DENVER Five Months Later nang magsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. I was devastated ng malaman kong kinasal na ang Daddy ko at si Bettina kaya halos everyday akong nagpapakalasing at gusto kong makalimot. Umasa kasi akong iiwan ni Bettina ang Daddy ko para sa akin. Siguro nasanay ako na palagi kong nakukuha ang mga girlfriends ng Dad ko. Bakit ko nga ba ginagawa 'yon, simple lang gusto kong iganti ang Mommy Helen ko. At si Dad ang sinisisi ko kong bakit ako iniwan ng Mommy ko. Kaya lahat ng girlfriend ni Dad inaakit ko para iwan siya at maging miserable ang buhay niya. Ayoko siyang maging masaya. Hindi niya deserve sumaya, ang dapat sa kan'ya ay mabuhay at mamatay ng mag-isa. After Jennica hindi na nag girlfriend si Dad kaya masaya ako na nagtagumpay ako sa plano ko. Kaso lang after

