BETTINA Matapos naming magtalo nito umalis agad ako ng Mansyon at hindi na nagpa awat pa. Pagka alis ko ng Mansyon diretso na ako kay Trina at 'di na ako nagsabi kong bakit ako pupunta doon. Pag daating ko sa tapat ng bahay nito. Naisipan kong iwan na muna ang luggage ko sa compartment ng sasakyan, para hindi niya ito makita at magtanong pa kong saan ako pupunta gayong alam naman nito na kailangan ko ng laging may kasama sa pag-alis. Kaagad ko siyang niyakap ng pag buksan niya ako ng pintuan, sapagkat sobrang mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako umiyak sa harapan niya at ayokong mag-isip siya na kahit ano pa. Gusto ko lang makita ang kaibigan ko bago ako umalis at alam kong matatagalan akong mawawala. "Okay ka lang ba talaga girl? Kong makayakap ka dyan parang hindi na tayo magk

