BETTINA Nakahiga ako sa kama at hindi na rin ako masyadong nagkikilos at ka-buwanan ko na rin kasi kaya naman pinagbawalan na ako na maglalabas maliban na lang sa pag eexercis at paglalakad. Nang mabalitaan kong na ospital ang asawa ko hindi ko siya matiis na 'di puntahan. Nakakainis lang kahit nagkasala siya sa akin at nasaktan niya ako nagawa ko pa rin siyang patawarin at puntahan ganon nga siguro kapag nagmamahal ka lahat gagawin mo para sa taong mahal mo. At kagabi lang niyaya ako nila Trina na magpunta sa Elite bar kaso ng makita ko na papasok siya ng bar nagtago ako at hindi pa rin ako handa na magpakita dito. Kaso nga lang nang magsimula na itong magkwento lalo na't narinig ko ang sinabi niya parang gusto ng umatras sa plano namin. Sapat na siguro ang ilang buwan na pagtatago ko

