Naalimpungatan ako ng marinig kong umu ungol si Felecity. "Uhmmm! Hwag maawa ka, hwag kang lalapit." paulit ulit na wika nito hanggang sa gisingin ko siya. "Felecity wake-up! Wake-up." gising ko dito hanggang sa magising siya na hapong hapo at naiiyak na sumiksik sa dibdib ko sabay yakap sa akin. Hinagod hagod ko ang likod nito hanggang sa kumalma siya at sa una unahang pagkakataon sinabi niya ang salitang; "Salamat." "Walang anuman." sagot ko sabay tanong na; "Ano ba 'yong napanaginipan mo?" tanong ko sa kan'ya. Huminga muna ito at napabuntong hininga sabay sabi na; "It was my live-in partner, sinasaktan niya kasi ako." wika niya sa tono ng boses na takot na takot. Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya lalo na ng sabihin niya na; "A...At kapag ayaw kong makipag s*x sa kan'ya sinasaktan ni

