BETTINA Lingid sa kaalaman ng asawa ko na makikipag kita ako sa drug dealer na si Mr. Polland. Kanina pa ako dito at dala ko na ang attache case na naglalaman ng sampung milyon. Alam kong delikado ang buhay ko sa gagawin kong ito at buntis rin ako. Pumasok ako sa madumi at mabahong gusali na binigay sa akin na address ng lalaki na palaging nagmamanman sa DGC ng ilang araw. Natakot ako sa posibleng gawin nila sa DGC at ayokong mapahamak ang mga taong nagtatrabaho doon. Kaya kailangan ko nang tapusin ang gulong sinimulan ni Denver bago pa mapahamak at madamay ang mga inosenteng tao. Maya maya lang lumabas ang mga armadong tao at pinalibutan ako. "Mrs. Dela Cuesta, nasaang ang pera?" tanong ng baritonong boses na dumating. Napalingon ako dito at 'di ako pwedeng magkamali siya ang lalakin

