FELICITY Isang magandang umaga at sikat ng araw ang aking nasilayan ngayong araw. Kaso palagi na lang sinisira ng abnoy na lalaking 'yon. Hindi ko alam kong saan ba siya nang galing at kong totoo ang mga pinagsasabi niya sa akin. Galing pa naman ako sa bukid para mag ani ng palay kaso lang nang nakaramdam ako ng gutom naglakad ako pabalik ng kubo hanggang sa makita ng dalawang mga mata ko ang isang lalaki na feel at home sa aking bahay. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita dito sa baryo. Suot suot pa niya ang damit ko. Kaya naman ginising ko ito kaso lang nakakahiya ng sabihin niya sa akin na; "Ano ba, Manang natutulog 'yong tao." Tinawag niya akong Manang kaya sa bweset ko hinila ko ang kamay niya kaso, dahil malakas siya nabuwal ako sa ibabaw niya at niyakap na lang ako

