BETTINA After ng baby shower party masayang masaya ako na muli kong nakasama ang mga kaibigan ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang dalawang beses na niya akong sinurprise. Noong una ay ang kasal namin at pangalawa ay ito naman. Kaya sobrang saya ko sa mga ginagawang effort nito at pagmamahal sa akin at sa anak namin. Kasalukuyang nasa bahay kami ng tumawag ang guard sa guard house at asawa ko ang nakasagot. Narinig ko na lang bigla na sinabi nito na; "Sige, papasukin mo." nagtataka man kong sino ang bisita niya na darating at hindi na rin ako nag-usisa pa. Baka sila Dom lang naman 'yon. Patayo na sana ako ng pigilan niya ako sabay sabi na; "Tumawag ang guard at sinabing nasa labas si Denver." diretsahang wika niya at ako naman ay nagulat sa sinabi ng asawa ko at 'di makapaniwalang

