan ko ito sa address na 'yon. Kaso nang makaratin naman ako doon para naman na walang tao e, kaya aalis na sana ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw at ng pumasok ako sa loob, dahil sinadyang iwan na bukas ang gate kaya nagdire diretso ako mula sa pintuan nakita kong namimilipit sa sakit ang asawa ko at may tumatagas na tubig sa kan'yang hita kaya mabilis pa sa alas kwatro akong kumilos at pinangko ko ito palabas ng bahay at sinakay sa backseat ng kotse pinaharurot ko agad ang sasakyan papalayo roon at patungo sa ospital. Pag dating namin doon kaagad siyang dinala sa delivery room area at nang magkamalay siya tinurukan siya ng injection na may anesthesia para hindi niy

